Print this post | Email this post
September 25, 2007 - 10:51 am - Posted in Announcements, Media, Tech Tack Talk

Statistics show that Filipinos have more access to mobile phones than the Internet. If you’re a webmaster or blogger, it is absolutely necessary to use the mobile phone as a platform to disseminate content.

You can say that this is a delayed move on my part, but I would like to announce that you may now read Rising Sun through your mobile phone. It’s so easy to do: Just open your mobile phone’s browser and go to either http://risingsun.dannyarao.com or http://m.dannyarao.com.

I am currently using the free service of FeedM8.com to make my blog more accessible to mobile phone users. Of course, signing up with FeedM8.com is just one step to increasing this blog’s reach, and I really need your help to spread the word around.

If you’re a blogger and you want to make your blog accessible to mobile phone users, I think you should give FeedM8.com a try. It’s free anyway, so what harm can it do? Thank you for your attention.

Print this post | Email this post

N.B. - Updates (Sept. 26, 2:08 p.m. and Oct. 1, 12:45 p.m.): This was published in Vol. 6, No. 37 (September 26-October 2, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-37/op_ed/ed-6_37_3.htm. My wife Joy was touched by this, hence this advance posting. Hope you will feel the same way. Thanks for reading!

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineHindi ko na po kayo masyadong nakikita dahil may sarili na akong pamilya, bukod pa sa malayo na ang bahay namin sa tinitirhan po ninyo. Pero tandang tanda ko pa ang mga itinuro n’yo sa akin.

Noon pa man, sinabi n’yo na pong magiging maganda ang buhay ko basta’t mag-aral nang mabuti at gumawa ng kabutihan sa kapwa. Walang masama sa paglalaro o paglilibang hangga’t hindi ko nakakalimutan ang mga responsibilidad ko sa bahay at eskuwelahan.

Sa tulong ninyo, natuto po akong magbasa sa murang edad at nabuksan ang aking interes sa mga libro at iba pang babasahin. Dahil naging hilig ko sa partikular ang pagbabasa ng mga tula, hinikayat po ninyo akong sumali sa mga declamation contest sa wikang Ingles at Filipino. Kahit hirap na hirap akong kabisaduhin ang mahahabang tula, buong pasensiya po ninyo akong tinuruan sa pagmememorya, paglalapat ng tamang aksyon sa aking pagbigkas at pagbibigay-diin sa mga salita para maiparamdam ang emosyon ng mensaheng inilalahad.

Dahil po sa inyo, maraming beses po akong nanalo sa mga patimpalak at lalo akong nahikayat na pagbutihin ang aking pag-aaral para makakuha rin ng mga medalya sa iba’t ibang larangan. Sa mga pagkakataong natalo ako, parati po ninyo akong sinabihang huwag masyadong malungkot at, higit sa lahat, huwag sumuko. Sabi po ninyo noon, marami pa pong pagkakataon para patunayan ko ang mga kaya kong gawin.

Dahil iniidolo ko po kayo, lahat po ng mga payo n’yo ay sinunod ko. Tandang tanda ko pa ang mga ngiti sa inyong labi tuwing may magandang balita akong inihahatid sa inyo. Alam ko pong ang inyong mga ngiti ay indikasyon ng tuwa at pagmamalaki.

Sa pagtuntong ko sa hayskul, nag-iba ang aking perspektiba dahil na rin sa pagkamulat ko sa mga nangyayari sa lipunan.

Bagama’t sinunod ko pa rin ang payo ninyong mag-aral ako nang mabuti, hindi na limitado ang aking pag-aaral sa apat na sulok ng klasrum. Naging kaakibat ng pagbabasa ang pagmamasid para mas maintindihan ko ang mga pangyayari.

Kahit nasa isip ko pa rin ang paggawa ng kabutihan, unti-unti ko nang nakita ang pangangailangang bigyang prayoridad ang mga pinagkaitan sa halip na iilang nakakaluwag sa buhay.

