Print this post | Email this post
October 30, 2007 - 6:58 pm - Posted in Announcements

UP logoA former student sent me an mp3 file of a rendition of UP Naming Mahal, the university hymn of the University of the Philippines (UP), by progressive artists Noel Cabangon (formerly of Buklod), Cooky Chua (former lead singer of Color It Read), Chikoy Pura (lead singer of The Jerks), Gary Granada and Bayang Barrios (formerly of Joey Ayala at Ang Bagong Lumad). The new version, apparently unofficial, has new lyrics, making the hymn even more socially relevant.

For those who don’t know the history of the UP hymn, the melody was composed by Nicanor Abelardo based on a poem in English by Teogenes Veles titled “U.P. Beloved.” The latter was translated into Filipino by Hilario Rubion and Tomas Aguirre.

You can download the mp3 file of the new version of UP Naming Mahal from Mukamo Philippines. If you want to hear the choral version of the original and official UP Naming Mahal performed by the UP Concert Chorus, you may also download the mp3 file from Nhick Ramiro Pacis’ website.

In any case, please find below the lyrics of UP Beloved and the original and new version of UP Naming Mahal.

U.P. Beloved
Teogenes Veles

U.P. beloved, thou Alma Mater dear
For thee united, our joyful voices hear
Far tho we wander, o’er island yonder
Loyal thy sons we’ll ever be
Loyal thy sons we’ll ever be.

Echo the watchword, the Red and Green forever.
Give out the password, to the Hall of Brave sons rare.
Sing forth the message, ring out with courage
All hail, thou hope of our dear land,
All hail, thou hope of our dear land.

U.P. Naming Mahal
Hilario Rubion and Tomas Aguirre

U.P. naming mahal, pamantasang hirang
Ang tinig namin, sana’y iyong dinggin
Malayong lupain, amin mang marating
Di rin magbabago ang damdamin
Di rin magbabago ang damdamin.

Luntian at pula, sagisag magpakailanman
Ating ipagdiwang, bulwagan ng dangal
Humayo’t itanghal, giting at tapang
Mabuhay ang pag-asa ng bayan
Mabuhay ang pag-asa ng bayan.

U.P. Naming Mahal
New Version

U.P. naming mahal
Pamantasan ng bayan
Tinig ng masa
Ang siyang lagi nang pakikinggan

Malayong lupain
Di kailangang marating
Dito maglilingkod sa bayan natin
Dito maglilingkod sa bayan natin

Silangang mapula
Sagisag magpakailanman
Ating ipaglaban
Laya ng diwa’t kaisipan

Humayo’t itanghal
Giting, tapang at dangal
Mabuhay ang lingkod ng taong bayan
Mabuhay ang lingkod ng taong bayan

Silangang mapula
Sagisag magpakailanman
Ating ipaglaban
Laya ng diwa’t kaisipan

Malayong lupain
Di kailangang marating
Dito maglilingkod sa bayan natin
Dito maglilingkod sa bayan natin

Print this post | Email this post

Yes, I’ve somehow managed to submit the final grades of my students in between speaking engagements and other tasks within and outside the university.

I’ve also been able to update the Links section to include the blogs of those who requested a link exchange and those who took the initiative to link this blog to theirs. Please try to read a new static page of this blog titled “Disclosure Policy” which is an edited version of what I got from disclosurepolicy.org.

That's me at the Bloggers' Kapihan 2.0 (Ramon Magsaysay Cubao High School, 13 Oct. 2007)

Anyway, the photo above was taken by Gibbs Cadiz last October 13 during the Bloggers’ Kapihan 2.0: Blog Ed 101 at Ramon Magsaysay Cubao High School.

Six days after (October 19), I gave a half-day seminar on copy reading, headline writing, editorial writing and feature writing to high school publication advisers at The Nazarene Catholic School in Manila upon the invitation of the Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) which celebrates its 50th anniversary this year. The activity had a very interesting theme: “MAPSA @ 50: Building Bridges through Campus Journalism.”

A few hours after my lecture, I then traveled by bus to Bicol to speak at the Lunduyan 2007 Journalism and Arts Festival. The bus left Manila at around 7 p.m. and I arrived in Naga City at around 4 a.m. the next day. Organized by the College Editors Guild of the Philippines (CEGP), this year’s Lunduyan was held at the Ateneo de Naga University. I actually gave two lectures there last October 20; the first being a plenary discussion on journalism ethics, immediately followed by a seminar on online publishing.

