My experience as a campus journalist

Philippine Collegian logo (retrieved from the Philippine Collegian website)

A student from the University of Santo Tomas (UST) interviewed me via email regarding my experience as a campus journalist. Allow me to share with you my answers to her questions.

Naging bahagi po kayo ng Philippine Collegian, ano po ba ang mga naging karanasan ninyo bilang isang manunulat para sa UP noong panahong iyon?

UP logoNaging bahagi ako ng Philippine Collegian mula 1988 hanggang 1991. Ito ang panahong nagiging kritikal ang mamamayan sa mga polisiya at programa ng administrasyong Aquino. Isang susing usapin noon sa publikasyon kung paano magiging responsable at mapagpamulat ang mga artikulong sinusulat namin. Bagama’t may debate pa kung ang pagtutuunan ba ng pansin ay ang mga lokal o pangkampus na isyu sa halip na mga pambansang isyu, nagkaroon pa rin ng kasunduang maraming pambansang isyung hindi dapat palampasin tulad ng repormang agraryo, base militar ng Estados Unidos at karapatang pantao.

Para sa karagdagang detalye, basahin mo ang dati kong isinulat na sanaysay sa wikang Ingles sa URL http://www.dannyarao.com/2001collegian-reunion.html.

Ilan taon po ba kayo sumulat para sa pahayagang Kule?

Naging probationary member (o probee) ako ng seksyon ng balita ng Kule noong Abril 1988. Bukod sa balita, nagsulat din ako para sa seksyong lathalain at paminsan-minsa’y nagbigay ng mga tulang inilabas ng seksyong kultura. Noong 1991, ang huling taon ko sa publikasyon, naging patnugot ako sa balita.

Nakaranas na po ba kayo ng pag-suppress sa pahayagang Kule? Ano po ang komento ninyo tungkol sa panggigipit na naganap noon sa Kule ng administrasyon ng UP?

Sa aking pagkakaalala, ilang beses na akong binantaan ng ilang opisyal ng UP na baka magsara ang publikasyon dahil haharangin nila ang paglalabas ng pondo namin. Ito ang panahong nagsulat ako ng mga artikulong kritikal sa ilang opisyal ng UP dahil sa pagkakasangkot nila sa korupsiyon. Hinggil sa isyu ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), naalala kong isinulat ko ang planong ipatupad ito kahit hindi sapat ang konsultasyon sa mga estudyante, at sa kabila ng malawakang protesta laban dito. Tulad ng inaasahan, nagalit ang administrasyong UP hindi lang sa akin kundi sa publikasyon mismo. Pero ang lahat ng ito ay hanggang banta lamang. Dahil obhetibo naman ang publikasyon, inilabas namin ang lahat ng kanilang mga liham sa patnugot, gayundin ang mga panayam na ginawa namin sa kanila.

Nang dahil po ba sa naging exposed na kayo sa Philippine Collegian kaya po ninyo itinuloy ang pagiging ganap na manunulat, sa larangan ng midya?

Malaking impluwensiya ang karanasan ko bilang manunulat at patnugot ng Philippine Collegian sa pinili kong propesyon sa kasalukuyan. Nakita ko kasi ang kahalagahan ng responsableng pamamahayag hindi lang sa pamamagitan ng pagsusulat kundi sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Nalaman kong ang makabuluhang pagsusulat ay may malaking ambag sa minimithi at kinakailangang pagbabago. Hindi ko iniisip na ako ay “ganap” nang manunulat dahil hahayaan ko na lang ang mamamayan na humusga rito.

Kumusta po ang pagiging isang manunulat noon sa loob lamang ng UP at ang ngayon sa iba’t ibang midya?

Kumpara sa gawain ko noon sa Philippine Collegian na nakatuon lang sa print media, masasabi kong ang gawain ko sa kasalukuyan ay hindi lang print kundi online at brodkast, bagama’t ang huli ay mas nakatutok sa radyo kaysa telebisyon. Sa usapin ng nilalaman, mas marami na akong naisusulat ngayon tungkol sa mga pambansang isyu. Gusto ko ring isiping mas malawak na ngayon ang naaabot ng mga sinusulat ko, kahit na sabihing ang Philippine Collegian noon at ngayon ay nakakaabot din naman sa ilang komunidad sa labas ng UP.

Anu-ano po ba ang pinagdaan ni Danilo Arao bilang isang media man?