Mapapansin n’yo rin po sigurong sa panahong ito, nagkaroon na ng distansiya sa ating dalawa. Ang dating batang makulit, malambing at magiliw na nakilala n’yo noon ay naging isa nang binatilyong tahimik, impersonal at seryoso. Oo, alam po ninyong marami pa rin akong gustong gawin sa buhay, pero ang personal ay nagkaroon na ng pulitikal na dimensiyon. Naging abala ako hindi lang sa pagpapabuti ng aking pang-akademikong katayuan (academic standing) kundi sa pagpapatakbo ng konseho ng mga estudyante (student council).

Hindi n’yo man intensiyong magkaroon ako ng progresibong pag-iisip, ganoon na rin po ang nangyari dahil sa pagsasapraktika ko ng mga itinuro ninyo. Nasa mata po ninyo ang pag-aalala nang magpaalam po ako para sumali sa isang malawakang kilos-protesta na nagpatalsik sa diktadura noong makasaysayang buwan ng Pebrero 1986. Pero hinayaan po ninyo ako at sinabihan lang na mag-ingat.

Wala man ang tahasang pag-amin na nasa tamang direksiyon ang aking disposisyon sa buhay, hindi po ninyo tinutulan ang mga pagsusuri’t plano ko kaugnay ng nangyayari sa ating bayan. Kahit hindi n’yo po sabihin, alam kong nakikita n’yo ang pangangailangang kumilos para sa pagbabago. At kahit bihirang bihira na po tayong magkita, namumutawi pa rin ang ngiti sa inyong labi tuwing naaalala n’yo po ako at ang aking kasalukuyang pagkatao.

Malaking kontradiksiyon para sa nakararami ang sitwasyong ang aking pinakamahusay na guro ay hindi man lang nakapagtapos ng hayskul at ang buong buhay ay ibinuhos sa pagpapalaki ng mga anak. Kaya po sa okasyon ng inyong ika-66 na kaarawan ngayong Setyembre 26 (Miyerkules), nais ko po sana kayong bigyang pugay sa inyong husay at dedikasyon.

Hindi lang bilang pinakamahusay na guro, kundi bilang ulirang ina!

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post

You may have noticed by now that my most recent column article at Pinoy Weekly includes an announcement of my birthday tomorrow (September 21).

I’m not ashamed to admit that I’ll be 39 tomorrow (or in less than six hours as I write this). Just for the record, I don’t have any plans yet and, as of this writing, my wife Joy cannot afford to be absent from work. Very much like me, she has a lot of things to do. 

Y Speak logo (retrieved from Studio 23 website)And as regards my “things to do,” this month is quite busy for me. Quoting from the poet Elizabeth Browning, “let me count the ways”:

  • September 1 (Saturday): Joy and I attended the Tribute to Teachers 2007 where Dean Luis Teodoro was one of the four honorees. If you may recall, I wrote about the story behind his receiving this prestigious award. I think I owe my friends at IBON Foundation an apology for not making it to the second launch of our book.
  • September 3 (Monday): I had a taping at the Miriam College for a soon-to-be-aired episode of Y Speak (Studio 23) on cyber-ethics, blogging and online journalism. This episode is hosted by JC Cuadrado and Patricia Evangelista. Aside from me, the panelists are Mori Rodriguez (Studio 23 supervising producer), Atty. John Paul Giba (ACCRA Law Offices senior associate), Dr. Noel Mcrae (Miriam College communication arts professor), Therese San Diego (Miriam College student leader) and Bianca Dominique Tan (Miriam College student and blogger).
  • September 7 (Friday): The August 2007 (New Media) issue of Plaridel: A Journal of Philippine Communication, Media, and Society was successfully launched. As you know, I help edit and supervise the production of our College’s refereed journal as director of the Office of Research and Publication (ORP). Feel free to read the press release about this event.
  • September 10 (Monday): I did board work for Usapang Media, the weekly radio program of the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) aired over DWAD. Our topic was the state of campus journalism.
  • September 12-14 (Wednesday-Friday): I traveled for two-and-a-half hours from Kamias to Batangas City and made it just in time to catch the 10-hour boat ride to Odiongan, Romblon. From Odiongan, I went to the Looc National High School (LNHS) in Looc, Romblon, the venue of the 2007 Regional Training of School Paper Advisers and Campus Journalists organized by the Department of Education (DepEd)-MIMAROPA. I gave a lecture on copy reading, headline writing, news writing and sports writing to 228 campus journalists and faculty advisers. Yes, the travel from Manila to Looc and back was very tiring but the experience was undeniably fulfilling.
  • September 22 (Saturday): The day after my birthday, I am scheduled to give the welcome remarks for a journalism workshop at the Jose Rizal Elementary School in Pasay City. This activity is organized by the Union of Journalists of the Philippines-UP where I serve as faculty adviser.
  • September 27 (Thursday): Given that I decided to do one-on-one consultations with all of my J 199 (Research in Journalism) students in the afternoon of this day, I accepted the invitation of The Torch, official publication of the Philippine Normal University (PNU), to give a seminar on editorial writing at the annual journalism training it conducts for various public and private high school campus journalists.
  • September 30 (Sunday): I will travel to the southern part of Metro Manila to speak on column writing at the regional congress of the College Editors Guild of the Philippines-Southern Tagalog (CEGP-ST). For security reasons, I apologize if I cannot publicly disclose the venue.