Much as I would have wanted to stay longer in Bicol, I had to leave on the same day to take care of other matters in Manila. Yes, I’ve treated the long travel from Manila to Bicol as if I’m just going from Manila to Quezon City. You ought to know that this is nothing new to me.

My wife Joy hails from Bicol, and there was a time in 2004 and 2005 when I would travel from Cubao to Tabaco City (Albay) almost every Saturday night (after our presswork at Bulatlat) so that we would be together the whole day Sunday; and then leave Sunday night to return to Manila so that I wouldn’t miss any of my classes or other obligations. Feel free to visit Danny & Joy: The Wedding Special for more details.

As regards my other activities, I am scheduled to do board work for Usapang Media on October 29 (Monday), so please tune in to DWAD (1098 khz AM station) from 3:30 p.m. to 4:00 p.m. if you have time. While we will be discussing media killings, we might also discuss the baranggay and Sangguniang Kabataan (SK) elections which will happen on that day.

Spell check: Yes, baranggay is spelled with two g’s, if you are referring to the basic unit of governance. The Iloko word barangay means boat (English) or bangka (Tagalog).

In any case, I am bracing for an even busier November, and I’m not just referring to the start of the second semester on November 9 where I will be teaching the following courses:

J 117 HUV (Online Journalism)
Thursdays, 10 a.m. - 1 p.m. (BNR)

J 122 HWX (Publication Design and Layout)
Thursdays, 1-4 p.m. (BNR)

J 109 FWX (Writing for Popular Audiences)
Fridays, 1-4 p.m. (M 211)

Before the start of classes within the first week of November, I will be going to Tagaytay to speak before community journalists at a workshop on journalism ethics. In the middle of November, I will go to Laguna to give a seminar-workshop on newsletter writing for the top-level management of a private company. It is also possible that I will give a three-day seminar-workshop on technical writing for selected government and private sector employees in Quezon City within the last week of the month. I am still in negotiation with another private company which holds office in Ortigas for me to conduct yet another writing workshop.

I’m sorry if I cannot give specific details of my schedule of speaking engagements in November for security reasons.

In any case, I hope you go to the voting precincts on October 29, if only to check if the ballots spell baranggay correctly. Thank you for reading!

Print this post | Email this post

UP logoIf you’re my student in Journalism 199 (Research in Journalism), you may now get your class cards and unclaimed papers from the department.

For students who incurred an INC in the previous two semesters, kindly submit your lacking requirements before the end of October. I will be very busy in the first week of November so I will not have time to compute your final grade should you delay the submission of your lacking requirements. Please also don’t forget to fill out and submit a completion form.

Thank you for your attention.

Print this post | Email this post
October 24, 2007 - 11:39 am - Posted in Killings, Konteksto (Pinoy Weekly column)

N.B. - This was published in Vol. 6, No. 41 (October 24-31, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-41/op_ed/ed-6_41_3.htm. By the way, Pinoy Weekly’s next issue will be on November 7.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineHabang sinusulat ito, hindi pa alam ang dahilan ng pagsabog noong Biyernes ng hapon sa Glorietta 2 sa lungsod ng Makati. Ang tanging alam lang natin ay umabot na sa 11 ang nasawi sa malagim na insidenteng ito.

Baka matagal pa, kung sakali man, bago natin malaman kung aksidente nga ba ang nangyari o may nagpasabog talaga sa isa sa mga sikat na mall sa bansa.

Dahil sa limitado pa nga ang ating datos, wala pang ebidensiyang may direktang kinalaman ang pamahalaan sa pagpapasabog sa Glorietta 2. Pero sa panahong sadlak sa napakaraming kontrobersiya ang pamahalaan, may malaking bentahe ang trahedyang ito dahil pansamantalang nakatuon ngayon ang atensiyon ng publiko hindi sa sanlaksang kontrobersiya sa Malakanyang kundi sa isang trahedya sa Makati.