Nakakapagsulat ako sa mainstream at alternatibong midya, bagama’t ang huli ang mas pinagtutuunan ko ng pansin. Dahil sa karakter ng alternatibong midya, karamihan ng mga sinulat at sinusulat ko ay may progresibong pananaw hinggil sa nangyayari sa lipunan. Tulad ng nakasanayan ko sa Philippine Collegian, nagsusulat ako sa wikang Ingles at Filipino, bagama’t nitong mga nakaraang buwan ay mas marami akong sinusulat sa Filipino.

Sa inyong obserbasyon, ano po ba ang lagay ng campus journalism dito sa ating bansa? Maaaring maikumpara sa mga naging estado noong sa inyong pamamalagi bilang isang manunulat ng Kule.

Ipinatupad ang Campus Journalism Act (CJA) sa panahong nagtapos na ako sa unibersidad at natapos na rin ang gawain ko sa Philippine Collegian. Sa aking pagsusuri ng mga pangyayari sa ilang pahayagang pangkampus, maraming kaso ng panunupil dahil sa paggamit ng ilang opisyal ng paaralan ng mga probisyon ng CJA, lalo na ang kawalan ng obligasyon sa pagkolekta ng publication fees. Sa antas elementarya at hayskul naman, may malaking papel hindi lang ang adviser kundi ang principal mismo sa pagpapatakbo ng publikasyon. Masasabi ring biktima ang ilang manunulat sa kampus ng pulitikal na panunupil sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Nabasa ko po na ilang beses na po kayong naimbitahan para magbahagi tungkol sa campus journalism, sa pagsusulat at pagsasalita, ano po ba ang madalas ninyong iniiwan na importanteng mensahe sa mga mambabasa at nakikinig sa inyo?

Madalas kong sabihing ang pamamahayag ay kinakailangang responsable at makabuluhan. Para maging mahusay na manunulat, hindi lang kinakailangan ang galing sa paggamit ng wika (partikular ang pagpili ng mga angkop na salita para ihatid ang mensahe) kundi ang husay sa pagsusuri sa nangyayari sa lipunan. Walang lugar sa kasalukuyang panahon para sa mga mamamahayag na ang hangarin ay sumikat lang at magpayaman. Mas kinakailangan ang mga mamamahayag na may mahalagang impormasyong makakatulong sa paghubog ng pampublikong opinyon. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao kung siya’y may kahinaan sa pagsusulat sa kasalukuyan. Ang pagsusulat kasi ay hindi isang talentong iilan lang ang mayroon: Ito ay produkto ng tuluy-tuloy at malalimang pagsasanay para matutuhan hindi lang ang paggamit ng wika sa komunikasyon kundi ang malalimang pagsusuri sa mga pangyayari.

14 thoughts on “My experience as a campus journalist”

  1. ang galing niyo naman sana maging katulad ko rin kayo……….goodluck

    Sagot: Maraming salamat sa mensahe mo. Hindi ko iniisip na “magaling” ako, dahil ang aking pinagdaanan at kasalukuyang ginagawa ay dahil sa kalagayan ng ating lipunan. Sa “tono” ng iyong mensahe, gusto kong isiping bata ka pa. Kung gayon, marami ka pang magagawa at mararating. Anuman ang plano mo sa buhay, parati mo sanang isaisip ang kapakanan hindi lang ng sarili kundi ng nakakarami. Mabuhay ka!

  2. ganun po ba ang nararapat sa atin?…

    may tanung po ako, bakit kailangan ipatupad o sang-ayun po ba kayo sa pagpapatupad sa pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng school campus?bakit?

    gumagawa po kasi kami ngayun ng simpling pananaliksik para sa final aktibi ng aming FILIPINO 2. Ang napiling paksa namin ay ang “pagpapatupad sa pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng kampus sa aming paaralan.” sana ay matulungan nyu po kami sa aming pananaliksik.

    Sagot: Para sa akin, mas mainam na paunlarin ang wikang Filipino bilang ating lingua franca (mother tongue). Kung pag-aaralan ang wikang Ingles, mainam na ituro ito bilang sekondaryong wika tulad ng pagtuturo sa wikang Kastila, Aleman at Pranses sa ilang institusyon. Hindi ako sang-ayon sa pagkakaroon ng English-speaking zones sa loob ng eskuwelahan dahil nakokompromiso nito ang epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga estudyante’t guro. Kailangang mag-aral at magsuri tayo batay sa wikang nakagisnan natin mula pagkabata. Para sa mas malalimang diskurso, mainam na basahin mo ang sinulat kong sanaysay na may pamagat na “Sa pagtatapos ng buwan ng wika.”

