Rising Sun » Konteksto (my column)

Pagpuna bilang pagtatanggol sa midya
N.B. – This was published in the August 27-September 2, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/08/pagpuna-bilang-pagtatanggol-sa-midya/.

Sige, punahin natin ang midya. Pero dapat pa rin nating ipagtanggol ito. Ang pagpuna ay hindi pagkutya kundi indikasyon ng pag-aalala. Sa kaso ng midya, dapat na ginagawa ang pagpuna para umunlad ang kalidad ng pag-uulat.

Kung ang pagpuna’y sa konteksto ng pagbibigay ng makatotohanang pagpapaliwanag – at ginawa sa paraang magalang – sa aking palagay ay nakabubuti ito sa epektibong paggampan ng propesyon. Gusto kong isiping handang makinig ang sinuman, kasama na ang ating mga kaibigan sa midya, kung ang kritisismo’y nasa lugar.

Ang nagiging problema lang sa kasalukuyang pamahalaa’y ginagamit nito ang pagkakataon para maging katanggap-tanggap ang sensura’t iba pang porma ng kontrol sa midya. Nariyan ang pahayag ng isang opisyal na dapat magkaroon ng news blackout tuwing may maselang pangyayari tulad ng hostage-taking. Mayroon ding nagsasabing dapat nang isabatas ang mga etikal na pamantayan ng peryodismo dahil hindi na raw kayang bantayan ng mga peryodista ang kanilang hanay.

Kaya sa kabila ng pagpuna sa mga kakulangang kapansin-pansin noong Agosto 23, kailangan ng isang paglilinaw: Hindi dapat isuko ng midya ang kalayaan nito. Hindi dapat hayaan ng publiko ang panunupil sa pangunahing pinagkukunan ng impormasyon.

Kung may pagkukulang, totoong ang solusyon ay disiplina. Pero hindi ito puwedeng magmula sa mga nasa kapangyarihan. Kung sila ang magtatakda ng mga nararapat gawin, ano pa ang saysay ng peryodismo? Mabuti pang huwag nang ituro ito sa mga pamantasan dahil ang kailangan lang gawin ng isang peryodista, kung masusunod ang pamahalaan, ay alamin kung ano ang gusto ng huli. Itapon na lang sa bintana ang mga etikal na pamantayan dahil pinapasok na sa pinto ang sensura!

Kung hindi manggagaling sa pamahalaan, kanino manggagaling ang pagdidisiplina sa midya? Saan pa kundi sa midya mismo? Makakaya ba ng midyang ayusin ang hanay nila? Maiigpawan kaya ng mga organisasyong pang-midya ang kompetisyong namamagitan sa kanila tungo sa makabuluhang pagkakaisa?

Kung susuriin ang mga pahayag ng ilan sa kanila sa gitna ng pagkamatay ng siyam na tao sa hostage-taking na nangyari noong Agosto 23, may tuwirang pag-amin ang midya sa ilang pagkukulang nila. Bukas din sila sa pagkakaroon ng malawaka’t malalimang pag-uusap para masiguradong hindi na mauulit ang mga naging pagkakamali.

Oo, hindi sapat ang mga ito pero kailangang tandaang nasa posisyon ang publiko para maningil sa mga pagkukulang ng midya. Kung naniniwala ang isang tao sa argumentong midya ang may kasalanan sa pagkamatay ng walong hostages, pati na ang mismong hostage-taker,  walang pumipigil sa kanyang ipahayag ang kanyang saloobin. At kung sakaling walang organisasyong pang-midyang maglalabas ng pahayag niya, maipapakalat pa rin niya ang kanyang pagsusuri sa ibang paraan. Ang dalawang mabilis na pumapasok sa isipan ay paggamit ng blog at social media tulad ng Facebook.

Oo, abusado’t arogante ang ilang peryodista. Pero maniwala kang marami pa ring responsable sa kanila. Nakalulungkot lang na maraming nasa Quirino Grandstand noong Agosto 23 na tila nakalimutan ang malinaw na nakasaad sa pag-uulat ng mga sitwasyon tulad ng hostage-taking. Sa kabila nito, nakikita ang responsibilidad sa dalawang bagay – (1) sa indibidwal na pag-ako sa anumang pagkakamali; at (2) institusyonal na pagbibigay ng paliwanag sa publiko.

Ginawa naman ang mga ito ng iba, bagama’t may ilang piniling manahimik na lang o ipagtanggol ang malinaw na kamaliang nagawa. Aaminin kong naiinis ako sa isang sikat na brodkaster na sinabing ang kanyang panayam sa hostage-taker ay “dinamita” lang pero hindi naging “mitsa” ng madugong pangyayari. Malinaw na nagiging matalinghaga lang siya para pagtakpan ang kanyang pagkukulang!

Pero ang anumang inis o galit sa midya ay hindi dapat mangahulugan ng paghingi ng tulong sa pamahalaan para kontrolin ito. At lalong hindi dapat payagang maging oportunidad ito ng pamahalaan para maging katanggap-tanggap ang sensura. Ang lahat ng mapanlikhang paraan para supilin ang midya’y kailangang ilantad at tutulan ng sambayanan.

Sa katunayan, walang lugar ang news blackout o media blackout sa isang lipunang pinaniniwalaang may kapayapaan at demokrasya. Sa kaso ng maseselang sitwasyon tulad ng hostage-taking, ang posibleng mangyari’y limitadong pag-uulat (limited coverage) o naantalang pagbabalita (delayed coverage) na minsa’y tinatawag ding news embargo. Sa pamamagitan ng epektibong koordinasyon ng kapulisan sa midya, maaaring magkaroon ng kasunduan ang dalawang panig para masiguradong hindi makokompromiso ng midya ang gawain ng mga pulis. Kung wala kasing koordinasyon, malaki ang posibilidad ng adelantadong pagbabalita ng mga taktikal na impormasyong may kinalaman sa aktuwal na operasyon. Hindi ba’t ito ang nangyari noong Agosto 23?

Oo, may malaking kasalanan ang mga pulis noong panahong iyon pero may mga pagkukulang din ang midya. Tungkulin ng pamahalaang pangasiwaan ang anumang kinakailangang reporma sa kapulisan, pero labas na sa tungkulin nito ang direktang pagkontrol sa midya, sa porma man ng pagpapatupad ng news blackout o pagsasabatas ng etikal na pamantayan.

Ang pagbibigay ng puna ay salik sa pagbabagong hinahangad sa hanay ng midya. Kung susuriin ang pagpuna ng ilang organisasyong pang-midya sa sarili, gusto kong isiping handa naman silang makinig. Pero ano naman ang ating gagawin kung sakaling sila’y magmatigas at sabihing wala silang malaking pagkakamali sa kanilang mga naging gawi?

Maraming maiisip na mapanlikhang paraan para ipakita ang pagtutol ng nagagalit na sambayanan sa midyang mali. At malinaw na ang paghingi ng tulong sa pamahalaan para rendahan ang midya ay hindi isa sa mga ito.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Aktibismo at pelikulang Sigwa
N.B. – This was published in the August 20-26, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/08/aktibismo-at-pelikulang-sigwa/.

Maikli lang naman ang aking reaksyon pagkatapos kong mapanood ang pelikulang Sigwa (2010) noong Agosto 21 sa Cine Adarna ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Wala pa ngang 10 salita ang aking pagsusuma: Sadyang hindi ako karapat-dapat na matawag na aktibista!

Umiinog ang kuwento ng pelikula sa anim na aktibistang magkakaibigan noong dekada 70 – Dolly, Cita, Oliver, Azon, Eddie at Rading. Sa paglipas ng halos 40 taon, may nagpatuloy sa pakikibaka, may nakisimpatiya na lang, may naging ahente ng militar at may tuwirang bumaligtad. Ipinapakita ng pelikula ang komplikadong buhay ng progresibong kabataan noong panahon ng Batas Militar – ang kanilang agam-agam sa landas na tinahak, ang kanilang pagkatakot sa buhay na pinili at ang kanilang kasiyahan sa bawat maliliit na tagumpay.

Isang kalakasan ng pelikulang Sigwa ang epektibong pagsasalarawan ng buhay ng mga aktibista. Sila’y marunong din palang tumawa’t umiyak, tulad ng ibang taong pinili ang buhay na “normal” at “tahimik.” Ipinapakita sa pelikula, halimbawa, ang kanilang kuwentuhan habang nag-iinuman, bagama’t ang paksa ng kanilang pinag-uusapan ay ang lipunan. May pag-aaway din ang magkasintahan habang nasa welga ng isang pagawaan. Kahit sa kabundukan, nakita ang pag-usbong at pagkawasak ng relasyon ng mga nagmamahalan sa maraming dahilan.