Lest I forget, you should know that on top of all these activities, I handle three courses this semester, do administrative work as ORP director, write a weekly column for Pinoy Weekly and occasionally help edit the issue of Bulatlat Online Magazine.

So don’t be surprised if you won’t see me on my birthday. I think I’ll just stay home and sleep the whole day. Isn’t that a good idea?

Print this post | Email this post

N.B. - This was published in Vol. 6, No. 36 (September 19-25, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-36/op_ed/ed-6_36_3.htm.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineEksaktong ika-apat na kaarawan ko nang mapailalim ang Pilipinas sa batas militar noong Setyembre 21, 1972.

Hindi ko alam kung matatawa ka sa ikukuwento ko, pero akala ko noo’y tao si “Martial Law.” Kasalanan ito ng matatandang pinakikinggan ko ang kuwento noon tungkol sa isang taong maraming baril na kailangang pagtaguan dahil baka patayin ka nang walang dahilan.

Madalas akong magpalipas ng oras noon sa isang tindahang malapit sa aming bahay sa Caloocan City para kumain ng paborito kong chicharon o magbasa ng mga komiks na pinapaarkila. Naalala kong sumigaw minsan ang matandang katabi ko, “Umuwi ka na, ayan na si Martial Law!” Mabilis akong tumakbo noon at sa aking pagmamadali’y nalaglag ang chicharong kinakain ko.

Madali akong maniwala noon kahit sa mga kuwento-kuwento lang. Trinato kong multo si “Martial Law” na dapat kong takbuhan oras na makita ko. Kahit ang mga pulis na nakikita ko sa mga kalye, iniiwasan ko noon dahil sa mga baril na hawak nila. Madalas kasi naming pag-usapang mga kalaro ang tsismis tungkol sa mga taong mahahaba ang buhok at nakikipagbatuhan sa mga pulis. Nagbibiruan pa nga kaming ang mga nawawala pagkagat ng dilim ay dalawa lang ang kahahantungan: Ang pagbubunot ng damo o ang paglutang ng bangkay sa estero kinaumagahan. At dahil ang aming mga biruan ay may halong takutan, maaga kaming umuuwi noon sa bahay para maiwasan ang parusa mula kay “Martial Law.”

At dahil ang mga balita noon sa diyaryo, radyo at telebisyon ay pawang nagpapakita ng kaunlaran ng bayan, minsa’y hindi ko na malaman kung kanino ako maniniwala. Pero hindi ko naman masyadong binigyan ng atensiyon ang kontradiksiyong ito dahil mas abala ako noon sa pag-aaral, pagbibisikleta at panonood ng mga paborito kong cartoon sa telebisyon. Mahilig din ako noon sa mga video game machine na hinuhulugan ng piso para makapaglaro. Siyempre pa, hindi dapat kalimutan ang chicharon at komiks!

