Huling habilin sa mga estudyante ng J 117, J 122, J 200 at Media 230

N.B. – This is written in Filipino so that my students in Hannam University (Korea) would know that this message is not for them. If you’re my student in Hannam University, I will post a separate message when I arrive in Korea tomorrow (March 5). Thank you.

Para sa mga estudyante ng J 122 TUV at TWX (Publication Design and Layout), puwede n’yo nang kunin ang mga papel na isinumite ninyo, kasama na ang mga ibinigay ngayon lang (Marso 4). Kung sakaling may kulang pa kayong proyekto, ipadala n’yo na lang sa email at huwag kalimutang gumamit ng PDF na format. Huwag n’yong kalimutan ang deadline ng inyong web advertisement at website.

Kung estudyante naman kita sa J 117 WUV (Online Journalism), siguraduhin n’yong maayos ang inyong website na magsisilbing pinal na eksaminasyon. Hindi ko na kailangan pang ulitin ang mangyayari kapag may nakitang dead link sa inyong website.

Sa mga gradwadong estudyante naman ng Media 230 WZZ (Media Ethics), pagbutihin ninyo ang inyong pananaliksik dahil may malaking bahagdan ito ng inyong pinal na grado. Gaya ng nabanggit ko sa klase, posibleng irekomenda ko ang publikasyon ng mahuhusay na papel sa Philippine Journalism Review, bagama’t susunod pa rin ito sa proseso ng double-blind review.

Gusto ko namang kunin ang pagkakataong ito para batiin ang mga estudyante ng J 200-1 (Thesis) sa maaga nilang pagpasa ng pinal na bersyon ng kanilang tesis nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng pananaliksik.

Kung kailangan n’yo akong kontakin, kailangan n’yong malamang hindi ko dadalhin ang aking cellphone sa Korea, kaya sa email na lang kayo makipag-ugnayan.

Yun na lang muna at maraming salamat sa inyong atensiyon.

One thought on “Huling habilin sa mga estudyante ng J 117, J 122, J 200 at Media 230”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.