Kitang kita ang relasyon ng aktibismo sa rebolusyonaryong pagkilos noong dekada 70. Ang Kabataang Makabayan (KM) na kung saan miyembro ng anim na magkakaibigan ay napilitang mag-underground dahil sa diktadura. Hindi na nakakagulat ang desisyon ng marami sa mga miyembro nitong tumungo sa kanayunan na kung saan, ayon kay Oliver, ay “patas ang laban.”

Ano nga ba namang bentahe para sa mga aktibistang manatili sa kalunsuran? Una, malakas ang puwersa ng pamahalaan. Ikalawa, limitado lang ang maaaring pagtaguan. Kahit na hindi tuwirang binabanggit sa pelikula, alam ng mga pangunahing tauhan na sa kanayunan lang sila makakaasa ng malawak na suporta mula sa masa.

At bakit suportado ng maraming masa sa kanayunan ang rebolusyonaryong pagkilos? Sila kasi ang direktang nakakaranas ng pang-aapi’t pagkakait, ng pagsasamantala’t pagnanakaw ng mga nasa kapangyarihan. Ang rebolusyonaryong kilusan lang ang kanilang takbuhan para sa anumang pangangailangan – lupang masasaka (sa pamamagitan ng rebolusyonaryong agraryo) at kahit patas na desisyon sa anumang hindi pagkakaunawaan (sa pamamagitan ng rebolusyonaryong hukuman).

Bagama’t madali para sa isang estudyanteng kumilos sa kalunsuran at maging aktibista, mahirap na desisyon naman ang sumama sa armadong pakikibaka. Tulad ng ipinapakita sa pelikulang Sigwa, malaking sakripisyo ang mabuhay sa kabundukan. Wala ang luho ng kalunsuran. Iba ang kultura’t kalakaran lalo na’t ang seguridad ng mga kasama ay dapat pangalagaan.

Apatnapung taon na ang nakaraan mula nang mangyari ang First Quarter Storm na siyang pangunahing paksa ng pelikula (kahit na ang istorya’y tungkol sa paghahanap ni Dolly sa kanyang nawawalang anak). Maraming nagsasabing iba ang sitwasyon noong dekada 70 at wala nang batayan ang diumanong mapusok na pagkilos ng kabataan.

Napakadaling balewalain ang aktibismo, lalo na sa bahagi ng nakatatandang naging bahagi ng kilusan. Hindi man nila sabihin nang direkta, iisa lang ang mensahe nila sa kabataang aktibista: “Papunta pa lang kayo, pabalik na ako.” Para sa kabataang may malalim na kaalaman sa kanilang ginagawa, may simpleng sagot sa walang-batayang patutsada: “Mawalang-galang lang po, pero bakit hindi na lang po kayo nanatili? Tila naligaw po kayo sa inyong pagbalik.”

Aaminin kong ang epekto ng pelikulang Sigwa sa akin ay pagpapalakas ng paniniwalang ang titulong “aktibista” ay ibinibigay lamang sa mga piling indibidwal. Sila ay dapat na handang magsakripisyo’t talikuran ang buhay na kinagisnan para sa makahulugang pakikipaglaban. Sila ay mga natatanging mandirigmang hindi magdadalawang-isip na ialay ang lahat, kahit ang sariling buhay, para sa ikabubuti ng iba pa. Sila ay katulad ni Cita na dala-dala ang aktibismo sa kanilang pagtanda.

May progresibong mag-isip at kontento na sa sariling buhay. May progresibong mag-isip at kumikilos para ang buhay ng nakararami’y magkaroon ng saysay. Naniniwala ako sa sinabi ni Rading sa isang eksena: Hindi lahat ng sumasama sa mga rally ay aktibista. Mas malalim pa sa pagmamartsa’t pagtataas ng kamao ang esensiya ng aktibismo. Ang hindi tuwirang nakikita ay ang nangyayari sa likod ng mga naiuulat sa midya – ang pag-aaral sa mga teorya at ang pagsasapraktika ng natutuhan sa pamamagitan ng integrasyon sa masa.

Pero tulad ng sitwasyong ang mga pelikulang tulad ng Sigwa ay bihirang mapanood sa ating bansa, mas nakapangingibabaw ang negatibong pagtingin sa mga aktibista. Tinitingnan silang baliw at salot dahil sa paniniwalang ang ating lipunan ay may kapayapaan at kaginhawaan. Pilit na ibinibenta ang ilusyong hindi kailangang labanan ang pamahalaan dahil kailangan lang magtiwala rito.

Sa huling pagsusuri, maiintindihan lang ang aktibismo kung iuugnay sa mga nangyayari sa lipunan. Sa pagbasag sa ilusyon at tuwirang pagkamulat sa kabulukan ng lipunan, nakikita hindi lang ang pangangailangang sumuporta sa mga aktibista kundi maging kabahagi nila.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Wikang Filipino at English-speaking zones
N.B. – This was published in the August 13-19, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/08/wikang-filipino-at-english-speaking-zones/.

May birong hindi nakakatawa sa maraming paaralan: Ang wikang Filipino raw ay pang-kubeta na lang.

Malinaw kasi ang nakapaskil sa paligid: English-speaking zone. Bawal magsalita ng sariling wika sa halos lahat ng bahagi ng paaralan – klasrum, opisina, pasilyo, palaruan, aklatan. “Ma’am, may I go out?” Ah, puwede ka nang mag-Filipino habang nakababa ang salawal at sinasagot ang tawag ng kalikasan. Pero kanino ka naman makikipagtalastasan? Puwede mo kayang kausapin ang mga butiki sa loob ng kubeta? Mas matino kaya silang kausap kumpara sa maraming guro’t opisyal na ipinagpipilitan ang malawakang paggamit ng dayuhang wika?

Alam mo na ang kalagayan ng wikang Filipino sa maraming paaralan. Hindi ito kakaiba sa duming itinatapon at pilit na ibinabaon sa limot. Pero hindi tulad ng duming hindi binibigyan ng ikalawang pagtingin, may isang buwan sa bawat taong nagbibigay-pugay ang bansa sa wikang hindi naman mahalaga para sa mga nasa kapangyarihan.

Agosto na naman. Oras nang magbigay ng talumpati ang mahihilig mag-Ingles hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Ito ang pagkakataong nililinis ang mga lumang tarpaulin na nakalagay ang mga katagang “Buwan ng Wika” at “Mabuhay ang Wikang Filipino!”

Ang dati’y lingguhang selebrasyon ay naging buwanan simula noong 1997. Ipinatupad kasi ang Proklamasyon Blg. 1041 (Nagpapahayag ng Taunang Pagdiriwang Tuwing Agosto 1-31 Bilang Buwan ng Wikang Pambansa) ni dating Pangulong Fidel Ramos. Pagkatapos ng 13 taon, may ibinunga bang maganda ang pagpapahaba ng selebrasyon?

Dahil itinataguyod ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo’t komunikasyon, kapansin-pansin ang pabalat-bungang pagpupugay sa wikang Filipino. Ilang beses mo na bang narinig ang gasgas na sipi mula sa tula ng ating pambansang bayani? Ang hindi raw marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda. Kung ang pamilya ni Rizal ay binabayaran ng piso sa bawat paggamit ng siping ito, siguradong lumalaki ang kita ng mga Rizal tuwing Agosto, ang tinaguriang Buwan ng Wika.

Sa konteksto ng globalisasyon, ano pa ba ang aasahan mo sa kahihinatnan ng wikang Filipino? Patuloy pa rin ang pagbebenta ng ideyang uunlad ang Pilipinas dahil sa kahusayan ng populasyon nito sa paggamit ng wikang Ingles. Ang sistematikong pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa ay nagkaroon lang ng kaunting pagbabago. Sa ngayon, nabibigyan na ng oportunidad ang mga mamamayang mahusay sa wikang Ingles na magtrabaho sa sariling lupain.

Ang problema nga lang, kadalasang nagsisimula ang kanilang trabaho sa panahong tulog ang karamihan ng mamamayan. Dahil sa sektor na business process outsourcing (BPO), dumarami ang Pilipinong call center agents na ang pangunahing puhunan sa trabaho ay ang pagtatago ng kanilang identidad, partikular ang pagsasalita ng wikang Ingles nang may American twang.