Tuwing flag ceremony sa aming eskuwelahan, sabay-sabay naming binibigkas ang “Panatang Makabayan” at kinakanta ang “Bagong Lipunan.” Dahil hindi ako kritikal sa aking mga sinasambit, mas napaniwala ako noon sa kagandahan ng tinatawag na bagong lipunan. Sa pag-akyat ko sa Grade IV, nalaman kong hindi naman pala isang tao kundi isang pangyayari ang “Martial Law” na hindi dapat katakutan kundi pasalamatan, ayon sa ilang titser ko.

Naalala kong pilit akong inihahalintulad kay Pangulong Ferdinand Marcos ng ilang kaklase’t titser ko sa mga pagkakataong nakapagdala ako ng karangalan sa aming eskuwelahan. Matalino raw kasi si Marcos at kung pagbubutihin ko ang pag-aaral ko, baka raw matulad ako sa kanya.

Grade V ako nang mawala ang batas militar noong Enero 17, 1981 pero tulad ng inaasahan, wala akong pakialam sa pangyayaring ito. Sa katunayan, mas natatandaan ko pa ang pagbisita ni Pope John Paul II noong panahong iyon. Dahil nag-aaral ako noon sa isang Katolikong eskuwelahan, kasama akong nakisaya noon sa pagdating ng Santo Papa at taimtim na nagdasal para gumanda ang kalagayan ng Pilipinas.

Nasa ikalawang taon na ako sa hayskul nang nagulantang kami sa bahay ng balitang binaril si dating Senador Benigno Aquino noong Agosto 21, 1983. Ang mga pagdududang nararamdaman ko kahit noong nasa elementarya pa ako ay lalong lumaki, at ang pangyayaring ito ang nagtulak sa akin para hanapin ang katotohanan.

Nakatulong nang malaki ang ilang titser kong pinabasa sa amin ang mga tinaguriang mosquito press tulad ng Veritas at Mr. & Ms. Mula sa mga ito ay nalaman kong ang midya pala ay may iba’t ibang tradisyon sa Pilipinas, at ang katotohanan ay hindi puwedeng makuha kung makikinig sa isang panig lang. Hindi ko na siguro kailangang banggitin kung ano ang ginawa ko nang magdeklara si Marcos ng snap election noong 1985 at nang pumutok ang tinaguriang EDSA Revolution noong 1986.

Sa mga panahong ito, mahalagang balikan ang konteksto ng ating pampulitikang pagkamulat para suriin kung may pag-unlad ba sa ating perspektiba at disposisyon sa buhay. Wala namang masama kung hanggang ngayon ay wala ka pa ring pakialam… kung ikaw ay isa pang musmos.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post

N.B. - This was published in Vol. 6, No. 35 (September 12-18, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-35/op_ed/ed-6_35_3.htm.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineMistulang telenovela ang kuwento ng national broadband network (NBN) na may maganda sanang layuning maging konektado ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa buong bansa sa pamamagitan ng common electronic backbone.

Matapos magpirmahan ng kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ZTE Corporation, isang kompanya sa Tsina, noong Abril 21 – sa kainitan ng elektoral na kampanya na kung saan ipinagbabawal ito – bigla na lang diumano nawala ang opisyal na kopya ng pamahalaan. Paano kaya nangyari ito samantalang ang seremonya ay sinaksihan pa mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Boao, Tsina?

Salamat sa masusing imbestigasyon ng midya, lumalabas na walang nakalagay na teknikal na detalye sa kontrata pero may nakatakda nang presyong $329 milyon na napakataas kumpara sa mas mababang alok ng mga kompanyang Amsterdam Holdings ($242 milyon) at Arescom ($135 milyon).

May ilang opisyal ng gobyernong diumanong nakatanggap ng komisyon dahil inilakad nilang maibigay ang kontrata sa ZTE. Ang isa sa kanila ay libre pang nakabiyahe sa Tsina para maglaro ng golf at binigyan pa diumano ng mga babae habang naroon. Kamakailan lang, sinabi ng isang kinatawan ng Amsterdam Holdings na sinubukan siyang suhulan ng $10 milyon noon ng isang opisyal ng gobyerno para iurong ang alok ng kompanya niya sa pamahalaan.

