Gusto mo bang gumawa ng website?

N.B. – This was published in Vol. 6, No. 40 (October 17-23, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-40/op_ed/ed-6_40_3.htm.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineIsa sa mga eksperimento ko sa paghawak ng iba’t ibang kurso sa pamamahayag ay ang pagtuturo ng Web authoring o paggawa ng website. Sinimulan ko ito noong 2000 at hanggang ngayon ay positibo pa rin ang pagtanggap ng mga estudyante ng pamamahayag sa Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Bukod sa dagdag na kaalamang naibabahagi sa kanila, pakiramdam nila’y mas naiintindihan nila ang susing teknolohiyang may kinalaman sa Internet. Sa kanilang paggawa at pagsusuri ng source code ng binubuong website, ang inisyal na intimidasyon ay napapalitan ng intensiyong ipagpatuloy ang kanilang proyekto kahit tapos na ang kurso.

Sa katunayan, marami sa mga dati kong estudyante ay kilala nang webmaster at blogger. May isa pa ngang naging co-author ng isang tutorial sa paggawa ng website. Para sa ibang lalo pang pinagyaman ang kanilang kaalaman, tuluyan na nilang pinasok ang larangan ng information technology (IT) habang patuloy pa rin ang kanilang pagsusulat.

Bagama’t may ilan sa kanilang ginamit ang kaalaman para magbahagi ng makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng Internet, masasabing hindi pa rin malawak ang naaabot nila dahil sa limitasyon ng bagong midya sa Pilipinas. At ito ay isang batayang problema ng paggawa ng isang website: Hindi dapat magkaroon ng ilusyong kayang abutin ang nakararaming Pilipinong napakalimitado ng access sa Internet.

Pero hindi naman ito nangangahulugang dapat nang kalimutan ang paggamit ng bagong midya at tumutok na lang sa tinaguriang lumang midya (print, radyo at telebisyon). Ang mga migranteng Pilipino, halimbawa, ay hindi hamak na mas may access sa Internet lalo na kung sila ay nasa mauunlad na bansa. Ang mga banyagang grupo at indibidwal na interesado sa nangyayari sa Pilipinas ay madalas na pinagkukunan din ng impormasyon ang Internet. At siyempre pa, hindi natin dapat maliitin ang maitutulong ng ilang kababayan natin sa Pilipinas na nakakaangat sa buhay.

Dapat tingnan ang bagong midya hindi bilang kapalit ng “luma” kundi isa pang larangan para sa pagbabahagi ng impormasyong makakahubog sa pampublikong opinyon. Ito ang dahilan kung bakit may mga grupo at indibidwal na pinagtitiyagaang pag-aralan ang mga teknolohiyang may kinalaman sa Internet para isulong ang kanilang adyenda sa cyberspace.

Batay sa aking karanasan sa pagtuturo ng Web authoring, napakadali lang matutuhan ito. Kapag alam mo na ang mga batayang prinsipyo, madali nang gumawa ng mga pahinang bubuo ng website. Kung gagamiting batayan ang estilo ko sa klasrum, sapat na ang anim na oras (o dalawang sesyon na may tatlong oras bawat isa) para pag-aralan ang Web authoring.

Hindi mo na kailangan pang kumuha ng pormal na kurso na kung saan gagastos ka pa nang malaki. Sa isang survey noong 2001, sinabi ng 82.3 porsiyento ng mga kinapanayam na Web developer na sila ay natuto sa pamamagitan lamang ng sariling pag-aaral. Katulad nila, sariling sikap din ang pag-aaral ko ng Web authoring, at ang unang librong binasa ko hinggil dito ay pinamagatang “Creating Web Pages for Dummies.”

Kung ang iyong intensiyon ay magbahagi ng makabuluhang impormasyon, mainam na gamitin ang iba’t ibang porma ng midya. Bagama’t may limitadong naaabot ang bagong midya sa Pilipinas, hindi masyadong malaki ang gastos dito kumpara sa paglilimbag ng publikasyong print o pagbabayad ng blocktime sa radyo at telebisyon. Gaya ng nabanggit, nakakaya rin ng bagong midyang abutin ang mga migranteng Pilipino at iba pang dayuhang grupo at indibidwal na interesadong malaman ang mga nangyayari sa Pilipinas.