Sa kaso ng maraming paaralan, hindi ko makita ang lohika ng pagbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang sariling wika. Tanggapin man o hindi ng maraming guro’t opisyal, ang mga estudyante’y mas komportableng gamitin ang wikang kinagisnan nila, ang midyum na ginagamit sa pakikipag-usap sa magulang, mga kapatid, kalaro at iba pang kakilala. Dahil nasa ating dugo ang pagiging Pilipino, ang wikang Filipino’y natural na bahagi ng ating katauhan.

Walang kasalanan ang isang estudyanteng nadapa sa harap mismo ng karatulang “English-speaking zone” na mapasigaw ng “Aray” sa halip na “Ouch.” At kapag tinanong mo siya kung ano’ng nararamdaman niya, ano kaya ang kanyang magiging sagot? “Masakit po!” Duda ako sasagutin ka niya ng “It hurts!”

Kung talagang seryoso ang maraming paaralan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, ang unang unang kailangang gawin ng mga guro’t opisyal nito ay tanggalin na ang “English-speaking zones” at hayaan ang mga estudyanteng gamitin ang sariling wika. Kung nais pa rin nilang ituro ang wikang Ingles, posible pa rin naman ito nang hindi napapabayaan ang sariling wika. Kailangan lang ihanay ang wikang Ingles sa iba pang dayuhang wika (tulad ng Nihongo, Mandarin, Kastila at Pranses) at huwag gawing prayoridad ito. At kung nababahala ang mga guro’t opisyal sa kakayahan ng mga estudyanteng gumamit ng wika, ang dapat nilang tutukan ay ang Filipino proficiency sa halip na matakot sa napabalitang bumababang English proficiency.

Malaking hamon para sa mga paaralan ang pagtataguyod ng wikang Filipino kung hindi buwan ng Agosto. Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong administrasyon at ang paggamit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng sariling wika sa kanyang mga pangunahing talumpati (tulad ng kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo 26), kapansin-pansin pa rin ang pagkiling sa paggamit ng wikang Ingles ng mga nasa kapangyarihan. At kung susuriin ang mga polisiya’t programa ng administrasyong Aquino, ang globalistang direksiyon ay halatang halata pa rin.

At dahil ang pagtingin ng mga nasa kapangyarihan ay nasa labas ng bansa, mas binibigyang-diin ang pagpapaunlad ng wikang makakayang makipag-ugnayan sa mga dayuhan. Paano na ang wikang Filipino? Puwede itong kalimutan, maliban na lang kung buwan ng Agosto!

Hindi po biro ang sitwasyong ang wikang Filipino ay tila pang-kubeta na lang sa maraming paaralan, o kahit ilang opisinang pribado’t pampubliko. Huwag na nating hintayin pang pati sa kubeta’y kailangan nang mag-Ingles ang mga tao, lalo na ang ating kabataan.

Walang lugar ang tinaguriang “English-speaking zones” sa isang bansang may sarili namang wika’t nagnanais ng mahigpit na pagkakaisa. Ang paghuhubog ng kaisipan ay epektibong maisasagawa sa pagtataguyod ng Filipino, ang wikang nagmula sa sariling kultura’t malinaw na nagbubuklod sa lahat ng Pilipino.

Anuman ang gawin ng mga nasa kapangyarihan, pilitin man nilang pang-kubeta na lang ang wikang Filipino, hindi nila ito basta-basta maitatapon sa inidoro. Hinding hindi ito maibabaon sa limot hangga’t may mga Pilipinong nakakaalala sa kasaysayan at pakikibaka ng ating bayan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Suweldo, guro at gobyerno
N.B. – This was published in the August 6-12, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/08/suweldo-guro-at-gobyerno/.

May malaking bentahe sa pagtatrabaho sa gobyerno. Ayaw mong maniwala? Lumalabas sa datos ng Commisson on Audit (COA) na may ilang pinagpalang kumita nang milyon-milyon. Noong 2009, halimbawa, ang sahod raw si Armand Arreza, administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ay umabot ng P26.9 milyon. Kung totoo ang datos ng COA, lumalabas na siya ang may pinakamataas na suweldo sa pamahalaan noong 2009.

Pero ang langit para sa iilan ay impiyerno para sa karamihan. Mangilan-ngilan lang ang kumikita habang ang mas marami’y katiting lang ang nakukuha. Ayaw mong maniwala? Ang isang guro sa pampublikong paaralan (public school teacher) ay kumikita lang ng P15,649 bawat buwan (Salary Grade 11-1).

Matagal nang kampanya ang pagtataas ng suweldo nila. Ito ang dahilan kung bakit naghain ng panukalang batas noong Agosto 4 ang ACT Teachers Party-list para matupad ang matagal nang kahilingan ng kaguruan. Ayon sa press release ng grupong nakakuha ng isang upuan sa House of Representatives, ang pag-apruba sa House Bill No. 2142 ay mangangahulugan ng pagtataas ng suweldo ng public school teachers sa P24,887 bawat buwan.

Higit pa sa pera, ang pagtataas ng salary grade ng kaguruan ay pagkilala sa kanilang mahirap nilang gawain. Hindi biro ang paghahandang ginagawa ng mga seryosong guro para epektibong mahubog ang kaisipan ng mga estudyante. Hindi rin biro ang maghapong paggamit ng boses, nakakangawit na pagsusulat sa blackboard o whiteboard at madalas na pagtayo o paglalakad sa loob ng klasrum para idiin ang mga importanteng punto. Lalong hindi biro ang pagharap sa ilang magulang at administrador para sagutin ang anumang isyung may kinalaman sa kanila.

Hindi ko na kailangan pang ilista ang dagdag na trabahong ibinibigay sa kanila. Tuwing may eleksiyon, inaasahan silang maging board of election inspectors (BEIs). Tuwing may census, sila ang inaasahang magpunta sa mga bahay para magsagawa nito.

Kung hindi biro ang trabaho ng guro, bakit nagiging malaking biro ang kanilang suweldo? Kung bigat ng trabaho na rin lang ang usapin, hindi ba’t masasabing kalbaryo ang buhay nila?

Gaya ng nabanggit kanina, ang pagtataas ng suweldo ng mga guro ay isang pagbibigay-pugay sa kanila. Sa kontekstong ito, walang dahilan para hindi aprubahan ang HB 2142. Tanging ang kontra sa interes ng ordinaryong empleyado sa gobyerno ang tututol dito.

Sa isang banda, wala ring dahilan para hindi aprubahan ang mga nakaraang panukalang batas hinggil sa pagtataas ng suweldo ng mga manggagawa sa pribado’t publikong sektor. Pero ano ang nangyari? Hindi naipasa ang mga ito kahit na suportado ng maraming miyembro ng Senado’t Kamara de Representante. Dahil sa mapanlikha’t mapanlinlang na maniobra ng ilang opisyal noon sa Malakanyang, nauwi sa wala ang mahigit 10 taong kampanya ng mga manggagawa para itaas ang suweldo. (Sa mga hindi pa nakakaalam, nag-umpisa ang kampanya ng mga manggagawa para sa P125 dagdag sa arawang sahod noong Agosto 1999. Inihain ang panukalang batas tungkol dito, kasama na ang P3,000 dagdag sa buwanang sahod ng mga empleyado ng gobyerno, nang maupo ang mga kinatawan ng Bayan Muna noong 2001.)

Hindi tulad ng ilang pinagpala, hindi naman humihingi ng milyon-milyon ang mga empleyado ng gobyerno na kung saan ang pinakamalaking grupo ay ang public school teachers. Wala silang hinihiling na dagdag-ganansiya kundi kung ano lang ang akma sa kanila. Ano ba naman ang masama sa pagkakaroon ng mas mataas na suweldo para maibsan, kahit kaunti lang, ang problema sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin?

Kung maraming nakakakita sa hustisya, may iilan pa ring nananatiling kontra. Ang problema nga lang, ang mangilan-ngilang ito ay nasa posisyon ng kapangyarihan. Nakikita nila ang problema sa pagbibigay-ginhawa sa mga dapat ay patuloy na naghihirap. Simple lang ang dahilan dito: Nananatili ang kanilang kapangyarihan dahil ang marami’y patuloy nilang pinangingibabawan.