Hindi pa natin alam ang batayan ng $329 milyong takdang ibayad sa ZTE dahil sa kawalan ng teknikal na detalye. Bilang isang techie, interesado akong malaman kung magkano ang gagastusin para sa hardware at software development. Sa Tsina pa rin ba manggagaling ang hardware requirements ng proyekto, kahit na alam nating hindi lahat ng mga produktong gawa sa bansang ito ay may magandang kalidad? Gagamit ba ang NBN, halimbawa, ng proprietary software na kung saan kailangan pang magbayad para sa rehistrasyon nito? Ang NBN ba ay magiging instrumento ng pagsusulong ng paggamit ng open-source o free software tulad ng Linux OS sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan?

Kahit na sabihing ang ZTE ay ikatlo sa pinakamalaking kompanya ng telekomunikasyon sa Tsina, duda pa rin ako sa kakayahang maibigay ang koneksiyong broadband sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa epektibong komunikasyon. Hindi lang naman kasi simpleng pagbibigay ng hardware at software sa lahat ng opisina ang kailangan. Ang pagsasanay sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno ay kinakailangan din para epektibong magamit ang teknolohiya sa pagsisilbi sa mamamayan. Sa aking palagay, higit na nararapat ang paggastos sa mga tao kaysa mga kagamitang kinakailangan, na kung proprietary pa ang mga ito ay kailangan pang magbayad para sa rehistrasyon at, sa kaso ng Windows OS at iba pang Windows-based software programs, kailangan pang i-upgrade makalipas ang ilang taon. Siyempre pa, panibagong gastos na naman ito para sa pamahalaan.

Ang isa pang anggulong dapat tingnan sa proyektong NBN ay kung paano magkakaroon ng oportunidad ang mga mamamayang gamitin ang bagong midya para makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan. Hindi ba’t ito ay dapat bigyan ng kaukulang atensiyon?

Ang teknolohiyang gagamitin ay hindi naman kinakailangang proprietary at state of the art, na bukod sa napakamahal ay higit na magastos pa ang maintenance at upgrading. Maraming alternatibo ngayon sa usapin ng software, at may mga libreng Linux-based software program na nakitang higit na mas mahusay pa sa mga mas popular na proprietary software tulad ng mga ibinibenta ng Microsoft.

Sa ganitong konteksto natin dapat suriin ang tila pagkawala sa eksena ng Department of Science and Technology (DOST) sa proyektong NBN. Matagal nang isinusulong ng DOST ang pagkakaroon ng inter-connectivity ng mga ahensiya ng pamahalaan, at sa katunaya’y may plano na ang DOST para dito. Dahil hindi pinansin ang paghingi nito ng mas mataas na badyet para sa networking, naging limitado ang koneksiyong naibigay nito. Nakapagtatakang hindi man lang nakonsulta ang DOST sa kontratang pinirmahan sa pagitan ng pamahalaan at ZTE, samantalang ang dapat na nakakaalam sa proyektong NBN ay ang kagawarang ito.

Kailangan ko ring banggitin sa puntong ito na ang DOST ay matagal nang itinataguyod ang paggamit ng Linux OS bilang alternatibo sa Windows OS. Sa katunayan, binuo nito ang Bayanihan Linux na isang bersiyon ng Pilipinas ng open-source operating system. Pero dahil sa kawalan ng epektibong pagpapalaganap ng impormasyon, kakaunti pa rin ang mga ahensiyang gumagamit ng Linux.

Sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa proyektong NBN, hindi masisisi ang mga mamamayan kung iisipin nilang isa na naman itong kaso ng korupsiyon sa pamahalaan. Pero dapat nating isiping kinakailangan pa rin ng isang mekanismo para maging konektado ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan. At sa pagpapatupad nito, kailangang isaisip ang paggamit ng angkop na teknolohiya para mas maging kapaki-pakinabang ito sa mamamayan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post

Oblation (retrieved from the UPD website)

UP logoI found out today (September 11) that my interview on blogging and academic publishing has already been published in Volume 8, Number 4 (July-August 2007) of the UP Forum, a publication of the University of the Philippines (UP).