Mula noong Sabado, pansamantalang nawala sa banner headline ng mga pahayagan ang balita tungkol sa diumanong panunuhol ng ilang lokal na opisyal sa Malakanyang at ang kontrobersiya hinggil sa proyektong National Broadband Network (NBN). Alam din nating ang impeachment ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay inihahanda na rin, at mukhang sa puntong ito ay hindi na niya maaasahan si House Speaker Jose de Venecia para muling protektahan siya.

Nagkataon man o hindi, ang trahedya sa Makati ay nagbigay ng pagkakataong makapaghanda ng mas epektibong estratehiya ang mga nasa kapangyarihan para mabawasan o tuluyang mawala ang negatibong epekto ng mga nabanggit na kontrobersiya.

Kahit ang nalalapit na eleksiyon sa baranggay at Sangguniang Kabataan (SK) ay tila hindi na napapansin. Ang tanging hiling ng mamamayan sa ngayon ay huwag sana maging magulo ang eleksiyon sa Oktubre 29 para hindi na dumami pa ang nasawi sa buwang ito dahil sa kaguluhan ng ating bansa.

Naiintindihan naman ang ganitong saloobin dahil ayaw nating makakita ng mga eksenang iniiyakan ng mga kamag-anak at kaibigan ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay. Ang anumang malakas na pagsabog sa isang mataong lugar tulad ng mall ay alam nating magreresulta sa ganitong sitwasyon matapos mawala ang usok at makita ang mga nadaganan ng mga gumuhong bakal at bato.

Pero napakarami pang dahilan kung bakit may nasasawi o bigla na lang nawawala. Kung susuriin ang napakaraming insidente ng paglabag sa karapatang pantao, malinaw na napakahaba na ng listahan ng mga pinatay at dinukot. Ayon sa napakaraming imbestigasyon ng mga lokal at internasyonal na grupo, may direktang kinalaman ang pamahalaan, partikular ang militar, sa mga insidenteng ito.

Hindi ito usapin ng 11 namatay sa Glorietta 2 kumpara sa halos 900 pinatay mula 2001 hanggang 2007. Hindi naman batayan ang mataas o mababang bilang ng mga nasawi sa mga partikular na insidente. Kahit ang iisang walang pakundangang pagpatay ay sapat na para singilin ng mamamayan ang mga responsable rito.

Sa puntong ito, hindi dapat ibaon sa limot ang trahedyang nangyari sa Glorietta 2. Pero nararapat lang na isakonteksto kung bakit patuloy ang hindi inaasahang pagkamatay ng mga tao sa paglipas ng panahon.

Nararapat lang talagang mabigyang hustisya ang mga walang pakundangang pagpatay at iba pang porma ng paglabag sa karapatang pantao sa napakarami nating kababayan, kahit na ang ating paniningil ay umabot sa mga nakaupo sa kapangyarihan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post

N.B. - This was published in Vol. 6, No. 40 (October 17-23, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-40/op_ed/ed-6_40_3.htm.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineIsa sa mga eksperimento ko sa paghawak ng iba’t ibang kurso sa pamamahayag ay ang pagtuturo ng Web authoring o paggawa ng website. Sinimulan ko ito noong 2000 at hanggang ngayon ay positibo pa rin ang pagtanggap ng mga estudyante ng pamamahayag sa Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Bukod sa dagdag na kaalamang naibabahagi sa kanila, pakiramdam nila’y mas naiintindihan nila ang susing teknolohiyang may kinalaman sa Internet. Sa kanilang paggawa at pagsusuri ng source code ng binubuong website, ang inisyal na intimidasyon ay napapalitan ng intensiyong ipagpatuloy ang kanilang proyekto kahit tapos na ang kurso.

Sa katunayan, marami sa mga dati kong estudyante ay kilala nang webmaster at blogger. May isa pa ngang naging co-author ng isang tutorial sa paggawa ng website. Para sa ibang lalo pang pinagyaman ang kanilang kaalaman, tuluyan na nilang pinasok ang larangan ng information technology (IT) habang patuloy pa rin ang kanilang pagsusulat.

Bagama’t may ilan sa kanilang ginamit ang kaalaman para magbahagi ng makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng Internet, masasabing hindi pa rin malawak ang naaabot nila dahil sa limitasyon ng bagong midya sa Pilipinas. At ito ay isang batayang problema ng paggawa ng isang website: Hindi dapat magkaroon ng ilusyong kayang abutin ang nakararaming Pilipinong napakalimitado ng access sa Internet.