Para sa kanila, nakakatakot ang pangyayaring ito: Oras na itaas ang suweldo ng mga guro, hindi na nila masyadong magiging problema ang pera. Mas magkakaroon na sila ng panahon para magbasa, magsuri at sumapi sa mga organisasyong pangkaguruan. Mas mapapalalim na nila ang kanilang kaalaman na kanilang ipapasa sa mga estudyante. At ang pinakanakakatakot sa lahat: Maaaring maging kritikal ang mga estudyante sa mga nangyayari sa paligid nila, at ito’y kasalanan ng mga guro! Sadyang hindi na makakayang pangibabawan ang mga may malalim na kaalaman!

Ito ang dahilan kung bakit dapat patuloy na subaybayan ang kahihinatnan ng HB 2142. Mainam ding isabay sa pagbabantay ang iba pang panukalang batas hinggil sa pagtataas ng suweldo ng mga manggagawa sa pribado’t publikong sektor. Hindi dapat panghinaan ng loob kahit na siyam na taon na ang nagdaan at hindi pa naaaprubahan ang anumang may kinalaman sa isang legislated wage hike.

Kasabay ng pagkondena sa ilang pinagpala, kailangang ituloy ang kampanya para sa mga maralita.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Para sa isang dating aktibistang ayaw tumanggap ng puna
N.B. – This was published in the July 30-August 5, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/07/para-sa-isang-dating-aktibistang-ayaw-tumanggap-ng-puna/.

Ang paborito kong salita ay “sana” at ang pangunahing bisyo ko ay “puna.” Para sa isang dating aktibistang hindi marunong tumanggap ng huli, mainam na basahin itong diskursong maikli.

Sana nama’y ganyan, sana nama’y ganito.

Maraming nagsasabi ng “sana” tuwing natatapos ang isang bagay. Kahit na pinaghirapang gawin at sinikap na maging perpekto, makikita’t makikita pa rin ang ilang kahinaan. Mapapansi’t mapapansin pa rin ang ilang kakulangan.

May mga taong hindi bukas na tinatanggap ang mga puna. Pero gusto kong isiping mas marami pa ang handang tumanggap ng mga ito. Hindi ko alam kung masasabing masuwerte ako sa pagkakaroon ng mga kaibiga’t kakilalang hindi iniinda ang aking pagiging prangka, lalo na ang madalas kong pagbanggit ng “sana.”

Sana’y nainterbyu mo ang taong ito dahil makakatulong siya sa artikulo mo. Sana’y sinunod mo ang etikal na pamantayan sa pagkuha ng datos. Sana’y nagpalalim ka pa sa pagtatanong. Sana’y nagsulat ka na lang sa wikang Filipino. Sana’y pinag-aralan mo nang malalim ang konsepto ng seksismo at machismo. Sana’y pinalalim mo pa ang iyong kaalaman sa satirikong diskurso.

Sana, sana, sana. Mga pahayag kong madalas na sinusundan ng mas marami pang sana!

Masasabing naging bahagi na ito ng aking buhay bilang guro’t peryodista, partikular ang aking pagtuturo ng pagsusulat. Dahil madalas ang pagsasagawa ng palihan (workshop) sa klase, hindi maiiwasan ang pagbibigay ng kalakasa’t kahinaan ng isinumiteng trabaho ng mga estudyante. Ganito rin ang nangyayari sa mga palihang naiimbitahan ako na kung saan iba’t iba ang propesyon at kahit nasyonalidad ng mga partisipante.

Sa mahabang taon ng aking pagtuturo’t pagsusulat, medyo natutuhan ko na ang pagbibigay ng negatibong komento sa paraang hindi masyadong nakakasakit ng damdamin. Para sa estudyante, kailangang hindi sila mawalan ng motibasyon sa kabila ng maraming bagay na kailangan pa nilang pag-aralan sa larangan ng pagsusulat. Para naman sa mga kapwa ko propesyonal, kailangang linawing walang bahid ng panlalait ang paglalahad ng mga kailangan nilang baguhin sa kanilang sulatin. Sinuman ang aking kausap, sinisikap kong bigyan siya ng kaukulang respeto.

Ang respeto’y ginagawa hindi lang sa maingat na pagpili ng mga salita kundi sa balanseng pagbibigay ng negatibo’t positibo. Madali lang gawin ang una dahil mayaman naman ang bokabularyo ng wikang Filipino’t Ingles. Paano naman ang pangalawa? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may positibo sa isang panulat, at ang tanging puna mo lang ay puro negatibo. Mas nakakadagdag sa problema ang realidad na ang pagpuna ay hindi ginagawang kaharap lang ang kawawang “biktima” kundi sa harap ng iba pa. Sa madaling salita, posible siyang mapahiya!

Sa puntong ito’y mas pinag-iingatan ko na lang ang pagpili ng mga salita para maging malinaw ang mensahe ng kanyang kahinaan. Pero kung puro negatibo’t kakaunti lang (kung mayroon man) ang positibong katangian ng kanyang trabaho? Ano pa ba ang magagawa ko? Kailangan niyang mabatid ang kanyang kahinaan. Paano niya mapapabuti ang kanyang panulat kung hindi ito ipapaalam sa kanya?

Kung ganito ang nararapat sa isang palihan ng pagsusulat, ganito rin sana ang maging kalakaran sa ating araw-araw na buhay. Kung may problema, sabihin nang direkta. Kung may kritisismo, sabihin ang totoo!

Pero tila hindi katanggap-tanggap ang kultura ng kritisismo sa ating bansa. Kung may nagpaparating ng puna, pilit na tinitingnan ang personal na adyenda. Sa halip na alamin ang konteksto’t nilalaman, mas iniimbestigahan ang karakter ng taong tinitingnang may “lakas ng loob” na makipagtalastasan. Sa halip na itanong kung ano ang kanyang puna, pilit na sinasagot ang tanong kung ano ang kanyang karapatang mabuhay sa mundong ibabaw!

Tunay na may tendensiyang batikusin ang mensahero nang hindi binibigyang-pansin ang kanyang mensahe. Mali ang ganitong gawi, pero madalas na nangingibabaw ang subhetibo kaysa obhetibo sa isang seryosong diskurso.

Ito ang nakakalungkot na bahagi ng isang debate, ang malinaw na kawalan ng huli. Paano nga naman magkakaroon ng talastasan kung ang kabilang panig ay ayaw suriin ang mensahe’t mas tinitingnang personal ang lahat ng atake sa kanya? Ano ang magiging sagot ng pumupuna kung ang pinupuna’y ayaw makinig sa katwiran at hindi bukas ang isipan?

Ang argumento’y humihinto, minsan pa nga’y nagpapaikot-ikot. Walang direksiyon ang diskurso at hindi tumataas ang antas nito.

Masuwerte ako’t marami akong kakilala’t kaibigang may konsepto ng pagpuna at pagtanggap nito kung kinakailangan. Kailangan kong magpasalamat sa kanilang magalang na pagsagot sa anumang punang mayroon ako. Dahil sa kanila, natututo ako at lalo kong pinaghuhusay ang aking pagsusulat at pagtuturo.

Pero may mga pagkakataong hindi bukas ang pagtanggap ng puna, kaya ito ang nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan. Kahit na anong gawin mo para pataasin ang diskurso, ayaw pa ring makinig ng isang tao at nais pa rin niyang yakapin ang sa tingin ko’y maling kaisipan.

Sa halip na ang sagot sa aking puna’y pahusayin, pinili niyang patalikod akong batikusin. Sa halip na patunayang tama ang kanyang paninindigan, pinili niyang huwag nang makipagtalastasan.

Sa aking opinyon, hindi siya aktibista (kahit na pinagpipilitan niyang ganoon pa rin siya). Ang aktibista’y marunong makinig at mangatwiran. Kaya niyang magbigay at tumanggap ng puna. Hindi siya basta-basta naiirita sa aking paboritong salita: Sana.

Ngayon, hayaan mong kausapin kita (oo, ikaw na aking matiyagang mambabasa). Sana nama’y hindi ka naapektuhan o tinamaan. Sana’y mataas ang antas ng iyong kamulatan para malaman ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan sa iba’t ibang tao.

Pero kung tinatamaan ka ng aking mga paratang, huwag mo pong asahan ang aking paghingi ng paumanhin. Sinasadya ko pong batikusin ang nararapat batikusin, kahit na alam kong wala kong makukuhang matinong sagot mula sa katulad mo. May respeto po ako sa iyong pagkatao at ang aking pagpuna’y dahil sa aksiyon mo. Isang bagay lang ang maipapangako ko sa iyo: Kung pinili mo ang patalikod na pag-atake, makakaasa kang hindi ko gagawin iyon sa iyo.