The article on pages 12 and 13 where my interview serves as primary source of information is titled “HYPERTEXT: Is cyberspace the next frontier for academic publishing?” written by Alicor Panao. He interviewed me exactly two months ago (i.e., July 11) and I almost forgot about it until I visited the UP website and read the online verson. (The only difference between the print and online version is that the former has a picture of me in my usual unsmiling self.)

The UP Forum article has an analysis of the principles and standards of online publishing  in general and blogging in particular. If you’re a blogger and you’re interested in web standards and accessibility issues, I hope you’ll find time to read this article. Thank you for your attention.

Print this post | Email this post

N.B. - This is a media advisory from the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) dated today (September 7) regarding a radio program I co-host.

This Monday, September 10, segment host Danilo Arao, a journalism professor of the University of the Philippines, member of the board of editors of Bulatlat, and columnist of Pinoy Weekly, will discuss the state of the campus press in the Philippines with guest Jose Cosido, president of the College Editors Guild of the Philippines.

The topics to be discussed are the upcoming journalism skills training by the Department of Education, Republic Act 7079 or the Campus Journalism Act of 1991, the harassment experienced by student journalists and the issue of campus journalists as legitimate members of the press.

“Usapang Media” is a regular segment in Ricky Lee’s daily program “Ano Ba’ng Atin Kabayan” which airs over dwAD 1098 khz from 3:30 to 4:00 p.m. every Monday.

Print this post | Email this post

N.B. - This was published in Vol. 6, No. 34 (September 5-11, 2007) of Pinoy Weekly (pp. 5-6), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-34/op_ed/ed-6_34_3.htm. Henceforth, the full text of my column articles will be posted in this blog as I’ve noticed some delay in the updating of Pinoy Weekly’s website. Besides, my topic for this issue might be interesting to the Filipino blogging community, and I can’t wait for my friends at Pinoy Weekly to update their website so that I can finally hyperlink this article.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineNoong nakaraang linggo, akala ko’y nagbitiw ka na bilang kolumnista ng Manila Standard Today, kaya laging gulat ko nang mabasa ko ang kolum mong “Divalicious” ngayong Lunes tungkol sa tamang pagbili at paglagay ng make-up. (“Unseen evil on your dressing table,” Setyembre 3, p. C1; sa mga hindi nakakuha ng isyung ito, maaaring bisitahin ang URL na http://www.manilastandardtoday.com/?page=goodLife2_sept3_2007.)

Kumpara sa mga dati mong isinulat na ikinagalit ng mga nilait mo –partikular ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai – mas malumanay na ang iyong estilo at parang nawala na ang aroganteng tono. Sa katunayan, masasabi ngang medyo sensitibo ka na sa mahihirap nang sinulat mong “”Don’t be afraid to try out cheap drugstore brands. You may find some things that you actually like. And for those of you on a budget don’t feel bad if you’re buying a cheaper brand than the one you really want. They just differ in packaging anyway, it’s all the same.


Boycott Manila Standard Today
Dahil sa mga atake sa iyo ng iba’t ibang indibidwal at grupo, malamang na mas marami nang babasa sa kolum mo, hindi para may bagong mapagkunan ng impormasyon kundi para bantayan kung mayroon ka na namang kamalian sa pagsusulat. (Nangangahulugan ba ito ng mas mataas na sirkulasyon para sa Manila Standard Today o mas maraming pagbisita sa website nito?)

Totoo, mahirap talagang maging mamamahayag at lalong mas mahirap maging kolumnista. Parati kasing may hindi sasang-ayon sa mga opinyong ilalahad mo. Kailangan mo tuloy ihanda ang iyong sarili para sagutin – kung sa tingin mo’y kinakailangan – ang mga batikos sa iyo.

