Print this post | Email this post

N.B. - This was published in Vol. 7, No. 16 (April 30-May 6, 2008) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/cms/2008/04/pangako-sa-aming-magiging-anak.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineMay matindi mang kalungkutan sa bawat trahedya, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Hanggang ngayon, malaking emosyonal na bagahe para sa amin ni Joy ang pagkawala ng sana’y una naming anak noong Mayo 3, 2005, eksaktong isang taon ang nakalipas nang pumunta si Joy sa aking opisina sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) para magkita kami sa unang pagkakataon. (Isa ring pambihirang pagkakataon na ang Mayo 3 ay World Press Freedom Day!)

Sabi ng doktor, ectopic pregnancy daw ang dahilan at kinailangan ang madaliang operasyon ni Joy. Ito pala ang dahilan ng kanyang panaka-nakang pagsakit ng tiyan sa una’t ikalawang buwan ng pagbubuntis na akala namin ay normal lang.

Kung anong ligaya ang nadama namin noong malaman naming positibo ang resulta sa binili niyang pregnancy test kit ay siya namang lungkot namin pagkatapos ng operasyon. Sa sobrang depresyon, hindi na namin inalam pa kung saan inilibing ang anak naming kinuha sa kanyang sinapupunan nang napakaaga at walang hininga.

Marami sana kaming plano para sa aming magiging anak. May pangako kami sa bawat isa na magiging responsableng magulang at gagawin ang lahat para sa kanya.

Tuturuan ni Joy, halimbawa, ng tama’t mali ang aming anak. Ipapakita rin niya sa kanya ang kahalagahan ng gawaing bahay sa murang edad, isang bagay na hindi ko masyadong nakasanayan noong bata pa ako.

Ikikintal ko naman sa kanyang isipan ang kahalagahan ng pagbabasa, at nangako akong maglalaan ng panahon para lubusan niyang maintindihan ang mga librong ibibigay ko sa kanya.

Pauunlarin namin ang kanyang kaalaman hindi lang sa teorya kundi maging sa praktika. Ibibigay namin sa kanya ang lahat ng oportunidad para mag-aral, hindi lang sa loob ng silid-aralan kundi maging sa labas nito.

Mahusay si Joy sa pagdidisiplina, at sigurado akong magiging masunurin siyang anak. Pero ang pagiging masunurin ay hindi dapat mangahulugan ng bulag na pagtalima sa awtoridad kundi ng kritikal na pagsusuri sa dahilan ng mga kailangan niyang gampanan. Dahil komunikasyon ang aking larangan, malinaw sa usapan namin ni Joy na handa kaming magbigay ng kahit na mahabang paliwanag para maintindihan ng magiging anak namin ang klase ng pagpapalaking pinagdaraanan niya.

Igagalang namin siya tulad ng paggalang niya sa amin. Papagalitan kung kinakailangan, pero pupurihin kung may batayan.

Nasa kanya ang desisyon kung anong larangan ang papasukin niya, bagama’t ipapakita namin ni Joy ang aming magkaibang “mundo” – ako sa pamamahayag at pagtuturo, siya sa pagnenegosyo’t pagbabangko.

Tulad ng iba pang mag-asawang nais na magkaroon ng anak, marami na kaming paghahanda para sa sana’y magiging anak namin: Ang aming bahay sa Marikina ay may dalawang kuwarto, at malinaw na ang isa sa mga ito ay para sa kanya. May motorsiklo’t kotse kami para sa kanyang mas mainam na pagbiyahe. Marami nang halaman sa loob at labas ng bahay para sa kanyang paglanghap ng sariwang hangin.

Kumpleto na sa gamit, anak na lang ang kulang. Patuloy naming hinihintay ang kanyang pagdating.

May matindi mang kalungkutan sa bawat trahedya, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Kailangan nating isiping may katuparan para sa mga taong patuloy na nakikibaka at ginagawa ang lahat para matupad ang kanilang haraya.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post
April 11, 2008 - 1:36 pm - Posted in Driving, Funny signs, Grammar Check, Media, Motorcycling, Photos

For this installment of funny signs, let’s differentiate between the not-so-obvious errors and the glaring ones.

Arriving earlier than expected at a bus station in Cubao yesterday (April 10), a relative who was scheduled to take the night trip to Bicol went with me to a popular mall. But before going there, I can’t help but take a picture of a sign hanging on the door of a bus company.