Hindi ko kawalan ang hindi mo pagsagot o pagtanggap sa aking puna. Kung hindi mo kayang pangatawanan ang mga ginawa mong kontra sa kilusang sinasabi mong pinapaniwalaan, ikaw ang nawalan. Ikaw ang hindi dapat tularan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Ang panggagahasa kay Sarah Raymundo
N.B. – This was published in the July 23-29, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/07/ang-panggagahasa-kay-sarah-raymundo/.

Kahit kontra sa etika, hayaan mong pangalanan ko ang biktima. Mayroon pong paulit-ulit na ginahasa (at patuloy na ginagahasa) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya po ay walang iba kundi si Sarah Jane S. Raymundo.

Pamilyar ba ang kanyang pangalan? Si Sarah ang propesor sa Departamento ng Sosyolohiya na napabalita noong pinagkaitan ng tenure kahit na malinaw ang kanyang kwalipikasyon bilang mahusay na guro sa kanyang mahigit siyam na taong pagtuturo sa UP.

Nagsimula bilang part-time na Lecturer noong Hunyo 1999, nahirang si Sarah bilang full-time na Instructor sa Nobyembre ng taong iyon sa nasabing departamento. Sa pagtatapos ng kanyang Master of Arts (MA) in Sociology, tumaas ang kanyang ranggo sa Assistant Professor makalipas ang pitong taon (Hunyo 2006).

Dahil sa kahusayan na kanyang ipinakita bilang guro at iskolar sa kanyang piniling disiplina, pito sa 10 tenured faculty ng Departamento ng Sosyolohiya ay bumotong pabor sa kanyang tenure noong Marso 2008. Pero ang magandang balita noong una ay napalitan ng masama kinalaunan. May mga nagbago ng posisyon, may mga patagong naglatag ng kanilang anti-komunistang disposisyon. May bumaligtad, may napaigtad. Ang dapat na para kay Sarah ay ipinagkait sa kanya. Kung hihiramin ang headline sa tabloid: Kawawang Sarah, ilang beses na ginahasa!

Nangyari ang unang panggagahasa noong Mayo 2008. Sinabihan kasi ng Vice Chancellor for Academic Affairs (VCAA) ang College Executive Board (CEB) ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) na magkomento sa isinulat na dissenting opinion ng tatlong tenured faculty na hindi pabor sa pagbibigay ng tenure kay Sarah. Dagdag pa rito, hiniling din ng VCAA noong Hunyo 2008 sa Departamento ng Sosyolohiya na magbigay pa ng karagdagang paliwanag kung bakit ang mga pang-akademikong kwalipikasyon at karangalang nakamit ni Sarah ay nakapangingibabaw sa isang insidente ng paglabag sa propesyonal na etika (further explain how the academic qualifications and achievements far outweigh this instance of breach of professional ethics).

Tulad ng ibang biktima, naramdaman ni Sarah noon ang pagsasamantala. Ang dapat ay simpleng kaso ng pag-apruba sa kanyang aplikasyon para sa tenure ay naging masalimuot na usapin. Kahit na may karapatang magtanong ang administrasyon, bakit tila mas binigyang-pansin ang pagtingin ng minorya sa puntong iyon?

Mas matinding panggagahasa ang nangyari noong Oktubre 2008 nang magbigay ng mas mahabang pahayag ang tatlong tenured faculty na hindi bumoto para sa tenure ni Sarah. Nakapagtatakang inabot ng halos apat na buwan bago nakapaglabas ng 13 pahina ang tatlong ito na inaakusahan si Sarah ng breach of professional ethics. Nag-ugat ang diumanong kasalanan ni Sarah sa hindi niya pagbibigay-linaw sa kanyang naging papel sa isang press conference hinggil sa pagkawala ni Karen Empeño, isa sa dalawang estudyante sa UP na pinaghihinalaang dinukot ng militar.

Sa kanilang mahabang paliwanag, lumalabas na ayaw nila kay Sarah dahil sa diumanong pagsisinungaling niya tungkol sa isyung ito. Nakapagtataka lang na sa halip na suportahan ang anumang hakbangin para sa panawagang ilitaw ang nawawalang estudyante, pinili ng tatlong itong pag-initan ang isang propesor na nais makatulong sa kampanya para sa karapatang pantao. Hindi ko rin maubos-maisip kung paanong ang insidenteng ito ng diumanong pagsisinungaling ay nakapangingibabaw sa mahusay na paggampan ni Sarah sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik.

Sa editoryal na pamantayan, lubos na nakakawala rin ng dignidad kay Sarah ang pagkakaroon ng tatlong “kaaway” na hindi marunong magsulat sa wikang Ingles. Wala silang masyadong alam sa balarila ng wikang ito (Halimbawa nito’y ang paulit-ulit at nakakahilong paggamit ng mga katagang “We are of the view“). Kalat din ang kanilang mga punto’t mahirap sundan ang daloy ng diskusyon. (Mayroon ngang isang argumentong hindi ko maintindihan: Sinisisi si Sarah sa hindi paglalagay ng isa sa kanyang maraming publikasyon sa Justification (for tenure) niya!) Binigyan naman sana nila ng kaukulang paghahanda ang mga argumento at hindi lang sila nagbigay ng sabog na diskurso! Kung sabagay, ano pa ba naman ang maaasahan mo sa tatlong propesor na hindi masyadong kilala sa larangan ng sosyolohiya, kumpara kay Sarah na unti-unting nagkakapangalan pati sa internasyunal na larangan.

Pero ang mas malala pang panggagahasa ay nangyari noong Nobyembre 6, 2008. Sinabihan si Sarah ng tagapangulo ng Departamento ng Sosyolohiya na ang mga tenured faculty ay HINDI INAPRUBAHAN ang kanyang aplikasyon para magkaroon ng tenure. Hindi sinabi ang dahilan ng desisyong ito. Pero heto ang pinakamasaklap na balita: Sinabihan siyang huwag nang pumasok sa klase kahit ang kontrata niya’y matatapos pa sa Disyembre 2009.

Nagpatuloy ang panggagahasa noong Nobyembre 14, 2008 nang sumulat ang departamento ni Sarah sa VCAA na hindi na ito magrerekomenda ng tenure.

At dahil napagsamantalahan nang maraming beses at pilit na tinanggalan ng dignidad, dumulog si Sarah sa Chancellor noong Nobyembre 20, 2008. Makalipas ang isang taon (Nobyembre 3, 2009), nakuha ni Sarah ang sagot ng Chancellor na hindi pabor sa kanyang tenure. Hindi akalain ni Sarah na ang dapat na magbibigay ng hustisya sa kanya ay isa pa sa maraming manggagahasa, at inabot pa ng napakahabang panahon bago niya nalaman ang katotohanang ito!

Makalipas ang 10 araw (Nobyembre 13), umapila naman si Sarah sa Presidente ng UP hinggil sa kaso niya. Ano ang ginawa ng Presidenteng abala sa maraming gawain? Makalipas ang isang buwan (Disyembre 14), sumulat ang Presidente ng UP sa departamento ni Sarah para hingin ang sagot ng tenured faculty sa isang simpleng tanong: “Do you recommend the grant of tenure to Prof. Sarah Raymundo?” At noong Disyembre 16, 2009, nalaman ang resulta ng referendum: Lima ang hindi pabor, apat ang pabor. Malas lang ni Sarah dahil ang dalawang propesor na dating bumoto pabor sa kanya ay retirado na.

Tulad ng inaasahan, ang biktima’y umakyat sa pinakamataas na policy-making body ng UP, ang Board of Regents (BOR). Gumawa siya ng isang liham sa mga miyembro ng BOR noong Enero 15, 2010 para ulit-ulitin ang kawalan ang hustisya, ang mga nangyaring panggagahasa sa kanya.

At dahil mahusay na nailahad ni Sarah ang kanyang argumento (bukod pa sa suportang ibinigay ni Faculty Regent Judy Taguiwalo), nagdesisyon ang BOR noong Mayo 27, 2010 na sang-ayunan ang kanyang apila. Sa madaling salita, nabigyan ng tenure si Sarah!

Pero kung inaakala mong dito nagtatapos ang kuwento, pati na ang panggagahasa kay Sarah, nagkakamali ka. Wala pa pong hustisya. Habang sinusulat ito’y hindi pa nakakabalik si Sarah sa pagtuturo. Ayaw pang aksyunan ng Departamento ng Sosyolohiya ang utos ng BOR na bigyan ng tenure si Sarah.