Mainam na gamitin mo ang bagong midya, partikular ang Internet, para isulong ang iyong adyenda. Maniwala kang hindi mahirap ang gumawa ng isang website.

Tulad ng krisis na kinakaharap ng Pilipinas, sa una lang natin dapat maramdaman ang intimidasyon at kawalang pag-asa. Sa malalimang pagsusuri kasi ng mga pangyayari, makikita natin ang kabuuang larawan at malalaman natin kung ano ang ating dapat gawin.

Sa konteksto ng website, dapat nating isiping gagawa tayo nito hindi lang dahil sa alam natin kung paano kundi dahil sa may impormasyon tayong nais ibahagi.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

53 thoughts on “Gusto mo bang gumawa ng website?”

  1. The web is a fast growing medium that all should embrace. Conservative/purist journalist should accept the reality that the web is here to stay. Ika nga, adapt or die. Have a nice day Danny.

    Reply: Thanks for your comment! Of course, there are some well-meaning webmaster-friends who jokingly criticize me for being a “conservative” when it comes to teaching HTML, given my “primitive” approach of using a text editor and my bias for “plain vanilla” HTML. What do you think? Hope you have a nice day too.

  2. Hi Danny. I saw your blog at Schumey’s site. I find it interesting. Sa akin natutunan ko ang paggawa ng website by curiousity. Natutunan ko ang simpleng cut-and-paste strategy but now i understand the use of some tags. Hanggang sa natutunan ko ang blog. Maraming salamat sa sensiya. Kahit wala akong pormal na edukasyon sa IT, eto taas noong nakakapag blog at nakakagawa ng sariling website.

    Cheers kabayan,

    Ambo

    Reply: Salamat sa pagbisita. Learning Web authoring through copying and pasting the source code of other pages is essentially a trial-and-error method which is acceptable as long as one learns from it and does not become dependent on this approach. Upon visiting your blog, I can see that you have definitely learned a lot through “trial and error.” May alam ka sa disenyo at layout. Ang blog mo ay hindi gawa ng isang “novice” at “amateur” tulad ng nakasaad sa “About” page. Muli, maraming salamat at mabuhay ka!

  3. gusto ko talaga magkaroon ng sariling website na maipagmamalaki ko…na mababasa ng ibang tao para makakuha pa sila ng ibang impormasyon at mga sariling pananaw ko sa mga isyu n nais nilang talakayin…hope you could help me…tenx po

  4. Hay nakooo ang ganda naman ng website mo no!!!!!!! Talaga…
    Sana magkaroon din ako ng ganyan…..(@@)™
    ___

    †™

  5. pano po bang magkaroon ng website? pls answer me…

    Sagot: Madaling pag-aralan ang web authoring. Puwede mong basahin ang librong Creating Web Pages for Dummies na siyang ginamit kong sanggunian noong pinag-aaralan ko pa lang ang HTML. Puwede ka ring pumunta sa website ng W3C (World Wide Web Consortium) at hanapin ang tatlong bahaging tutorial na sinulat ni Dave Raggett. Kapag may alam ka na sa web authoring, puwede mo nang gawin ang mga pahinang bubuo ng iyong website. Oras na matapos mo ang iyong HTML files, puwede mo nang i-upload ang mga ito sa anumang libreng web hosting service tulad ng Geocities at Freewebs. Sana’y nakatulong ang impormasyong ito.

  6. pls answer me
    i need to
    know how to
    do the wbsite

    ok thanks pls give me a chance

    Reply: It takes patience and diligence to learn how to create, maintain and develop websites. There are a lot of tutorials online and your favorite book stores definitely have books on web authoring. You only need to devote some time to reading and understanding, for example, the uses of HTML tags and attributes. Good luck!

  7. gusto ko lang pong malaman kung ano ang una kung gawin sa pagawa ng isang web site? sana tuungan nyo po aq

    Sagot: Pundamental na gawain ang basahin at intindihin ang anumang tutorial hinggil sa web authoring. Sa kaso ko, malaki ang naitulong ng librong Creating Web Pages for Dummies bilang introduksiyon sa HTML. Madali lang matutuhan ang paggawa ng website, at sigurado kong makakagawa ka rin nito basta’t pagtiyagaan mo lang.