08-0410-cgsw

The spelling of Naga, Ligao, Daraga and Tabaco (all of them in Bicol) is correct. What about the remaining one? The correct spelling should be Legazpi. I have to concede, however, that there are those who are wont to replace the “z” with an “s” in referring to this city, also in Bicol. Please note that this is wrong.

Inside a popular mall in Cubao, I noticed this summer promo at a retail outlet.

08-0410-am

That the word “summer” was capitalized below is very minor. What proves to be unacceptable in English grammar is putting the letter “s” after the word “gear” which, in this particular case, is used as a collective noun.

The word “gears,” however, can be used when referring to the mechanism used to transmit and control motion from an engine. For example, our Honda Wave 125 has four gears. Our old-model Suzuki Vitara has automatic transmission with Park, Reverse, Neutral, Drive, 2 (second) and Low gears. (Hope you’re not thinking that I’m just using this post to link to my motorcycling and driving-related posts. Then again, I can’t blame you if you think that way.)

As regards our Vitara, I waited for my wife to arrive to consult her on the possibility of buying a cover for it. Even if expensive, we decided to buy one. When we arrived at our house, we were surprised by what we read on the label. Aside from the Vitara, other vehicles can use the cover, apparently even a misspelled one.

08-0410-carcover

I am well aware that the series model of vehicles go by different names. What is known as Vitara in the Philippines, for example, is called Sidekick and Escudo in others. But the make (in this case Suzuki) never changes.

The same case holds for the Toyota. The current dry spell in the Philippines shouldn’t prompt us to rename it to Toyuta or Tuyota (tuyot, ah!). (For those who don’t know Filipino and don’t get the joke, tuyot means dry.)

Our last funny sign (definitely not from Cubao) was emailed by a former student, Julie Aurelio, who now works for one of the country’s leading broadsheets. She said that this was just forwarded to her by a reporter from another broadsheet, so I do not know who took this picture.

In any case, I think my earlier promise of ending with glaring errors has been fulfilled by this. Read it and try not to weep!

08-0410-repair

That’s all for now. Thank you for reading!

Print this post | Email this post

N.B. - This was published in Vol. 7, No. 3 (January 23-29, 2008) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/01/pulitika-peligro-ng-agresibong-pagmamaneho.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineMadalas pag-awayan naming mag-asawa ang paraan ng aking pagmamaneho.

Mahirap mang aminin, may dahilan naman para magalit siya sa akin: Kung saan kasi ang lubak, doon ako napapadpad. Dahil masunurin ako sa mga markadong daan sa mga lansangan, hindi ako basta-basta lumilipat ng lane na siyang dahilan ng pagkaantala ng aming biyahe kung mabagal ang sasakyang nasa harapan ko.

Hindi ko rin gustong mag-eksperimento sa mga ruta na ikinagagalit din ng aking asawa, lalo na kung nagmamadali kami. Napansin ko kasing may mga kalyeng one way na walang nakalagay na marka, at bigla ka na lang huhulihin dahil sa isang kasalanang hindi mo naman alam. May mga kalye ring bigla na lang kumikipot o nagsasara dahil sa mga nagbebenta ng kung anu-ano. Para sa akin, hindi bale nang mahaba ang ruta, basta’t sigurado ka sa direksiyong pupuntahan. Sabihin mo nang aksaya ito sa gasolina, pero sa tingin ko’y mas ligtas ka namang makakarating sa patutunguhan.

Alam ko na ang sasabihin mo: Bago pa lang kasi akong nagmamaneho. Kahit na sabihin mong ilang beses na akong nakapagmaneho mula Maynila hanggang Cavite, Tagaytay, Lucena at kahit Camarines Norte, wala pa akong isang taong gumagamit ng sasakyan. Totoo, marami pa akong kakaining bigas kumpara sa mga beteranong drayber.

Pero kung anuman ang limitasyon ng aking karanasan, pinipilit kong punan ng praktikal na kaalaman. Bago pa man ako humawak ng manibela, nagbasa ako ng mga libro tungkol sa epektibong pagmamaneho. Siyempre pa, binasa ko nang buo ang manwal na kasama sa sasakyang binili namin. (Gusto ko mang kumuha ng pormal na pagsasanay sa pagmamaneho, napakamahal naman ng bayarin. Ito ang dahilan kung bakit pinakiusapan na lang ng aking asawa ang kanyang pinsan para turuan ako.)