Nakakagulat pa nga ang nangyayari sa kasalukuyan. Kahit malinaw na si Sarah ang biktima, maririnig mo ngayon sa ilang sulok ng pamantasan (lalo na sa Departamento ng Sosyolohiya) ang mga ingay ng ilang walang pakundangan. Sinasabi ng mga nagkait ng tenure kay Sarah na sila ang tunay na biktima! Wala raw karapatan ang mga taga-labas (tulad ko) na makialam sa mga bagay na internal lang sa kanilang departamento. Dapat daw igalang ang institutional/departmental autonomy dahil ang tanging layunin lang nila ay protektahan si Sarah.

Sa totoo lang, nawala ako sa argumentong nasa interes diumano ni Sarah ang pagkakatanggal sa kanya. Hindi ko maintindihan ang lohika ng paggamit sa konsepto ng autonomy para huwag sabihin kay Sarah noong una ang dahilan ng hindi pagbibigay ng tenure sa kanya. Kailangan pang hintayin ang memorandum ng Chancellor (na kalakip bilang annexes ang napakaraming dokumento hinggil sa kaso niya) para malaman ni Sarah ang konteksto ng paulit-ulit na panggagahasang pinagdaanan niya.

At sa kaso ng panggagahasang ito, kailangan kong pangalanan ang biktima, pero hayaan mong itago ko ang mga salarin. Simple lang po ang dahilan: Ang mga nanggahasa at patuloy na nanggagahasa ay wala sa antas ng pang-akademikong kakayahan ng isang Sarah Jane S. Raymundo. Malaking insulto para kay Sarah na mabanggit kasama ang pangalan nila.

Totoo pong may ginahasa at patuloy na ginagahasa sa UP Diliman. Pero sadyang kabaligtaran ang katotohanan. Sa sitwasyon ni Sarah, ang mga nanggagahasa’y siyang nahuhubaran, samantalang ang biktima’y siyang nabibigyang dangal.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Defining the community press in the Philippines
N.B. – This was published in Asian Correspondent (July 19, 10:20 p.m.) where I write a column (Philippine Fantasy).

A student from the University of the Philippines (UP) Diliman emailed a few questions about my involvement with the community press. Below are my answers.

What community presses have you been affiliated with? What positions did you occupy?

If we loosely define “community press” as media organizations that cater mainly to a defined area and therefore has a defined audience, my affiliation with the so-called community press started as early as college in the late 1980s: I was a reporter for the Philippine Collegian, official student publication of the University of the Philippines (UP) Diliman, where I eventually became its news editor.

Contrary to the popular notion that my “Konteksto” (Context) column started with Pinoy Weekly, it actually started in 2004 with the defunct community-based tabloid Alam ng Cagayan Valley which is based in Tuguegarao City. This publication did not last long.

In 2006, I decided to revive “Konteksto” when I was offered to write more regularly for Pinoy Weekly, which is technically not community-based given its broader Filipino audience in the country and abroad.

What sets a community press apart from a local newspaper or other forms of media?

A local newspaper is part of the community press. Strictly speaking, the word “press” refers to the print media, particularly newspapers and magazines. Through the years, however, “press” has become synonymous with “media” and therefore includes not only print but also broadcast and new media. This would explain why a journalist’s identification card is now usually called “press ID.”

What is the structure of the editorial staff of a community press? Does it differ from the editorial staff of newspapers/magazines?

Just like other media organizations, the community press has a defined hierarchy of publishers, editors, writers, photographers, graphic designers and layout artists, among other positions. Low-budget media organizations in communities, however, normally have journalists who take on various tasks. It’s not surprising to encounter community-based print publications that have only one or two people who do all the work.

How are the issues released? Are there any routine tasks you need to perform every day for that particular newspaper?

From my experience at the Philippine Collegian, the weekly issues were always on time as the work had a defined system. Despite our heavy academic load and other extra-curricular activities, most of the editors and staff were very committed to see an issue through and normally went the “extra mile,” so to speak, to make sure that certain tasks were done. Brownouts, computer breakdowns and other technical problems sometimes happened but these were not used as convenient excuses not to finish the job.

What makes working for a community press different from working for a commercial newspaper/publication?

Those who work for the community press, provided the media organization is not commercial in character, do so out of serious commitment instead of mere employment. They use their journalistic skills and knowledge to inform their community, without expecting to be compensated for their services.

What are the usual  problems encountered in the production of the newspaper?

Financial constraints normally plague the community press and this is primarily the reason many community-based publications come and go.

Being a “community press,” what role does the community perform in the production process?

The community residents do not only serve as audience of a community-based media organization. They are actually mobilized to provide leads with regard to issues that must be covered. Skills training may also be conducted in communities so that residents would eventually become part of the community-based media organization.

Is there any advantage in particular that made you enjoy working for a community press?

Editing and writing for the community press gave me the opportunity to deeply analyze social reality. My interaction with different kinds of people deepened my social consciousness. For me, journalism becomes not a career that one must develop but a commitment that one must pursue.

Dilaw at pula sa panahon ng `daang matuwid’
N.B. – This was published in the July 16-22, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/07/dilaw-at-pula-sa-panahon-ng-daang-matuwid%E2%80%99/.

Siguro’y lipas na ang pakikibaka, minsa’y nasa isip mo. Wala nang lugar para sa protesta dahil nagbalik na ang demokrasya.

Ano nga ba naman ang batayan ng pagmamartsa sa kalsada? Popular na ang kasalukuyang Pangulo. Katanggap-tanggap sa publiko ang mga naitalagang Kalihim ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG). Bentang-benta sa marami ang desisyon ng Pangulong hindi gumamit ng sirena o blinker sa kanyang araw-araw na pagbiyahe. Ang kanyang pagsunod sa batas-trapiko, lalo na ang paghinto ng kanyang convoy kapag pula ang traffic light, ay nagsisilbing magandang halimbawa sa lahat na sumunod sa batas.

May dahilan para magbigay ng papuri. May lugar pa nga ba para magbato ng puna?

Kahit na sabihing may limang aktibistang pinaslang sa unang 12 araw ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III, sinabi naman ng huling hindi katanggap-tanggap ang anumang porma ng paglabag sa karapatang pantao. Sabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, “We have no policy of extra-judicial killings. We will not countenance any extra-judicial killing. Our policy is we will not tolerate extra-judicial killings.”

Para sa iba, sapat na ang pahayag na ito para hindi sisihin ang kasalukuyang administrasyon. Kung sabagay, puwede namang sabihing ginagawa ito ng ilang elemento sa militar para hiyain ang mga nasa kapangyarihan. At para sa mga galit sa komunista, malamang na mauulit na naman ang walang-batayang akusasyong kasalanan ng New People’s Army (NPA) ang nangyayaring pagpatay sa kasalukuyan.

Madali namang isisi ang lahat sa mga komunistang ang simbolo ay pula. Kung ang pulang bandila’y sumisimbolo sa militanteng pakikibaka, lahat ng mga nagmamartsa’y inaakusahang komunista. Dahil pareho ang kulay na ginagamit at pagsusuring sinasambit, hindi na raw dapat pinaghihiwalay ang legal at hindi legal, ang pagkilos sa larangang parlamento’t armado. Ang pula ay pula, at lahat sila’y lipas na.

Panahon na ng dilaw ngayon. Simbolo raw ito hindi ng karuwagan kundi ng alternatibong paraan ng “pakikibaka.” Ang pagbabagong ipinapangako ng kilusang dilaw ay mapayapa, hindi tulad ng mga naniniwala sa armadong pakikibaka. Hindi raw kasi maiiwasang dumanak ang dugo sa pamamagitan ng pagyakap sa pula, kaya mainam at ligtas na alternatibo ang sumuporta na lang sa kasalukuyang administrasyon.

Napakadaling isuko ang sarili ngayon. Ang sinasabing “daang matuwid” ay mabenta sa mga taong nawalan na ng pag-asa o pagod na sa pakikibaka. Para sa maraming yumayakap sa dilaw, binubuo na ang bagong Pilipinas na direktang kabaligtaran ng nakalipas na administrasyong Macapagal-Arroyo. Para sa kanila, walang dahilan para hindi suportahan ang kasalukuyang administrasyon. Si Noynoy ay hindi si Gloria, at ito ay sapat na!

