Featured in Ang Pahayagang Plaridel

If I were to include the years I spent with the Philippine Collegian (UP’s official student publication), my involvement in journalism actually spans almost 20 years.

DLSU logoYes, I am indeed getting old and it took an interview with campus journalists of Ang Pahayagang Plaridel (APP) to remind me of that. Incidentally, APP is the official student publication in Filipino of De La Salle University (DLSU) where I got my master’s degree.

In its 23rd year,  APP published the Luntiang Alab (loose translation: “Green Passion”) issue in December 2007. I actually find it strange that this issue is labeled “Tomo 1 Blg. 1” (Volume 1, Number 1) when in fact it should be “Volume 23.”

Anyway, you can find my interview on pages 10 and 11 of the article titled “Mga Mamamahayag sa Pagdaan ng Panahon” written by Susan Joan Dejan and Marvin Umandap.

Allow me at this point to cite the highlights of the article:

Tunay na pagmamahal sa propesyon

Halos dalawang dekada na sa kanyang propesyon na pamamahayag si Danilo Arao, isang propesor ng Journalism sa University of the Philippines-Diliman (UP-D) at kolumnista sa Pinoy Weekly. Sa pagdaan ng panahon, marami na siyang naging magaganda at masasamang karanasan sa kanyang trabaho at naging hayagan sa kanyang mga mata ang iba’t ibang suliranin sa kanyang piniling industriya.

Binigyang-kahulugan ni Arao ang malayang pamamahayag bilang isang “sitwasyon na hindi mo nakokompromiso ang iyong prinsipyo sa paggampan ng iyong tungkulin bilang mamamahayag.” Nakatutulong ito sa pag-unlad ng isang estado sapagkat nagsisilbi itong instrumento sa pagpapalaganap ng makabuluhang impormasyon at dahil dito, hindi nararapat na supilin ito ng pamahalaan sa ngalan ng kaunlaran.

“Ang sitwasyon ng midya ay salamin ng sitwasyon ng lipunan,” matibay na pahayag ni Arao. Naibahagi ni Arao na noong panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos, nagkaroon ng tahasang pagsesensura sa mga dapat na gawin ng mga mamamahayag. Bagama’t hindi pa rin umano ito nawawala sa kasalukuyan, hindi na ito naging kasingtindi noon na talagang may batas na nagtatakda ng hangganan ng mga impormasyong maaaring ilabas sa publiko. Batay ito sa kanyang mga karanasan sa mga nakaraang taon.

Ayon sa kanya, maituturing na mas maunlad ang industriya ngayon kaysa dati sa usapin ng teknolohiya at dami ng organisasyong pangmidya. Ngunit may ilang problema pa rin ang mga mamamahayag na nananatili hanggang ngayon tulad ng kakulangan ng sapat na pagsasanay sa pagsusulat, hindi sapat na mga eskwelahang nagtuturo ng kursong pamamahayag, mga maling oryentasyon sa nabanggit na kurso at ang monopolyo sa industriya ng midya.

Sa kabila ng mga suliraning kinakaharap sa napiling propesyon, mananatiling nag-aalab sa damdamin ni Arao ang pagnanais na magbahagi ng mahahalagang impormasyon sa publiko at hindi pagyaman ang mahalaga para sa kanya sa puntong ito. Nagsisilbing lakas para sa kanya ang mga komento, pahayag at sentimyento ng kanyang mga mambabasa upang ipagpatuloy ang makabuluhan niyang mga gawain.

Tuloy ang laban sa pamamahayag

“Dapat tingnan ‘yung pamamahayag ‘di lang bilang isang propesyon kundi bilang isang commitment,” isa itong mahalagang aral na kanyang natutuhan mula sa pagiging isang mamamahayag. Tunay ngang nananaig pa rin ang mithiing isiwalat ang katotohanan sa kabila ng mga balakid na kinakaharap ng mga Pilipinong mamamahayag ngayon. Patunay lamang si Arao na napapanatili pa rin ang prinsipyo ng mga mamamahayag ang kanilang inuuna bago ang sarili.

Gamit lamang ang kanilang isip at pagmamahal sa propesyon, naisasakatuparan nila ang kanilang layuning buhayin ang kamalayan ng bawat Pilipino sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Kung gayon nga, masasabi nating nawawangis sa kasalukuyang lupon ng mga mamamahayag ang mga katangian ng ating mga bayaning mamamahayag noon. Dahil sa kanila, abot pa rin ng ating sistema ng pamamahayag ang magandang pagkakakilanlan nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.