Pero hindi naman ito nangangahulugang dapat nang kalimutan ang paggamit ng bagong midya at tumutok na lang sa tinaguriang lumang midya (print, radyo at telebisyon). Ang mga migranteng Pilipino, halimbawa, ay hindi hamak na mas may access sa Internet lalo na kung sila ay nasa mauunlad na bansa. Ang mga banyagang grupo at indibidwal na interesado sa nangyayari sa Pilipinas ay madalas na pinagkukunan din ng impormasyon ang Internet. At siyempre pa, hindi natin dapat maliitin ang maitutulong ng ilang kababayan natin sa Pilipinas na nakakaangat sa buhay.

Dapat tingnan ang bagong midya hindi bilang kapalit ng “luma” kundi isa pang larangan para sa pagbabahagi ng impormasyong makakahubog sa pampublikong opinyon. Ito ang dahilan kung bakit may mga grupo at indibidwal na pinagtitiyagaang pag-aralan ang mga teknolohiyang may kinalaman sa Internet para isulong ang kanilang adyenda sa cyberspace.

Batay sa aking karanasan sa pagtuturo ng Web authoring, napakadali lang matutuhan ito. Kapag alam mo na ang mga batayang prinsipyo, madali nang gumawa ng mga pahinang bubuo ng website. Kung gagamiting batayan ang estilo ko sa klasrum, sapat na ang anim na oras (o dalawang sesyon na may tatlong oras bawat isa) para pag-aralan ang Web authoring.

Hindi mo na kailangan pang kumuha ng pormal na kurso na kung saan gagastos ka pa nang malaki. Sa isang survey noong 2001, sinabi ng 82.3 porsiyento ng mga kinapanayam na Web developer na sila ay natuto sa pamamagitan lamang ng sariling pag-aaral. Katulad nila, sariling sikap din ang pag-aaral ko ng Web authoring, at ang unang librong binasa ko hinggil dito ay pinamagatang “Creating Web Pages for Dummies.”

Kung ang iyong intensiyon ay magbahagi ng makabuluhang impormasyon, mainam na gamitin ang iba’t ibang porma ng midya. Bagama’t may limitadong naaabot ang bagong midya sa Pilipinas, hindi masyadong malaki ang gastos dito kumpara sa paglilimbag ng publikasyong print o pagbabayad ng blocktime sa radyo at telebisyon. Gaya ng nabanggit, nakakaya rin ng bagong midyang abutin ang mga migranteng Pilipino at iba pang dayuhang grupo at indibidwal na interesadong malaman ang mga nangyayari sa Pilipinas.

Mainam na gamitin mo ang bagong midya, partikular ang Internet, para isulong ang iyong adyenda. Maniwala kang hindi mahirap ang gumawa ng isang website.

Tulad ng krisis na kinakaharap ng Pilipinas, sa una lang natin dapat maramdaman ang intimidasyon at kawalang pag-asa. Sa malalimang pagsusuri kasi ng mga pangyayari, makikita natin ang kabuuang larawan at malalaman natin kung ano ang ating dapat gawin.

Sa konteksto ng website, dapat nating isiping gagawa tayo nito hindi lang dahil sa alam natin kung paano kundi dahil sa may impormasyon tayong nais ibahagi.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post

Now that their final grades have been released, I can now state for the record that I personally take pride in the websites of my students in J 117 (Online Journalism) this semester.

I actually presented the screenshot of these websites at the Blogger’s Kapihan last October 13 though I tried to limit my comments on each of them as I have not yet computed their grades at that time. (Feel free to download my slide presentation titled “Teaching and Web Authoring.”)

Kindly visit the websites below if you have time. The online articles that I required them to write are uploaded there. If you’re a techie, you might find interesting their arguments for HTML handcoding which is the topic of their column articles.

By the way, I am not just linking their websites just so I can help increase their traffic rank (pardon this shameless plug but mine has been greatly improving, in case you haven’t noticed). They deserve to be commended for a job well done.

Print this post | Email this post
October 18, 2007 - 6:29 pm - Posted in Announcements, J 117, J 199

UP logoIf you’re my student in J 117 (Online Journalism) and J 200 (Thesis), you may now get your class cards from the department. (Yes, I haven’t blogged in a while since I was busy computing your final grades.)