Hindi naman masisisi ang maraming Pilipino kung umabot na sa ganito kababang pamantayan ang katangian ng pagsuporta sa isang Pangulo. Dahil nanggaling tayo sa karumal-dumal na kanasan ng tiwaling pamamahala, natural lamang na ikatutuwa ng lahat ang maliliit na desisyon tulad ng pagsunod sa batas-trapiko. Basta’t walang rekord ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, ang mga itinalagang opisyal ng gobyerno ay nagiging katanggap-tanggap dahil na rin sa nakaraang sitwasyong kahit ang manikurista’t hardinero ni Gloria ay nabibigyan ng posisyon sa gobyerno. Kung ikukumpara nga naman ang desisyon ng kasalukuyang Pangulong huwag bigyan ng anumang posisyon ng pamahalaan ang kanyang mga kamag-anak, hindi nga ba’t lumalabas na santo si Aquino?

Pero kahit na sabihing magiging matagumpay ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa korupsyon, may makabuluhan bang pagbabago sa iba pang mahahalagang larangan?

Nakaparaming tanong sa kasalukuyan: Makakaya bang ibasura ng mga nasa kapangyarihan ang makaisang panig na mga kasunduan tulad ng US-RP Visiting Forces Agreement (VFA)? Makikita kaya nilang kontra sa interes ng mamamayan ang mga globalistang pakataran tulad ng Downstream Oil Industry Deregulation Act at ang Electric Power Industry Reform Act na pawang nagreresulta sa pagtataas sa presyo ng langis at singil sa kuryente? Magkukusa kaya silang ibalik sa kontrol ng pamahalaan ang serbisyo ng tubig at kuryente para hindi na pagsamantalahan ng mga pribadong negosyante ang mga batayang serbisyong ito? Magkakaroon kaya ng pulitikal na kakayahan ang pamahalaang magbigay ng legislated wage hike para sa lahat ng manggagawa? Maipapatupad kaya ang tunay na repormang agraryo, kasama na ang Hacienda Luisita na pag-aari ng mga Cojuangco’t Aquino?

Alam nating lahat na imposibleng maipatupad lahat ng mga kailangang gawin sa loob ng anim na taon dahil sa patong-patong na problemang kinakaharap ng Pilipinas. Pero dapat na nakikita ng lahat ng mamamayan ang mga inisyatibang patungo sa direksyon ng makabuluhang pagbabago. At ang mga inisyatibang ito’y maaaring magmula sa direktang pahayag ng mga nasa kapangyarihan kung ano ang kanilang paninindigan. Kapansin-pansin sa kasalukuyan ang pananahimik ng Pangulo’t iba pang opisyal sa mga susing usapin ng kinakailangang pagbabago para mapaganda ang kalagayan ng nakararaming mahihirap.

Sa kontekstong ito, may sapat na dahilan para manatiling kritikal. Para sa mga taong may malalim na pag-unawa sa mga nangyayari sa lipunan, hindi nakakagulat na patuloy pa rin silang yumayakap sa kanilang paniniwala. Patuloy pa rin ang pagwagayway ng pulang bandila sa pagpapatuloy ng kultura ng protesta.

Iba man ang administrasyon, kabaligtaran man ito ng tiwaling gawi ng nakaraan, ang paninindigan nito’y patuloy pa ring nagsisilbi sa interes ng iilan. Nagbago man ang komposisyon ng mga nasa kapangyarihan, nabibilang pa rin sila sa nakatataas na uri ng lipunan. Natural lamang na ang kanilang itinataguyod ay ang interes nila. Kung mayroon mang pakinabang ang mahihirap, malamang na ito ay pabalat-bunga lamang at hindi bumabangga sa interes ng mayayaman.

Kaya nga sa kabila ng panunungkulan ng dilaw, patuloy pa rin ang pakikibaka ng pula. Iba’t ibang kulay ang tunggalian na siyang pinagmumulan ng personal na agam-agam. Ang pagsuko’y para sa napapagal,  ang pagdududa’y para sa naguguluhan, at ang pakikibaka’y para sa kasaysayan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Midya bilang kakampi o kaaway ng pamahalaan
N.B. – This was published in the July 9-15, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/07/midya-bilang-kakampi-o-kaaway-ng-pamahalaan/. This was also published in The Philippine Reporter (July 16, 2010), a newspaper based in Canada.

Walang masama sa desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na ipailalim sa isang pagsasanay ang ilang opisyal ng gobyerno tungkol sa tamang pakikitungo sa midya. Pero hindi ko maiwasang magduda sa intensiyon ng administrasyon kung susuriin ang pinagmulan ng desisyong ito.

Kung matatandaan ang nangyari sa mga unang araw ng panunungkulan ng bagong administrasyon, malinaw na napikon sina Presidential Spokesperson Edwin Lacierda at Education Secretary Bro. Armin Luistro sa mga tanong ng ilang peryodista. Bagama’t humingi ng dispensa at nagbigay ng paglilinaw ang dalawa, hindi nila naitago ang kanilang kakulangan sa pagbibigay ng respeto sa gawain ng midya.

At dahil ang kakulangan ay maiuugat sa kawalan ng kaalaman, mainam na bigyan sila, gayundin ng iba pa, ng pag-aaral. Dahil hindi ko nakita ang laman ng modyul na ginamit, paniniwalaan ko na lang ang balitang kasama sa pagsasanay ang paksa hinggil sa aktuwal na trabaho ng mga peryodista.

Siguro’y dapat ko ring bigyan ng kaukulang respeto ang kakayahan ng nagbigay ng pagsasanay, si Carol Esposo-Espiritu, na sinasabing eksperto sa midya at komunikasyon. Malawak daw ang kanyang karanasan bilang peryodista noon pang panahon ni Marcos. Wala akong karapatang ikumpara ang aking sarili sa kanya dahil apat na taong gulang pa lang ako nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas.

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong magkomento sa napabalitang sinabi ni Espiritu sa pagsasanay: “Media have to do their job…If you make things easy for them, they will stop hounding you.” Una sa lahat, hindi na kailangang pagsabihan ang mga opisyal ng pamahalaan na maging bukas sa publiko. Kung ang layunin ng kasalukuyang administrasyon ay maging tapat sa tungkulin, magiging bahagi na ang bukas na daluyan ng impormasyon. Sa kontekstong ito, hindi na dapat maging isyu o problema ang pagpapahirap sa trabaho ng midya.

Puwede namang sabihing simpleng paalala lang ito sa mga opisyal na hindi sanay makitungo sa mga peryodista. Pero ang paggamit ng salitang pagtugis (hound) ay may implikasyon sa pagtingin ng kasalukuyang administrasyon sa gawain ng midya. Kung hindi mo lubusang naiintindihan ang esensiya ng pangangalap ng balita, maiisip mo talagang makukulit, makakapal ang mukha at matitigas ang ulo ng mga nagtatrabaho sa midya. At sa kontekstong ito, iisipin mong tinutugis (hounding) ka nila kaya dapat mong pigilan ang pangungulit nila sa iyo.

Sa madaling salita, ang nararapat na dahilan sa pakikisama sa midya ay ang intensiyong magbigay ng impormasyon sa publiko, at hindi ang pag-iwas sa pagtugis na ginagawa nila. Sa kabila ng tinaguriang media training na isinagawa sa mga piling opisyal, may malaki akong pagdududa kung magreresulta ito sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng midya.

Sana’y mali ang balitang sinabi ni Lacierda noong Hulyo 5 na ang pagsasanay ay kung paano panghawakan ang midya (how to handle the media). Kung totong ito ang eksaktong salitang sinabi ng opisyal na tagapagsalita ng Pangulo, lumalabas na ang kanyang pagtingin sa midya ay mga instrumentong dapat manipulahin sa halip na mga organisasyong nagsisilbing daluyan ng impormasyon sa publiko.

Hindi tuloy nakakagulat na sa kanyang muling pagharap sa midya noong Hulyo 8, kapansin-pansin ang pagngiti, pagtawa at pagbibiro niya sa mga peryodista. Gayundin ang kaso ni Luistro na nagsabing magkakaroon na siya ng press conference tuwing Biyernes. Sa gitna ng kanilang mas maaliwalas na mukha, malinaw na ang kanilang layunin ay magkaroon lang ng positibong ulat, para sa kanila at sa buong administrasyong Aquino.