  3. ….i guess…your not that good journalist as what you mean to yourself???……….you still need to explore and continuously strive kung anu ba talaga ang gusto mo sa buhay………….Co’z you’re answers in the interview highlights the confusion and doubt dyan sa personalidad moh………….because not all writers/journalist ay kayang iplease,mpaniwala or even madala ang readers sa mga article or output na magagawa moh…….!!! ..you better look at different angles…don’t stick to one!!!…..sana makuha mo ung point kOh!!!……..i don’t want to be roundabout so………tried to check your every answers in every questions, so you will understand what i mean!!!……:D

    Reply: I agree that I don’t consider myself a good journalist, and I never made any claim to that effect, whether in this particular post or in any of the articles I had written. There’s a saying that a writer is as good as his or her last article, so you made an excellent point about continuously striving to get what you want in life (in this case making a difference in journalism). What I don’t understand is the so-called confusion/doubt about my personality based on my answers to the interview questions. I tried to be as direct to the point as possible, so I would appreciate it if you can identify the points I raised that confuse you. Thank you for your comment and I wish you all the best.

  4. Hinahangaan ko po ang kahusayan ninyo sa Wikang Filipino, isa po akong mag-aaral ng kursong pamamahayag.

    Alam natin na sa lahat ng mga pamantasan at unibersidad dito sa ating bansa karamihan sa mga ito ay gumagamit ng wikang Ingles bilang medium sa kursong pamamahayag.

    Kaya naman napakahirap para sa karamihan ng mga nagtatapos ng kursong ito ang magsulat sa wikang Filipino. Sana po ay ipagpatuloy pa ninyo ang pagsusulat ang wikang Filipino.

    Batid ko po na kailangan ang kahusayansa wikang Ingles sa kursong aking kinukuha ngunit kung ang itinuturo sa loob ng mga pamantasan ay dapat na maabot natin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbobrodkast, hindi ba’t mas mainampo na ituro din ang paraan ng pamamahayag gamit ang sariling wika?

    Sana po ay makalapit kayo sa CHED upang pagtuunan ng pansin ang mga kurikulum ng mga pamantasang nagtuturo ng kursong pamamahayag.

    maraming salamat po at mabuhay kayo!

    Sagot: Salamat sa mensahe. Talagang kailangang pahusayin natin ang paggamit ng wikang Filipino at may susing papel ang midya rito. Kahit na ginagamit ang Filipino sa midya, kapansin-pansin ang reputasyon ng peryodismo sa Filipino na pang-tabloid lang. May direktang kaugnayan ang kolonyal na mentalidad dahil malawak pa rin ang pagtanggap sa Ingles bilang midyum ng intelihenteng diskurso. Mainam na may mga estudyanteng katulad mong hindi naniniwala sa argumentong mas mahalagang pahusayin ang wikang Ingles kaysa sariling wika. Ang mga katulad mo ang magpapaunlad ng wikang Filipino sa larangan ng peryodismo. Mabuhay ka!

  5. ako po ay isang journalist. isa ako sa inilalaban ng aming paaralan. ako po ay isang mag-aaral ng batasan hills Q.C. ako ay nasa ika-anim na baitang, nasa unang pangkat. bilang experience maaari mo bang ikuwento ang karanasan mo nang ikaw ay nasa campus bilang journalist? at maaari mo bang sagutiang tanong: responsableng pamamahayag susi sa pandaigdigang makalidad na edukasyon sa 2015? kasi bukas na ang aming laban sa division (october 13 2009).

    Sagot: Ang aking karanasan bilang peryodistang pangkampus noong kolehiyo ay nakatulong sa paghuhubog ng aking kaisipang magsilbi sa bayan. Kung magiging responsable lang ang pamamahayag sa ating bansa, sigurado akong mas magiging mabilis at makabuluhan ang ating pag-unlad. Susi kasi ang midya sa pagkakaroon ng kritikal na mamamayan.

  6. maraming salamat sa pagsagot ng aking tanong malaking bagay na rin ang natutuhan ko sa pagsagot mo ng aking tanong. maaari bang magtanong? ano ba ang pangalan mo? pasensya ka na ha. maaari ka po bang maglagay ng iyong picture sa computer upang makita ko ang iyong maamong mukha? pasensya ka na ulit. makulit lang talaga ako kasi naman mahilig talaga akong magsulat minsan inisip ko na balang araw na magiging magaling din akong isang manunulat kagaya mo.

    Sagot: Nakalagay sa subtitle ng blog ang tunay kong pangalan. Nasa seksyong “About Me” naman ang ilang larawan ko. Puwede mo ring puntahan ang aking main website (dannyarao.com) na naka-hyperlink sa blog na ito.