By the way, I have speaking engagements on October 19 (Friday) and 20 (Saturday) within and outside Manila so I won’t be in the campus starting tomorrow. I will be back from my out-of-town trip on October 23 (Monday).

Should you need to talk to me before Monday - and that goes also for my other students in J 199 (Research in Journalism) and J 300 (Thesis-MA level) - please call through my mobile phone as I may not have access to the Internet.

Thank you for your attention.

Print this post | Email this post
October 10, 2007 - 1:42 pm - Posted in Konteksto (Pinoy Weekly column)

N.B. - This was published in Vol. 6,  No. 39 (October 10-16, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/pw6-39/op_ed/ed-6_39_3.htm.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineButi na lang at nanalo si Pacman.

Noong nakaraang Linggo (Oktubre 7), nagkaroon ng dahilan para muling magsaya tayong lahat dahil sa pagkapanalo ni Manny “Pacman” Pacquiao sa laban niya kay Marco Antonio Barrera. Hindi man siya nanalo sa pamamagitan ng knockout, katanggap-tanggap naman ang unanimous decision para patunayang siya ay mas magaling na boksingero kumpara kay Barrera.

Ang kanyang tagumpay ay tagumpay natin, partikular ng mahihirap. Para sa nakararaming tila nawawalan ng pag-asang gaganda pa ang buhay, kailangan ang tagumpay ni Pacman para maibsan ang dalamhati nating bunga ng araw-araw na pakikibaka para lang mabuhay.

Kumpara sa mga opisyal na estadistikang hindi makita ang koneksiyon sa kanilang buhay, damang dama ng nakararaming mahihirap ang pagkapanalo ni Pacman kahit na wala naman silang direktang mahihita mula rito.

Hindi ba’t kay Pacman naman mapupunta ang milyun-milyong gantimpalang imposibleng kitain ng nakararami? Kahit na sabihing kailangan pa ring bayaran ang iba pang taong tumulong sa kanya tulad ng trainer niyang si Freddie Roach, masasabing siya lang at ang kanyang pamilya ang lalo pang yayaman dahil sa kanyang tagumpay. Kahit na may balato naman siyang ipamamahagi sa ibang kababayan, hindi naman maaasahang lahat ay mabibiyayaan niya.

Pero kahit na alam nating ganito ang sitwasyon, masaya pa rin tayo. Ang kanyang kagalingan ay sapat na para maghatid ng magandang balita kahit ilang araw lang. Para sa isang bansang ang pandarambong at pulitikal na pamamaslang ay tila ordinaryong pangyayari na, maiintindihan naman ang paghahanap ng mga balitang magpapangiti sa atin.

Ganoon naman ang naging papel ni Pacman sa buhay nating lahat mula nang makilala siya sa internasyonal na larangan ng boksing. Nararamdaman natin ang mga suntok na binibitawan niya na nakakapagpatumba kahit sa magagaling na boksingero tulad nina Erik Morales at Juan Manuel Marquez. Damang dama rin natin ang mga suntok na tumatama sa kanya na alam nating iniinda niya ang sakit.

Malaking salik ang pagiging galing sa hirap ni Pacman para suportahan siya ng nakararami. Nakita natin ang kanyang pagpupursigi para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Nabalita ngang gumastos siya ng kalahating milyon para pag-aralin sa isang mamahaling paaralan ang kanyang mga anak. Nagpatayo rin siya ng mansyon para sa kanyang pamilya at napabalitang nagbigay ng mamahaling sasakyan sa kanyang ina.

Itinuring ng nakararaming mahihirap na isa sa kanila si Pacman kahit ibang iba na ang kanyang pinansyal na sitwasyon. At dahil ayaw ng nakararaming masira ang ilusyon na inihahatid ni Pacman tuwing siya ay may laban, hindi siya ibinoto noong nakaraang eleksiyon para maging kinatawan sa House of Representatives. Alam ng mamamayan ang karumihan ng pulitika at ayaw nilang masira o magamit lang ng mga pulitiko ang “Pambansang Kamao”

Tama si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang sinabi niya sa isang pahayag na muling nagbigay si Pacman ng dahilan para may muling maipagmalaki ang mga Pilipino. Pero dapat nating tandaang kailangan ang mga tagumpay ng mga katulad ni Pacman sa isang sitwasyong mayroon tayong administrasyong patuloy na tinutuligsa dahil sa krisis na nararamdaman ng nakararami.