Kung sabagay, iba rin kasi ang pagtingin ng kanilang gurong si Espiritu sa relasyon ng midya at gobyerno. Ayon sa kanya, ang midya ay dapat tingnan ng mga opisyal ng gobyerno bilang kasama sa pamamahala (partner in governance). Ito ay taliwas sa prinsipyo ng nagsasariling katangian ng midya na pangunahing indikasyon ng kalayaan sa pamamahayag ng isang bansa. Kung may nararapat na pagtingin sa midya, ito ay ang respeto sa institusyong nagsisilbing tulay ng pamahalaan sa mamamayan.

Sa kontekstong ito, ang midya’y maaaring maging kaaway o kakampi ng pamahalaan at walang magagawa ang mga nasa kapangyarihan sa sitwasyong ito. At lalong wala silang karapatang manipulahin ang midya sa pamamagitan ng pagbibigay ng positibong anggulo. Hindi dapat maging layunin ng anumang pamahalaan ang pagkakaroon ng positibong pag-uulat dahil ang nararapat na prayoridad ay ang pagbibigay ng makabuluhang impormasyon. Ang huli’y maaaring positibo o negatibo para sa pamahalaan, pero kailangan pa ring ibahagi ito.

Kung mayroong pagsasanay na dapat gawin ang Presidential Spokesperson at iba pang may kinalaman sa komunikasyon sa publiko, ito ay ang pag-intindi sa konsepto ng impormasyong pampubliko (public information). Dapat nang tanggalin ang ugaling bigyan ng positibong anggulo ang isang pangyayari, lalo na’t kung pinaniniwalaang hindi magiging maganda ang balita sa opinyon ng marami.

Oras na malaman nila’t isapuso ang kanilang trabahong magbigay ng makabuluhang impormasyon sa publiko, mas maiintindihan nila ang gawain ng midyang iulat ang mga opisyal na pahayag. Hahayaan nilang magbigay ng sariling pagsusuri ang mga peryodista, pabor man o hindi sa pamahalaan. Para sa mga nasa kapangyarihan, iisipin nilang may pagkakataon namang magbigay ng klaripikasyon kung sakaling may makita silang mali sa mga ulat ng midya, at ito ang pinagmumulan ng malayang talakayan o debate. Sa pamamagitan ng palitan ng kuro-kuro ng mga opisyal at peryodista, mapapataas ang antas ng diskurso na kung saan mas epektibong mahuhubog ang opinyong pampubliko.

Malinaw kung gayon ang hamon sa administrasyong Aquino: Tratuhin nang tama ang midya hindi sa pamamagitan ng ngiti’t matatamis na salita, kundi sa bukas na pagbibigay ng mga angkop na balita.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Umaasa sa pag-asa
N.B. – This was published in the July 2-8, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/07/umaasa-sa-pag-asa/.

Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba.

Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.

Kung noong 2004 ay kinailangang iproklama ng Kongreso si Gloria Macapagal-Arroyo bilang Pangulo habang ang sambayanan ay natutulog, ngayon ay naiproklama si Benigno Aquino III habang ang sambayanan ay nanonood. Kung noon ay pinagdudahan ang pagkapanalo ni Macapagal-Arroyo, ngayon ay hindi masyadong naririnig ang alegasyon ng pandaraya sa bahagi ni Aquino. Kung noon ay may kultura ng pagkaaba, ngayon ay nanunumbalik na raw ang kultura ng pag-asa.

Kahit na imposibleng malaman kung ano ang aktuwal na mangyayari sa hinaharap, umaasa ang maraming magiging kabaligtaran ng dating administrasyon ang kasalukuyan. Ipinangako ni Aquino sa panahon ng kampanya na hindi raw siya mangungurakot. Inaasahang magiging malinis ang pamamahala niya dahil pangunahing pamantayan daw ni Aquino ang integridad ng mga pinili niyang opisyal ng kasalukuyang pamahalaan.

Walang bahid ng kontrobersiya. Masasabing ito ang naging susi sa pagkapanalo ni Aquino noong halalan. Kahit kakaunti lamang ang kanyang mga inihaing panukalang batas noong siya’y miyembro ng Kamara de Representante at Senado, sapat na para sa maraming botante ang katotohanang hindi siya nasangkot sa anumang iskandalo noong siya’y nasa Kongreso.

At lalong katanggap-tanggap ang kanyang argumentong nagmula siya sa pamilyang marangal kaya hinding-hindi niya dudumihan ang diumanong malinis na pangalan ng kanyang magulang. Sadyang malaking salik ang pagkakaroon ng magulang na parehong tinaguriang martir. Kahit noong panahon ng kampanya, halatang-halata ang paulit-ulit na paalala sa lahat na si Noynoy ay anak nina Ninoy at Cory.

Minsan nga’y iisipin mo kung sino ba talaga ang ibinoto noong Mayo 10: Si Noynoy ba o ang kanyang inang si Cory na nagkataong namatay sa kanser noong Agosto 1, 2009, o mga anim na buwan bago ang simula ng kampanya.

Ang dating tahimik na senador, bigla na lang naging sentro ng atensiyon. Dahil sa pagkamatay sa tinaguriang ina ng demokrasya, nakahanap ng dahilan ang noo’y mahinang pulitikal na partido ni Aquino, ang Liberal Party (LP), para maging seryosong katunggali ng administrasyong Macapagal-Arroyo. Dahil ang atensiyon ay napunta kay Aquino, nagkaroon ng mapanlikhang paraan ang LP para palabasing nagbigay-daan si Mar Roxas para sundin ang panawagan diumano ng sambayanang si Aquino ay tumakbo bilang Pangulo.

Pero kung susuriin nang mabuti ang mga survey noong panahong iyon, malinaw ang ebidensiyang mahina si Roxas bilang kandidato para Pangulo kaya kinailangan ng LP na kumuha ng alternatibo. Mataas ang emosyon noon dahil sa pagkamatay ni Cory na hindi hamak na mas matinong Pangulo kumpara kay Gloria. Kung sabagay, kahit naman sinong nakaraang Pangulo’y nagmimistulang Santa’t Santo kung ikukumpara kay Macapagal-Arroyo.

Ito nga ang dahilan kung bakit pumangalawa si dating Pangulong Joseph Estrada kay Noynoy. Kahit na sabihing nahatulang may-sala siya sa kasong plunder, ang pagiging oposisyon niya’y nagtulak sa maraming botanteng suportahan siya. Para naman kay Manuel Villar na tumakbo ring Pangulo, ang kanyang makinarya’y hanggang ikatlong puwesto lang ang naibigay sa kanya dahil na rin sa akusasyong siya ang sikretong kandidato ni Macapagal-Arroyo.

Noong panahon ng kampanya, tila may iisang sigaw ang mga Pilipino: Mabuhay ang mga kaaway ni Gloria! Mamatay ang mga kampi sa kanya!

Sadyang naging halik ng kamatayan (kiss of death) ang anumang pag-eendorso ni Gloria, at ito ang magpapaliwanag kung bakit sinubukan ni Gilbert Teodoro, ang kandidato para Pangulo ng administrasyong Macapagal-Arroyo, na dumistansiya sa kanya.

Sa kontekstong ito, madaling maintindihan ang pinanggagalingan at katangian ng suporta kay Pangulong Noynoy Aquino. Ang matinding galit sa nakaraang Pangulo’y nagtulak sa tagumpay ng oposisyon, at ang malinis niyang pangala’y naging sapat para pagkatiwalaan siya.

Masasabing naging “mababaw” ang pamantayan ng pagpili noong nakaraang halalan dahil nanggaling tayo sa isang administrasyong walang pakundangan. Nais lang ng mga botanteng wakasan ang garapalang pamamalakad sa pamahalaan kaya ang ipinalit ay ang tinitingnang hindi mangungurakot.

Pero bukod sa kampanya kontra kurakot, may inaasahan bang radikal na pagbabago sa mga polisya’t programang nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng mahihirap?

Maaga pa para magkaroon ng komprehensibong pagsusuri sa mga patakaran ng administrasyong Aquino, pero mainam na maging mapagmatyag. Ang pagsasamantala’y hindi lang sa porma ng korupsyon kundi sa pagpapatupad ng mga patakarang pinapakinabangan lang ng iilan.

Bagong administrasyon, bagong pag-asa. May pagbabago kaya sa ilalim ng bagong Pangulo? Maaga pa para sumagot, pero panahon na para magsuri’t kumilos. Huwag lang sanang umasa nang umasa dahil kailangan pa rin ang mahigpit na pagkakaisa.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.