  8. hay naku!!! gusto ko talagang magkaroon ng sariling website ang grupo ko..kso tingin ko an daming proseso?

    tanong ko lng po…:madami po ba talagan proseso sa paggawa ng sariling website? pls. answer me..

    Sagot: Mas madali at mabilis na ngayon ang paggawa ng website dahil sa mga content management system (CMS) tulad ng WordPress at Drupal. Kahit wala kang alam sa HTML, puwede kang makabuo ng isang website. Pero irerekomenda ko ang paggawa ng mga pahina sa pamamagitan ng hand coding para matutuhan mo ang aktuwal na aplikasyon ng HTML tags at attributes. Kung matiyaga ka, kayang kaya mong intindihin ang HTML.

  9. hhayyy..gusto ku pong gumawa ng isang website ung aku pu mismu ang gagawa ngunit hindi ku pu alam kung paano.gusto ku lng pung magpaturo.

    Sagot: Madali lang gumawa ng website basta’t handa kang matuto. Subukan mong bumili ng isang tutorial tungkol sa HTML. Natuto ako mula sa librong “Creating Web Pages for Dummies.” Kung ang gusto mo namang gawin ay mag-blog, mas madali ito dahil ang kailangan mo lang gawin ay gumawa ng account sa mga libreng host tulad ng Blogger o Multiply.

  10. gusto ko pong gumawa ng website kzo d ko pa tlaga maintindihan..
    pls. po reply nmn po kau :( …

    Sagot: Madali lang itong matutuhan basta’t handa mong pag-aralan. Maraming librong maaaring basahin tulad ng “Creating Web Pages for Dummies” (na ginamit ko noong dekada 90), bukod pa sa mga online tutorial tulad ng Web Monkey. Makakaya mong gumawa ng website basta’t matiyaga ka lang. Maraming salamat at mabuhay ka!

  11. hi..po!!ask po??matagal po ba ang paggawa ng isang website??madali lang ba matutunan??i want to have my own website eh..sana matulungan u me..thank you..

    Sagot: Mabilis lang naman basta’t may tiyaga kang matuto. Kaya kong maituro sa mga estudyante ng UP ang basic HTML handcoding sa loob lamang ng dalawang sesyon na kung saan ang bawat sesyon ay tatlong oras. Maraming online tutorials sa Internet. Marami ring librong puwedeng basahin tungkol sa paggawa ng website. Pagtiyagaan mo lang at matututo ka.

  12. sir,
    good day!maliban sa geocities at freewebs ano pa po un pede o may libre paggawa ng web kc yun geocities ay makoclose na po at yun freewebs di mabuksan.gusto ko sana gumawa ng website?dun po sa geocities may nklagay n payment kailangan ko po bng magbayad?pacencya n po 1st timer.

    Sagot: Puwede mong bisitahin ang inferion.com at angelfire.com. Subukin mo ring hanapin sa Google ang iba pang libreng web hosting service. Salamat.

  13. Mas kumportable ako sa paggawa ng website sa tulong content management system kaysa mag-HTML coding. Kaya CMS din ang ginamit ko sa paglikha ng aking sariling website (www[dot]dennisrelojo[dot]com)

    Ok magkaroon ng sariling website, dahil nabibigyan ka ng mas malawak na pagkakataong makapagpahayag.

    Sagot: Tama ka. Mas mabilis makagawa ng website sa pamamagitan ng CMS tulad ng WordPress o Drupal. Pero kahit na hindi mag-hand coding, mainam pa ring may kaalaman ang isang webmaster sa HTML tags at attributes para mas makontrol ang porma’t laman ng website. Salamat at mabuhay ka!

  14. ako ang 22long sa inyo qng pano gumawa ng website. punta kau d2 sa website na e2:
    www[dot]freewebs[dot]com. mag register kau. tapoz ung lang kau na ang bahala mag ayus ng sarili nyong website. libre e2 wala kang babayaran. qng may tanong kayo,
    mag email kau sa akin, loversonly16[at]yahoo[dot]com. ty.

    Sagot: Salamat sa mensahe.