Bagama’t may dahilan para ipagdiwang ang tagumpay ng mga kababayan natin, lubhang kinakailangan ang mahigpit na pagkakaisa hindi lang sa pagsuporta sa kanila kundi sa pagkilos para wakasan ang mga dahilan ng ating patuloy na paghihirap.

Buti na lang at nanalo si Pacman. Kailan naman kaya mananalo ang nakararaming mamamayan sa kanilang laban sa buhay?

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Print this post | Email this post

Philippine Collegian logo (retrieved from the Philippine Collegian website)

A student from the University of Santo Tomas (UST) interviewed me via email regarding my experience as a campus journalist. Allow me to share with you my answers to her questions.

Naging bahagi po kayo ng Philippine Collegian, ano po ba ang mga naging karanasan ninyo bilang isang manunulat para sa UP noong panahong iyon?

UP logoNaging bahagi ako ng Philippine Collegian mula 1988 hanggang 1991. Ito ang panahong nagiging kritikal ang mamamayan sa mga polisiya at programa ng administrasyong Aquino. Isang susing usapin noon sa publikasyon kung paano magiging responsable at mapagpamulat ang mga artikulong sinusulat namin. Bagama’t may debate pa kung ang pagtutuunan ba ng pansin ay ang mga lokal o pangkampus na isyu sa halip na mga pambansang isyu, nagkaroon pa rin ng kasunduang maraming pambansang isyung hindi dapat palampasin tulad ng repormang agraryo, base militar ng Estados Unidos at karapatang pantao.

Para sa karagdagang detalye, basahin mo ang dati kong isinulat na sanaysay sa wikang Ingles sa URL http://www.dannyarao.com/2001collegian-reunion.html.

Ilan taon po ba kayo sumulat para sa pahayagang Kule?

Naging probationary member (o probee) ako ng seksyon ng balita ng Kule noong Abril 1988. Bukod sa balita, nagsulat din ako para sa seksyong lathalain at paminsan-minsa’y nagbigay ng mga tulang inilabas ng seksyong kultura. Noong 1991, ang huling taon ko sa publikasyon, naging patnugot ako sa balita.

Nakaranas na po ba kayo ng pag-suppress sa pahayagang Kule? Ano po ang komento ninyo tungkol sa panggigipit na naganap noon sa Kule ng administrasyon ng UP?

Sa aking pagkakaalala, ilang beses na akong binantaan ng ilang opisyal ng UP na baka magsara ang publikasyon dahil haharangin nila ang paglalabas ng pondo namin. Ito ang panahong nagsulat ako ng mga artikulong kritikal sa ilang opisyal ng UP dahil sa pagkakasangkot nila sa korupsiyon. Hinggil sa isyu ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), naalala kong isinulat ko ang planong ipatupad ito kahit hindi sapat ang konsultasyon sa mga estudyante, at sa kabila ng malawakang protesta laban dito. Tulad ng inaasahan, nagalit ang administrasyong UP hindi lang sa akin kundi sa publikasyon mismo. Pero ang lahat ng ito ay hanggang banta lamang. Dahil obhetibo naman ang publikasyon, inilabas namin ang lahat ng kanilang mga liham sa patnugot, gayundin ang mga panayam na ginawa namin sa kanila.

Nang dahil po ba sa naging exposed na kayo sa Philippine Collegian kaya po ninyo itinuloy ang pagiging ganap na manunulat, sa larangan ng midya?

Malaking impluwensiya ang karanasan ko bilang manunulat at patnugot ng Philippine Collegian sa pinili kong propesyon sa kasalukuyan. Nakita ko kasi ang kahalagahan ng responsableng pamamahayag hindi lang sa pamamagitan ng pagsusulat kundi sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Nalaman kong ang makabuluhang pagsusulat ay may malaking ambag sa minimithi at kinakailangang pagbabago. Hindi ko iniisip na ako ay “ganap” nang manunulat dahil hahayaan ko na lang ang mamamayan na humusga rito.

Kumusta po ang pagiging isang manunulat noon sa loob lamang ng UP at ang ngayon sa iba’t ibang midya?