Alam nating ang hindi pagsang-ayon ng iilan ay dumarating sa puntong permanente na tayong pinatatahimik. Pero hindi ka dapat mag-alala sa iyong buhay, dahil duda naman akong seseryosohin ng mga nagsulat ng ilang blog post na lilitsunin ka nang buhay o itutulak ka palabas sa lumilipad na eroplano sa susunod na makasakay ka nila. Ipinapakita lang ng mga pananalitang ito ang kanilang sagad-saring pagkainis sa pagiging iresponsable mo bilang manunulat.

Sa isang lipunang malaya – o kahit nagkukunwaring malaya – totoo namang ang lahat ay may karapatang maglahad ng opinyon. Pero sa konteksto ng pamamahayag, ang kalayaang ibinigay sa atin ay may kaakibat na responsibilidad sa ating mambabasa. Para sa mga kolumnistang tulad natin, walang lugar ang tinatawag na logical fallacies tulad ng argumentum ad hominem, hasty generalization at sweeping conclusion na nakita sa ilang artikulo mo. Sa puntong ito, alam mong ang mga kamaliang ito ay naging ugat ng panawagang patalsikin ka sa mga publikasyong pinagsusulatan mo.

Kasama sa ating responsibilidad ang pagharap sa kamalian. Kung ikaw talaga ang nagsulat ng isang bukas na liham na nakita sa isang website na hosted ng Geocities (http://www.geocities.com/fernandez_malu), mainam namang ginawa mo ito. Pero hindi ba’t mas nararapat na gagamitin mo ang iyong kolum para magpaliwanag sa iyong mambabasa? Bakit ka ba nagsulat ng isang personal na sanaysay na hindi maituturing na magandang halimbawa ng responsableng pamamahayag? Kung magiging bukas ka lang sa iyong saloobin, baka maintindihan pa kung bakit dapat kang bigyan ng ikalawang pagkakataon sa puntong ito para mas maging responsable sa pagsusulat mo.

Sa aking palagay, gusto mong tratuhing parang walang nangyari sa kontrobersiyang ginawa mo na nabalita pa sa midya nitong mga nakaraang araw. Sa iyong pagsusulat tungkol sa make-up, parang tapos na ang isyung kinaharap mo at panahon na para harapin ang iba pang gawain.

Pero siyempre, may responsibilidad pa rin ang mga may-ari at patnugot ng Manila Standard Today dahil hanggang ngayon ay hinahayaan ka pa ring magsulat kahit nga napabalitang nagbitiw ka na. Tulad mo, dapat nilang ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit nariyan ka pa rin. Hindi simpleng internal na usapan lang ito sa pagitan mo at ng mga may-ari at patnugot. Alam naman nating ang mga organisasyong pang-midya ay may responsibilidad sa mga tumatangkilik sa kanila.

Kung walang magiging opisyal na paliwanag mula sa iyo o sa mga may-ari at patnugot ng diyaryong ito, malamang na iisipin ng karamihang ang adyenda lang ninyo ay pataasin ang sirkulasyon ng publikasyon sa mga susunod na araw. Sa madaling salita, gustong gamitin ng mga may-ari at patnugot ang “kasikatan” mo ngayon para tumaas ang kanilang kita.

Nagpahinga ka lang pala, pero ngayon ay nagbabalik ka na. Asahan mong hindi magpapahinga ang mga taong patuloy pa ring nagagalit sa mga sinulat mo. Hindi mo sila masisisi kung patuloy ang kanilang panawagan para mapaalis ka sa kabila ng iyong tila pagbabago ng estilo at pagkawala ng iyong aroganteng tono.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post
September 5, 2007 - 7:27 pm - Posted in Announcements

N.B. - This is an advance copy of a press release dated September 6 regarding the launch of the refereed journal I supervise as director of the UP CMC Office of Research and Publication (ORP).

Plaridel journal logo

UP logoThe University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) will launch the eighth issue of Plaridel: A Journal of Philippine Communciation, Media, and Society on September 7 (Friday), 3 p.m. at the CMC Auditorium.

