Parol ng pagbabago: CMC’s float at Lantern Parade 2010 on Dec. 17

N.B. – These are pictures of the float of the University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) to be paraded at the Lantern Parade on December 17 (Friday). It’s an I-Pod that uses a coffin as a dock. The screen will show short clips of relevant issues like budget cut, media killings, plagiarism and reproductive health. Below is an advance copy of the short description of the float which will be read at Quezon Hall, the final stop of all floats. Assembly time is 3:00 p.m. at the University Avenue, UP Diliman, Quezon City. If you want to join the CMC contingent, please wear RED or WHITE.

Parol ng Pagbabago
(maikling paliwanag sa parol ng kolehiyo)

Patuloy na maninindigan ang Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla para sa kalayaan sa pamamahayag.

Kaming mga alagad ng midya ay patuloy na lalabanan ang lahat ng porma ng pagsupil tulad ng walang pakundangang pagpatay sa tatlumpu’t dalawang peryodista’t manggagawa sa midya noong ika-dalawampu’t tatlo ng Nobyembre, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Ang kabaong na nakikita ninyo ngayon ay naglalarawan ng kalayaan sa pamamahayag sa kasalukuyan – ang mga diyaryong nakapaligid rito ay mula sa dugo’t pawis ng mga peryodista. Ang diyaryong ginagamit para magbulatlat ng katotohanan ay siya ring ginagamit para takpan ang maraming pinaslang.

Para epektibong malaman ng mas maraming tao ang importanteng mensahe ng pagkondena’t pagkilos, iba’t ibang midya ang dapat gamitin. Kung ang I-POD ay ginagamit ng maraming kabataan para sa musika ng eskapismo, nananawagan kami sa mas epektibong paggamit nito para panoorin at pakinggan ang mensahe ng pagbabago na nakikita sa aming bidyo: Katarungan para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao; dagdag na badyet para sa edukasyon; pagsasabatas ng Reproductive Health Bill; at pagkondena sa plahiyo o plagiarism.

Pagmasdang mabuti ang aming parol. Ang palamuti nito ay hindi lang diyaryo kundi rolyo ng pelikula, pati na ang kagamitan para sa brodkast tulad ng IPOD na ang nilalaman ay mula sa pananaliksik sa komunikasyon. Apat ang aming programa – peryodismo, komunikasyong pangbrodkast, pelikula at pananaliksik sa komunikasyon. Pero higit pa sa apat ang aming panawagan para itaguyod ang isang midyang nagsisilbi sa kabutihan ng nakararami.

Alagad ng midya! Magmulat, maglingkod, makibaka!

Mabuhay ang Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.