Isinakonteksto ko rin ang sitwasyon sa lansangan, partikular ang mga estadistika tungkol sa mga aksidente na nakuha ko mula sa Philippine National Police Traffic Management Group (PNP-TMG). Alam mo bang noong 2006, nagkaroon ng 15,064 aksidente sa lansangan, o 41 bawat araw? Lumalabas na ang 4,182 aksidente ay dahil sa pagkakamali ng drayber. Ang iba pang pangunahing dahilan ng mga aksidente ay mekanikal na depekto (2,388), masyadong mabilis na pagpapatakbo (1,956), sariling aksidente (1,115), maling overtaking (1,067) at depekto sa mga lansangan (1,021).

Nagresulta ang mga aksidenteng ito sa pagkamatay ng 674 katao at pagkasugat ng 3,767. Nagkaroon din ng 10,623 kaso ng pagkasira sa ari-arian.

Akala ko noon, karamihan ng mga aksidente ay nangyayari sa gabi at karamihan sa mga ito’y kinasangkutan ng motorsiklo. Pero lumalabas sa opisyal na estadistika na noong 2006, 9,102 aksidente o 60 porsiyento ay nangyari sa araw na kung saan mas maraming sasakyan at mas matindi ang trapiko. At kung susuriin an gang pagkakahati ng mga aksidente ayon sa tipo ng sasakyan, pinakamarami ang mga aksidenteng kinasangkutan ng kotse (27 porsiyento) na sinundan ng motorsiklo (20.7 porsiyento), dyip (19.2 porsiyento), trak (11 porsiyento), traysikel (10.9 porsiyento), bus (7.6 porsiyento) at iba pa (3.6 porsiyento).

Ipinapakita ng mga estadistikang ito ang peligro ng agresibong pagmamaneho. Pero dapat tandaang may obhetibong batayan sa ganitong ugali at hindi lang ito basta-basta maiuugat sa “likas na masamang ugali” ng isang tao. Bakit nga naman dadaan sa peligro ang isang taong nasa matinong pag-iisip? Sino ba naman ang may gustong maaksidente?

Sa kaso ng mga taksi, dyip, traysikel at iba pang pampublikong sasakyan, parati silang may hinahabol na oras para makarami ng pasahero. Malaking bagahe para sa kanila ang trapiko sa lansangan, kaya ginagawa nila ang lahat para umiwas sa pagkakabuhol-buhol ng trapiko. Pero hindi ba’t madalas na ang mga kapwa nila drayber din ang kadalasang sanhi ng mga ito dahil sa kanilang basta-bastang pagpapasakay at pagpapababa ng kanilang pasahero?

Hindi man katanggap-tanggap ang klase ng pagmamanehong maaaring makaabala o makadisgrasya sa iba, kailangan ding isaisip ang panlipunang kalagayang nagtutulak sa mga drayber na gawin ang sa tingin nila’y nararapat para lang kumita.

Sa madaling salita, may konteksto ang anarkiyang nakikita sa mga lansangan, at may dahilan ang desperasyong nakikita sa agresibong paghawak sa manibela.

Kung susuriin mo ang aking pagmamaneho, mapapansin mong ako na mismo ang umiiwas sa mga pampasaherong sasakyan dahil alam kong maaaring maging walang pakundangan ang kanilang pagmamaneho. Hangga’t maaari, iniiwasan ko rin ang mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA at C-5 at dinaraanan ko na lang ang mga kalyeng walang masyadong trapiko. (Buti na lang at maraming alternatibong ruta mula sa aming bahay sa Marikina hanggang sa UP Diliman!)

Tunay na ang anarkiya sa mga lansangan ay repleksiyon ng kaguluhang nangyayari sa ating lipunan. May malalim na dahilan sa agresibong pagmamaneho ng ating mga kababayan na hindi kayang lutasin ng kung anumang polisiyang ipapatupad.

Kaya kung gusto nating baguhin ang kalagayan ng ating lansangan, may mas malaking “bagay” tayong dapat baguhin na puwede mong sabihing dapat magsimula sa katagang “Patalsikin!”

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.