Pulitika ng transport strike

N.B. – This was published in Vol. 6, No. 45 (November 28-December 4, 2007) of Pinoy Weekly (p. 5), the full text of which may also be retrieved from URL http://www.pinoyweekly.org/pw6-45/op_ed/ed-6_45_3.htm.

Pinoy Weekly | Konteksto (kolum ni Danilo A. Arao)Pinoy Weekly onlineMadaling sisihin ang mga drayber ng dyip, bus at taksi sa kaguluhan sa mga lansangan.

Kilala sila sa kawalan ng respeto sa batas trapiko. Sa mata ng publiko, mistulan silang “may-ari ng lansangan” dahil sa kanilang asta. Kung saan-saan na lang sila nagbababa at kumukuha ng pasahero. Para silang hindi marunong gumamit ng “signal light” dahil sa basta-basta na lang – minsa pa nga’y biglaang – pagpunta sa kaliwa o kanang bahagi ng kalye. May mga pagkakataon pa ngang kahit ang mga hindi dapat daanan tulad ng bangketa ay nagiging kalye para sa kanila.

Sa ganitong konteksto sila madalas mapaaway sa kapwa tsuper at iba pang motorista. Marami tuloy nagsasabing sila ay dapat tanggalan ng lisensiya sa pagmamaneho dahil sa pagiging takaw-aksidente.

Ang ganitong negatibong imahe ay hindi nakakatulong sa pagkuha ng suporta mula sa publiko para sa kanilang planong malawakang transport strike. Mapapansin ding bukod sa ilang progresibong indibidwal at organisasyon, tila walang masyadong nagbibigay ng importansiya sa kanilang mga hinaing. Kung sabagay, bakit nga ba papansinin ang mga tinaguriang mortal na kaaway ng mga pribadong motorista?

Ang kanilang serye ng kilos-protesta na nakatakdang magsimula ngayong linggo ay dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis kahit sa panahong lumalakas ang palitan ng piso kumpara sa dolyar. Alam nating may direktang epekto ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa kanilang kita bilang drayber. Kung hindi itataas ang pamasahe, liliit ang kanilang kita. Pero kung sakaling itaas naman ang pamasahe, magagalit naman ang kanilang mga pasahero.

Ito ang dahilan kung bakit ang kanilang panawagan ay nararapat lang na hindi ang pagtataas ng pamasahe kundi ang pagbabasura ng Downstream Oil Deregulation Act. Sa pamamagitan kasi ng batas na ito, hinahayaan ang mga kompanya ng langis na itakda ang presyo ng kanilang mga produkto.

Tama rin sila sa kanilang panawagang tanggalin na ang mga buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga produktong petrolyo. Hindi dapat umaasa ang pamahalaan sa pagkolekta ng mga hindi direktang buwis (indirect taxes) tulad ng ipinapataw sa karamihan sa mga produktong petrolyo. Ang pagtatanggal ng mga buwis ay dapat na maging dahilan para bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang mga kasalukuyang panawagang ito ay bahagi ng alternatibong programang matagal nang ipinaglalaban ng mga progresibong grupo’t indibidwal – ang pagsasabansa ng industriya ng langis. Sa halip na deregulasyon, nakikita ang pangangailangang ilagay sa kontrol ng estado (state control) hindi lang ang pagtatakda ng presyo kundi ang importasyon ng krudo at mga produktong petrolyo.

Sa sitwasyon ng isinabansang industriya ng langis, mas magiging malinaw ang batayan ng pagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo. Mas magkakaroon ng batayan para singilin hindi lang ang mga kompanya kundi ang mismong pamahalaan para sa kung anumang pagkukulang nila.

Pero dahil sa pangkalahatang negatibong ng publiko sa mga drayber, hindi nakikita ang kapasidad na mag-isip nang ganito sa bahagi ng mga miyembro ng mga organisadong grupo sa transportasyon. Ang tanging natatandaan kasi ng mga pasahero’t motorista ay ang kanilang araw-araw na karanasan sa pagbibiyahe sa mga lansangan.

Hindi na naisasakonteksto ang araw-araw na desperasyon ng mga drayber na kumita sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang panlipunang problemang nakakaapekto sa kanila. Dapat nating tandaang hindi nila kagustuhang lumabag sa mga batas-trapiko at makaabala sa iba pang motorista. Ang kasalukuyang kaayusan sa industriya ng langis at lipunan ay hindi nagdudulot ng kaginhawaan sa buhay nila, gaano man sila katiyaga sa kanilang pagtatrabaho.

Tunay na kailangan ng mga drayber hindi lang ng ating pang-unawa, kundi ng ating suporta.

Sa panahon ng deregulasyon, ang mga drayber ay naiipit sa pagitan ng pamahalaang mas pinapanigan ang interes ng mga kompanya ng langis at ng mga pasaherong katulad nilang desperadong makarating sa kanilang patutunguhan – isang lugar o sitwasyong malayo sa kanilang kinalalagyan o kinasasadlakan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

2 thoughts on “Pulitika ng transport strike”

  1. Dapat kasi ay palitan ang sistema. The LTO should devise a system wherein there will be shorter routes. To avoid congestion and prevent predatory practices among operators, franchises should be revised. Example: Marikina to Quiapo, instead they should only give Marikina to Cubao, then Cubao to Welcome, then Welcome to Quiapo. The problem is that there are overlapping routes that leads to congestion and drivers jockeying for passengers. This leads to traffic jams that increase fuel expenditures. Fares could be decreased. The Filipinos must “learn” to walk. Masyado tayong tamad lumakad.

    The other problem is that operators ask high boundaries from their drivers which leads to lack of discipline. Another factor is that there are too just too many PUVs who illegally operate. The LTO must step up its drive against this.

    Lastly, we should blame FVR for selling Petron. Had we held on to it, the birth of a cartel could have been avoided. Again I emphasize the need to deal with oil producers directly instead of relying on trading firms. This will take away the cost of the middleman and therefore decrease the cost of oil. Government should put a cap on profits and remove the tax on utilities. These are necessities and not luxuries.

    Reply: Another enlightening post! Thanks. The problem right now is that the government is actually pushing for a full deregulation of land transportation. If you would notice, the fares of provincial buses are now deregulated and the powers-that-be want the same situation in other forms of land transportation like our favorite jeepneys. I’m sure you’re also aware that there are moves to also allow foreigners to go into transportation franchising which is currently exclusive to Filipinos. Magulo talaga ang sistema sa pagbibigay ng mga prangkisa dahil iba-iba ang haba ng mga ruta at nagsasanga-sanga sila. I guess corruption is rearing its ugly head again on the issue of colorum PUVs and the sometimes questionable awarding of franchise. While I agree that we should learn how to walk, sometimes we are discouraged to do so because of the poor condition or lack of sidewalks. Even at the UP Diliman campus which is conducive for walking, I noticed that there are certain areas where sidewalks are missing. The same is true in Marikina City despite its having several bicycle lanes. Cheers!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.