  15. hi! nabasa ko po ang nakasulat sa iyong front page napakanda po ng iyong mga naisulat dito. by the way humihingi po ako ng tulong sa inyo kung paano po ba gumawa ng website kasi gusto ko po talagang matutuhan kung paano po talaga gumawa nito. gusto ko po yong sarili kong gawa mismo, kasi po talagang interested po ako dito. sige na po! kasi po taga-bundok po ako pumunta pa ako dito sa naga city (bikol) para maghanap ng trabaho at makipagsapalaran para makapag-aral. sige na po turuan n’yo po ako, e-mail n’yo po ako sa nazel_yan[at]yahoo[dot]com.

    Sagot: Pasensiya na’t mahirap ituro ang web design sa pamamagitan ng email. Kailangan mo lang tandaang ang anumang bagay ay napag-aaralan basta’t pagtitiyagaan mo. Parang pagbibisikleta o pagmamaneho lang iyan. Sa simula, hindi ka marunong pero natututo ka sa paglipas ng panahon. Ang aking suhestiyon ay magbasa parati ng mga tutorial tungkol sa web authoring, lalo na sa HTML hand coding. Mainam na sa iyong pagbabasa ay nakaharap ka sa kompyuter para napapraktis mo ang mga tag at attribute. Kapag nagawa mo na ang kauna-unahan mong web page, puwede kang mag-email sa akin para makapagbigay ako ng komento. Handa akong tulungan ka, pero mas kailangan mo munang tulungan ang sarili mo. Maraming salamat at mabuhay ka!

  16. anong unang step para mkagawa ng WEBSITE? yung madaling paraan na maiintindihan!! salamat po!!

    Sagot: Ang unang hakbang parati sa anumang gawain ay ang masusing pagbabasa. Inirerekomenda ko ang librong Creating Web Pages for Dummies dahil dito ako natuto.

  17. hi po. pwede rin po bang magpa-teach kung pano po gumawa ng website. pati n rin po sa blogging. kung iyo pong mamarapatin. paki email na lang po sken kung paano at anong step 1 muna ang aking gagawin. thanks po.

    Sagot: Mainam na magbasa ka ng mga libro tungkol dito. May mga online tutorial din na puwede mong puntahan. Malaking tulong, halimbawa, ang mga naka-upload na tutorial sa World Wide Web Consortium

  18. hi po again MR. DANILO ARAO.

    saan po ba nakakabili ng mga aklat ng webpage & website & blog book? kasi sa national bookstore wala po, ang hirap yatang maghanap, at ano po ba ang magandang site na pwede kong i-click about blogging, webpage, & website with sample?

    about rin po sa HTML? paano rin po ba? kasi ang hirap yatang basahin or bumuo ng bawat code ng HTML, paki- teach naman po sken kahit isa man lang.

    sensya na po sa abala at maraming tanong. kasi gusto ko po talagang matuto or magkaroon ng sariling page at site. kasi marami po akong gustong ibahagi sa mga natututunan ko sa buhay at sa ibang bagay at sa lahat-lahat po talaga. lalo na po sa ating poong maykapal.

    THANKS.

    Sagot: Nakakagulat na wala kang makitang libro sa National Bookstore dahil malawak ang koleksyon ng mga titulo nito tungkol sa web design. Pero puwede mong basahin ang serye ng tutorial ni Dave Raggett sa paggawa ng website na pinapabasa ko sa mga estudyante ko sa UP. Ang link sa unang bahagi (Getting Started with HTML) ay ito: http://www.w3.org/MarkUp/Guide/

    Maaaring mahirap sa simula ang pag-intindi sa HTML tags at attributes, pero masasanay ka rin basta’t matiyaga ka.

  19. kuya paano gumawa ng html?
    paturo namam poh,;,,.,..yngat ,,..by dimakulangan

    kuya paano gumawa ng website na html,,
    (^_____^)

    thanksssss??????????????

    Sagot: Tulad ng tanong ng marami pang nauna sa iyo, kailangan mo lang magbasa ng mga tutorial tungkol sa HTML. Mula sa mga tutorial na ito, matututuhan mo ang HTML tags at attributes na magagamit mo sa pag-hand code ng iyong unang web page.

  20. paano ba mag proseso ng paggawa ng sariling website

    Sagot: Puwedeng sumahin ito sa isang salita: Magbasa. Kailangan lang talaga ang tiyaga para matutuhan ang isang bagay, kasama na ang paggawa ng sariling website.

