What do the loved ones of desaparecidos go through?

This is, in my professional opinion, one of the best statements ever written about the victims of extra-judicial killings and forced disappearances.

Ano ang tawag natin sa kanila?

Ang isang anak na nawalan ng magulang ay tinatawag na ulila.

Balo o biyudo naman ang tawag sa isang lalaking nawalan ng asawa.

Pero ang isang inang nawalan ng isang anak, ano ang tawag natin sa kanila? Walang tawag sa kanila.

Wala kasing salitang makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman ng isang inang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak. Lalong walang salita at katagang maaaring maglarawan sa isang inang patuloy na umaasa na sana’y makabalik nang ligtas ang anak niyang dinukot at naglaho na lamang na parang bula.

Paano mo nga ba papayapain ang loob niya? Anong angkop na salita ang makapagpapalubag sa naninikip niyang dibdib? Paano niya ipapanatag ang isip niya kung hindi man niya batid kung magpapadasal na ba siya o magtitirik na ng kandila o patuloy pa rin siyang aasa na isang gabi’y kakatok na lamang ang anak niya na parang walang anumang nangyari.

Sasapit na naman ang gabi, wala pa ring kumakatok…

Maghihintay siya sa gitna ng pagluha.

Magbabakasakaling buhay pa ang anak niya.

Free Jonas Burgos Movement

The statement is not just short, it is direct to the point. It is also written in Filipino which makes the readers easily relate to the emotions being conveyed by the writer.

Jonas Burgos has been missing since April 28, 2007. The son of the late publisher Jose Burgos, he is (notice that I don’t refer to him in the past tense) an agriculture graduate of the Benguet State University (BSU). After conducting a training on organic farming for a peasant group in San Miguel, Bulacan, it was reported that “a group of four to eight armed men abducted Burgos from the Ever Gotesco Mall and took him to a waiting red Toyota Revo minivan. The abduction reportedly took place between 1:15 p.m. and 1:30 p.m.

He is among the almost 200 Filipinos who are victims of forced disappearances since Gloria Macapagal-Arroyo became president in 2001.

Visit the Free Jonas Burgos Movement blog now!