  7. hello ulit margarita ito nakita ko na yung sinasabi mong main website (dannyarao.com ). maaari ko ba ikaw laging makausap kasi wala akong makausap eh. ilang taon na po ba kayo? ngayon nakita ko po yung asawa mo ang ganda. may anak na po ba kayo? nakita ko po kayo sa 24 oras masyado na kayong sikat. maaari bang tulungan mo ako dahil bukas na ang laban namin sa division (october 12,2009). paalam antayin ko po ang iyong sagot.

    Sagot: Ang ilang personal na detalye tungkol sa akin ay malalaman mo kung babasahin mong mabuti ang mga pahina ng aking main website at ang blog na ito. Kung gusto mong magaling na manunulat, dapat na may tiyaga kang magbasa at subuking alaming mag-isa ang sagot sa mga tanong mo. Para sa akin, mainam na may makausap kang gagabay sa iyong pagsusulat, pero hindi ako iyon. Una, wala ako ngayon sa Pilipinas. Ikalawa, hindi ako ang iyong guro. Kailangan mong lapitan ang mga guro mo sa Filipino at Peryodismo para matulungan ka. Salamat.

  8. well .. mAxaxavi qu lan jan .. ahahaha .. im also a journalists .. peu di gAnon qa creative xumulat .. di aman qaxe talaqa 2 an.hiliq qu .. ahehee !! chaqa .. well .. qaya mu yan .. waq muna lan pAncnin mqa cnxbi nan’iBng tao .. qoe .. qoe … :)

    .. ixAng mAtinding hAmok xA aqing buhAi ang pinAxoq qng electivex neun ..

    mahirap man maqipaq xabayan .. peu qaqayanin ..

    hope .. maqinq xuxexful din aqng mAnunulat ..

    at maqing xuxexful na broadcaxter ..

    ahehehe !!

    Reply: Hindi ko alam kong seseryosohin ko ang komento mo. Kung nais mong magtagumpay bilang peryodista sa hinaharap, kailangan mong simulang magsulat nang maayos ngayon. Salamat.

  9. ah pasensya kana masyado naman kitang inabala at salamat sa mga tanong na sinagot mo kasi gusto korin magkaroon ng makakausap sige hanggang dito nalang hindi nakita aabalahin pa paalam !sana kahit papaano naman may natutunan ka sa kadaldalan ko sana maging masaya ka kasama ang iyong pamilya paalam! paalam!huwag mo nalang sagutin ang mga sinabi ko para hindi kana mag-alabala

  10. You’re a great journalist. I hope I can reach on where you are now. BTW, can I get some suggestions on what should i write about the role of a journalist in reducing poverty? The role of the campus journalism to achieve millennium goals by 2015? I hope you can help. I am also a journalist of our school paper in FILIPINO. thank you so much and more power!

    Reply: You can focus on how official data on poverty tend to misrepresent social reality and how non-government organizations use a different framework in providing an in-depth explanation of the poverty that exists in the Philippines, using both qualitative and quantitative data. As regards the MDG, you can focus on how the said goals directly affect your school. Good luck on your practice of campus journalism and I wish you all the best.

  11. Thanks for sharing your knowledge and wisdom in this field. I find your answers great. Some people may not appreciate what you are doing but please bear in mind that there are people who are happy for the simple reason that your words become the beacon in their lives. Please accept my gratitude.

    Reply: Thank you for your kind words. All the best!

  12. tanong ko lang po, ano-ano ba ang dapat gawin ng isang adviser sa campus journalism para maging mahusay ang kanyang manunulat?

    Sagot: Kailangan niyang malaman ang teoretikal, empirikal at normatibong pamantayan ng peryodismo. Maraming librong puwedeng maging sanggunian tungkol sa disiplinang ito. Salamat!

  13. may alam po ba kayong magandang pamagat para sa isang pananaliksik kaugnay sa campus journalism?
    maraming salamat at sana matulungan nyo ako my tiwala kasi aq s kakayahan niyo

    Sagot: Maraming puwedeng maging paksa ng pananaliksik sa peryodismong pang-kampus, lalo na sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. Puwede kang magsimula sa pagninilay-nilay sa tanong na ito: Ano-ano ang epekto ng mga polisiya ng administrasyong Duterte sa malayang pamamahayag sa kampus?

  14. paano nakatutulong ang karanasan sa paghubog ng isang manunulat?

    Sagot: Nakakatulong ito dahil mas napapalalim ng manunulat ang kanyang akda batay sa kanyang karanasan at pinagdaanan. Minsan, nagiging politikal pa ang personal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.