  21. saludo ako sayo kuya danny, dala mo ang pangalan ng pilipinas sa iyong kagalingan,malayo na nga ang narating ng pilipinas sa kahit anung larangan, muli po, nais ko pong magkaroon ng sariling website, para sa aking mga kaibigan at sa buong pilipinas,ilalahad ko sa website na ito ang lugar at ibat ibang bayan sa bansang ito, at para ipaalala sa na huwag sanang “huwag maging dayuhan sa sariling bayan.

    Sagot: Maraming salamat sa mensahe. Sana’y magtagumpay ang proyekto mo. Mabuhay ka!

  22. paano po b ang paggawa ng website? gagawa po kasi ako ng website para sa school namin.

    Sagot: Simple lang naman ang paggawa nito. Maraming libro at online references na maaaring pagsanggunian. Basahin mo lang ang iba pang mga komento sa post na ito. Salamat.

  23. saan po ba ako makakakita ng online references at mga libro para sa websites?

    Sagot: Puwede kang pumunta sa w3c.org at gamitin ang basic HTML tutorial na makukuha roon. Iyon din ang ginagamit kong sanggunian kapag nagtuturo ako ng HTML hand coding sa mga estudyante ko sa UP. Maraming salamat.

  24. ..god day..ask ko lang po..
    ..I am doing my first thesis right now..
    ..and it has something to do with websites..
    ..can you please recommend me some questions that would probably help me doing my thesis..
    ..I am a first year college student and yet I need to do my first research..
    ..going to the library is a very complex strategy to start from..
    .that’s why I’ve decided to ask you about this..
    ..or at least can you give me the concepts of creating a website..
    ..hope you could help..me..

    Reply: You could try studying the trends in the design and layout of websites through the years. You’ll be surprised at how websites were designed in the 1990s, for example.

  25. saan k po ba pwedeng i-publish ang gagawin kong website

    Sagot: Maraming libreng web hosting service. Puwede mong puntahan, halimbawa, ang freewebs.com.

  26. panu po ba gumawa ng website? tulungan nyo nmn po ako ohh..san ako mag hahanap ng website na pwedeng maging akin at ung pwede itype yung www [dot] keister-marjorie [dot] com help nmn po send nmn po sa email ko tnx po aasahan ko po ahh..

    Sagot: Gaya ng sagot ko sa iba pang komento, madali lang namang matutuhan ang paggawa ng website, lalo na’t marami nang CMS tulad ng WordPress na nagpapabilis sa prosesong ito. Tungkol naman sa pagkuha ng sariling domain name, kailangan mong bilhin ang pinili mong domain name sa isang reseller tulad ng GoDaddy.com. Mura lang naman ang rehistrasyon ng domain name, at may discount ka pa kung matagalan ang rehistrasyon mo. May mga web host na ginagawa ang rehistrasyong ito kasama ng pagbayad sa mismong web hosting service.

  27. wala po ba kaung libre na hehehe..

    Sagot: Mayroon libreng domain name pero hindi ko inirerekomenda ito dahil wala kang kontrol sa pag-aari. Mas mainam ang magbayad para nakarehistro sa iyo mismo ang gusto mong domain name.

  28. gusto ko sanang magkaroon nang sarilaing website,ano po bang unang gawin?

    Sagot: Tulad ng mga naisagot ko sa iba pang nagkomento, kailangan mo munang magbasa’t matuto ng HTML. Salamat.

  29. gusto ko pog malaman ung pagawa ng website, at apu gawin ung pag copy. pwde kba mabli ung book sa book sale kc may nkita ako b4ung maker sa hotml. thanks

  30. asan na kung pani gumawa ng website

    Reply: Please read the replies I made in the previous comments. You may find the answers there. Thanks.

  31. sir pwede nyo ba akong turuan kung pano gumawa ng website? sir gusto ko talagang magkaroon
    ng website

    Sagot: Kung estudyante ka ng UP, puwede kang mag-enroll sa J 117 (Online Journalism) o J 122 (Publication Design and Layout) na kadalasang tinuturo ko. Pero ngayong semestre, J 117 lang ang hahawakan ko. Salamat.

  32. sir im john from cavite..gusto ko lng sana magpaturo kung pano gumwa ng site cause im starting the real state business now..bago plng po..salamat

    Reply: Please refer to the comment thread in this post. I’ve mentioned some references you could use to get started. Good luck!