Kumpara sa gawain ko noon sa Philippine Collegian na nakatuon lang sa print media, masasabi kong ang gawain ko sa kasalukuyan ay hindi lang print kundi online at brodkast, bagama’t ang huli ay mas nakatutok sa radyo kaysa telebisyon. Sa usapin ng nilalaman, mas marami na akong naisusulat ngayon tungkol sa mga pambansang isyu. Gusto ko ring isiping mas malawak na ngayon ang naaabot ng mga sinusulat ko, kahit na sabihing ang Philippine Collegian noon at ngayon ay nakakaabot din naman sa ilang komunidad sa labas ng UP.

Anu-ano po ba ang pinagdaan ni Danilo Arao bilang isang media man?

Nakakapagsulat ako sa mainstream at alternatibong midya, bagama’t ang huli ang mas pinagtutuunan ko ng pansin. Dahil sa karakter ng alternatibong midya, karamihan ng mga sinulat at sinusulat ko ay may progresibong pananaw hinggil sa nangyayari sa lipunan. Tulad ng nakasanayan ko sa Philippine Collegian, nagsusulat ako sa wikang Ingles at Filipino, bagama’t nitong mga nakaraang buwan ay mas marami akong sinusulat sa Filipino.

Sa inyong obserbasyon, ano po ba ang lagay ng campus journalism dito sa ating bansa? Maaaring maikumpara sa mga naging estado noong sa inyong pamamalagi bilang isang manunulat ng Kule.

Ipinatupad ang Campus Journalism Act (CJA) sa panahong nagtapos na ako sa unibersidad at natapos na rin ang gawain ko sa Philippine Collegian. Sa aking pagsusuri ng mga pangyayari sa ilang pahayagang pangkampus, maraming kaso ng panunupil dahil sa paggamit ng ilang opisyal ng paaralan ng mga probisyon ng CJA, lalo na ang kawalan ng obligasyon sa pagkolekta ng publication fees. Sa antas elementarya at hayskul naman, may malaking papel hindi lang ang adviser kundi ang principal mismo sa pagpapatakbo ng publikasyon. Masasabi ring biktima ang ilang manunulat sa kampus ng pulitikal na panunupil sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Nabasa ko po na ilang beses na po kayong naimbitahan para magbahagi tungkol sa campus journalism, sa pagsusulat at pagsasalita, ano po ba ang madalas ninyong iniiwan na importanteng mensahe sa mga mambabasa at nakikinig sa inyo?

Madalas kong sabihing ang pamamahayag ay kinakailangang responsable at makabuluhan. Para maging mahusay na manunulat, hindi lang kinakailangan ang galing sa paggamit ng wika (partikular ang pagpili ng mga angkop na salita para ihatid ang mensahe) kundi ang husay sa pagsusuri sa nangyayari sa lipunan. Walang lugar sa kasalukuyang panahon para sa mga mamamahayag na ang hangarin ay sumikat lang at magpayaman. Mas kinakailangan ang mga mamamahayag na may mahalagang impormasyong makakatulong sa paghubog ng pampublikong opinyon. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao kung siya’y may kahinaan sa pagsusulat sa kasalukuyan. Ang pagsusulat kasi ay hindi isang talentong iilan lang ang mayroon: Ito ay produkto ng tuluy-tuloy at malalimang pagsasanay para matutuhan hindi lang ang paggamit ng wika sa komunikasyon kundi ang malalimang pagsusuri sa mga pangyayari.

Print this post | Email this post

Cup (retrieved from Blogger's Kapihan website)Please attend the Blogger’s Kapihan 2.0: Blog Ed 101 on October 13 (Saturday) at the Cubao Elementary School Ramon Magsaysay High School in Quezon City. I will be one of the three speakers and my assigned topic is the role of blogging and web authoring in education.

For the full text of the announcement, please go to the Blogger’s Kapihan website.

Since I’ve been getting several inquiries regarding the writing seminars and workshops I conduct during the semestral break, I would just like to announce that I am scheduled to do the following this month:

  • Laws and Ethics of the Press (keynote speech) and Online Publishing (seminar) at the Ateneo de Naga University on October 20

As of this writing, these are the only speaking engagements I have for this month. There are at least two companies that have requested my services to improve their internal newsletters but we have yet to finalize the details.

For now, I hope you can make it on Saturday for the second Blogger’s Kapihan. Thank you for reading.