Edited by Dr. Florinda D.F. Mateo and Dr. Fernando D. Paragas of the Department of Communication Research, the latest issue (August 2007) carries the theme “New Media.” The articles in this issue are “Call Centers and the Modern Individual” (Princess Diane H. Dagohoy); “So Close: Measuring Social Distance in Virtual Relationships” (Ritta Dianne G. Ramos and Dolorosa C. Pasia); “Connecting Indigenous Peoples: Mobile Phone Experiences of Three Indigenous Peoples Groups in the Philippines” (Lourdes M. Portus); “The Word to the World: An Analysis of the Websites of Five Philippine-based Catholic Communities” (Ma. Criselda G. Gatchalian-Badilla); and “A Critical Review of Philippine Copyright System vis-à-vis Access to Information and New Media Technology” (Christine S. Leones and Myra S. Lorredo).

These studies, according to the issue editors, “discuss how specific forms of new communication and media technologies related to how people identify themselves in reconfigured workplaces, define their personal distances in the virtual realm, link themselves to larger society, establish religious communities, and negotiate new conceptions of intellectual property.”

This issue also has Almond Pilar N. Aguila’s interview with Paolo Pineda of ABS-CBN’s Interactive, Violeda Umali’s compilation of 2004 theses and dissertation abstracts, and the lectures of UP Gawad Plaridel recipients Fidela M. Magpayo (2006) and Cecilia L. Lazaro (2007). Reviews of Raul Pertierra’s Transforming Technologies: Altered Selves – Mobile Phone and Internet Use in the Philippines (Sakari Taipale) and Andres G. Sevilla’s Mass Communication Ethics: A Primer (Fernando A. Austria, Jr.) are also included.

Copies of the latest and back issues of Plaridel are available at the Office of Research and Publication (ORP) of the UP CMC. For details, please call Prof. Danilo A. Arao, director of the ORP, at 920-6864 or email him at danilo.arao@up.edu.ph.

Print this post | Email this post

Congratulations to the winners of the Wika 2007 Blog Writing Contest. You may now view the final results at PinoyBlogoSphere.com.

Wika 2007 official logo (retrieved from the PBS website)The winners are the following:

Grand Prize
Tungo sa pagbabanyuhay by Ding Fuellos

Second Prize
Naykupu! by Ynon

Third Prize
Ang Obra by Feddie Marc S. Perez

Participants’ Choice Award
Pista ng Wikang Filipino/The Spectacle of the Filipino Language by Marocharim

Update (September 4, 4:08 pm):
Misteryosa Award
‘THE’ Filipino Language: WHAT THE HECK DOES THIS MEAN??? by Frances Paola G. Doplon
A Language We All Need to Learn by Ayel

Update (September 10, 10:32 am):
Consolation Prizes
Ang paradigm shift at ang mga erehe ng KWF by Willy Prilles, Jr.
Wika at Musika by Garry Victor Urbi

I agreed to serve as one of the judges, and I obviously had a hard time rating the 57 entries. Even if the winners were determined by online polling and judges’ scores which account for 50 percent each, I can safely say (without disclosing the scores I gave to the entries) that the first, second and third-prize winners, not to mention the Misteryosa awardees, Participants’ Choice awardees and one of the consolation prize winners, were in my top 20.

While there is cogent reason for some bloggers to initially worry that the competition may be reduced to a popularity contest through online polling, that hasn’t been the case. I think that’s the reason for getting judges like me. In the spirit of transparency, I should tell you that I did not look at the poll results while rating the 57 entries so that I can avoid being influenced, if at all, by the sentiments of the blogging community.

Given that online polling has a dangerous tendency to increase the scores of the undeserving but popular (which fortunately did not happen in this contest), my suggestion to the organizers is to include a Judges’ Choice Award in the future, in the same way that there is a Participants’ Choice Award. Wouldn’t that make the contest better next year, assuming that it will still be held?

Again, congratulations to the winners and those who participated in this contest. You have every reason to be proud of what you’ve written.

Nawa’y pagyamanin at paunlarin natin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng makabuluhang pagsusulat sa bagong midya. (May we all nurture and develop the Filipino language through relevant writing in the new media.)