  33. Sir ayos po ang mga nabasa ko sa blog ninyo. hanga po talaga ako! alam ko na marami kayong matututulungan lalo na sa mga gustong matuto ng pag-gawa ng website!

    ako po si jay im 18 years old natuto akong gumawa ng website noong 16 years old palang ako. nag simula ako noong 14 years old nahiligan ko lang. kasi nung 2nd year ako tinuro sa amin ito ,doon ako nagkainterest,notepad ang talagang ginagamit pag-gagawa ka ng website. medyo nahirapan ako kasi sa edad ko na katorse nasabak agad ako, pero syempre talagang tsaga lang talaga ang puhunan para matapos mo ang gusto mong matutunan, … alam ko na hindi pa kagandahan ang gawa ko, nung nabasa ko ito. nagkaroon pa ako ng idea madaming pumasok sa isip ko! at mga tanong na hindi ko pa naiisip talagang salamat din sa mga nag tanong dito! kasi nakita ko yun hinahanap ko na ibang katanungan , talagang salamat! may natutunan tlga ako dito. hehe! good luck sir! ang galing mo! keep it up!

  34. Kuya matagal na ko na pong gustong gumawa ng sariling kong website to share my knowledge and post po everything i learned from my alma mater but i don’t know where and how i can start making a website.
    sana po matulungan mo ko nanghihinayang po kc ako sa eagerness to learn website making. tnx. po kuya..please help me…

    Reply: Please refer to the previous comments where I posted various replies. Web authoring and publishing are very easy to do nowadays, especially with the advent of content management system (CMS) like WordPress (WP). Aside from the instructions I mentioned in my previous comments, try visiting wordpress.org to know how to use WP as your platform. Good luck!

  35. kuya paano po bah gumawa ng sariling website…
    pwede nyo po bah akong turoan gustong gusto ko kasi na mag karuon ng sarili kong website.

    paano po.

    Sagot: Paki-basa lang ang mga naunang komento. Salamat.

    Thanks.

  36. pano po ba gumawa ng sariling website,gusto ko po kz mag karoon ng website ko at website ng mga dance group namin…plss…help me

  37. hindi naman kailangan magaling ka at alam ang mga html code, and java script para mkagawa ka ng website,, ako hindi ako IT graduate, pero nkaka gawa ako ng website. take note: hindi ako ngamit ng free templates.. meron akong generator ng html, meaning nkaka gawa ako nang sarili kong layout ng website ko. tapos i upload mo sa file manager, then yun ok na. pero kailangan mong magkaroon ng sariling domain. pero maraming free domain naman sa internet ang nag kalat. pero kung gus2 ninyong matututo like web designing at hndi na kailangan ng sript or codes, maaari kayong lumapit sa akin, here’s my example site: sfonline [dot] com [dot] nu at dito, nakaka benta ako ng gusto kong ibenta like, mga accounts ko sa laro, pwede rin kahit ano gawin mo sa site mo,. or mag iwan na lang kayo ng comment sa website ko para malaman ninyo kung paano ko ito nagagawa, software ang gamit ko, para mkagawa ako ng layout ng website ko, prang MS word lang xa, wala ng mga codes na isusulat. at meron knang html files. kung gus2 nyo ng proof makikita din ninyo sa isa ko pang website. maraming salamat

  38. pno nga b tlaga mag karoon ng website ,,, eh hndi k p kse magets ung mga proseso kya hanggang ngaun d pri ako magkaroon ng website,,

    need k p answer nyo,,thanks po

    Sagot: Tulad ng mga nauna kong komento, kailangang pagtiyagaan ang pag-aaral nito. Maraming tutorial sa Internet na maaaring pagsimulan. Salamat.

  39. paano po gumawa ng website? thank you.

    Sagot: Pakibasa lang po ang iba pang komento sa post na ito. Marami pong librong natukoy na maaaring pagsimulan. Salamat po.

  40. paano po b gumawa ng website? ang dami na po kasing nagtatanung d pa po ninyo sagutin ng maayos…

    Sagot: Gaya ng sagot ko sa mga nauna pa, kailangan ng mahabang pasensiya at tiyaga para matutong gumawa ng website. Puwede mong simulan sa pagbabasa ng HTML tutorials. Natuto ako, halimbawa, sa Creating Web Pages for Dummies.

Leave a Reply