Tag Archives: buwan ng wika

“Hay, Naku! 2013” book to be launched August 26

N.B. – This is a press release for the launch of my fourth book of essays in Filipino on August 26 (Tuesday), 2:00 p.m. Please feel free to share. Thank you for your support.

“Hay, Naku! 2013” book to be launched August 26

hay naku cover (2014)As the country celebrates Buwan ng Wika, a teacher and journalist will launch his book of essays in Filipino on August 26 (Tuesday), 2:00 p.m. at the auditorium of the College of Mass Communication (CMC) Plaridel Hall, University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City.

Titled Hay, Naku! 2013: Pagsusuma ng Isang Peryodista, the book is authored by Danilo Araña Arao. It is a collection of essays he wrote for Pinoy Weekly in 2013. The articles are divided into 11 chapters on language, propaganda, media, history, elections, law, culture, politics, education, tragedy and mass action.

The book is published by Pinoy Media Center (PMC), also the publisher of Pinoy Weekly.

Prof. Jose Maria Sison, chair of the International League of People’s Struggle (ILPS), described Arao as having a national and progressive perspective. “Mainam na pinagsasama ni Propesor Arao ang paglalahad ng katotohanan at aktibismong patungo sa pundamental na pagbabago. Naging matibay na kasaysayan ang mga tinipon niyang lingguhang artikulo ng mapanuring pag-uulat.”

For his part, former UP CMC Dean Luis Teodoro said, “Ang akdang ito ay nagpapatunay na ang guro at akademiko ay kailangang bumaba sa toreng garing at makisalamuha sa larangan ng pakikibakang politikal tungo sa kaunlaran.”

Prof. Rogelio Ordoñez of the Kagawaran ng Filipinolohiya of the Polytechnic University of the Philippines (PUP) lauded the book for its social relevance. “Sa kabuuan, isang testamento ng makauri, makabayan at progresibong peryodismo ang aklat na ito na marapat lamang na panuntunan ng mga nagmamahal sa katotohanan at sagradong kalayaan.”

Arao, a columnist for Pinoy Weekly, is an assistant professor of journalism at the UP CMC where he concurrently serves as associate dean.

Hay, Naku! 2013 is his fourth book of essays in Filipino. His three other books are Kon(tra)teksto (DLSU Publishing House), Hay, Buhay! (UP Press) and Saysay ng Pagkakaugnay-ugnay (UST Publishing House), all published in 2012.

The book will have a launch price of P175. After the launch, the book will be sold at P250. For advance orders, please contact PMC at [email protected].

The author’s royalties from the sale of the book will be used to help in the recovery of Lordei Hina, a UP student who was a stabbing victim on campus in February 2012.

(Filipino version of press release)
Librong “Hay, Naku! 2013” ilulunsad sa Agosto 26

Sa okasyon ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, ilulunsad ng isang guro at peryodista ang kanyang libro ng mga sanaysay na nakasulat sa wikang Filipino sa Agosto 26 (Martes), 2:00 ng hapon sa auditorium ng College of Mass Communication (CMC) Plaridel Hall sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman, LUngsod Quezon.

Ang libro na may titulong Hay, Naku! 2013: Pagsusuma ng Isang Peryodista ay sinulat ni Danilo Araña Arao. Ito ay koleksiyon ng mga sanaysay na sinulat niya para sa publikasyong Pinoy Weekly noong 2013. Ang mga artikulo ay nakapaloob sa 11 kabanata tungkol sa wika, propaganda, midya, kasaysayan, eleksiyon, batas, kultura, politika, edukasyon, trahedya at sama-samang pagkilos.

Ang libro ay inilimbag ng Pinoy Media Center (PMC) na naglilimbag din sa publikasyong Pinoy Weekly.

Ayon kay Prop. Jose Maria Sison, tagapangulo ng International League of People’s Struggle (ILPS), si Arao ay may makabayan at progresibong pananaw. “Mainam na pinagsasama ni Propesor Arao ang paglalahad ng katotohanan at aktibismong patungo sa pundamental na pagbabago. Naging matibay na kasaysayan ang mga tinipon niyang lingguhang artikulo ng mapanuring pag-uulat.”

Sinabi naman ni Prop. Luis Teodoro, dating dekano ng UP CMC, na “Ang akdang ito ay nagpapatunay na ang guro at akademiko ay kailangang bumaba sa toreng garing at makisalamuha sa larangan ng pakikibakang politikal tungo sa kaunlaran.”

Pinuri naman ni Prop. Rogelio Ordoñez ng Kagawaran ng Filipinolohiya, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang pagiging makabuluhan ng libro. “Sa kabuuan, isang testamento ng makauri, makabayan at progresibong peryodismo ang aklat na ito na marapat lamang na panuntunan ng mga nagmamahal sa katotohanan at sagradong kalayaan.”

Si Arao na kolumnista ng Pinoy Weekly ay katuwang na propesor ng peryodismo (assistant professor of journalism) sa UP CMC kung saan siya ay nagtatrabaho rin bilang kawaksing dekano (associate dean).

Ang Hay, Naku! 2013 ay ang kanyang ika-apat na libro ng sanaysay na nakasulat sa wikang Filipino. Ang tatlo pa niyang libro ay ang Kon(tra)teksto (DLSU Publishing House), Hay, Buhay! (UP Press) and Saysay ng Pagkakaugnay-ugnay (UST Publishing House). Inilimbag ang tatlong ito noong 2012.

Ang libro ay magkakaroon ng launch price na P175. Pagkatapos ng launch, ang libro ay ibebenta sa halagang P250. Para sa advance orders, kontakin ang PMC sa [email protected].

Ang author’s royalties para sa pagbebenta ng libro ay mapupunta sa pagpapagamot ni Lordei Hina, isang estudyante ng UP Diliman na naging biktima ng pananaksak sa loob ng kampus noong Pebrero 2012.

20140802-082411-30251269.jpg