UP Diliman Lantern Parade 2014: Parol ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla

N.B. – This is the description of the entry of the UP College of Mass Communication for the Lantern Parade 2014.

PASUNDAYAG, MASKOM! PADAYON, UP!

019Sa okasyon ng ginintuang taon ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla sa ika-labingsiyam ng Hunyo 2015, pagmasdan ang limampung clay candle holders na ginawa ng mga survivor ng bagyong Yolanda.

Nakadikit sa mga ito ang limampung kandilang sumasagisag hindi lang sa paghugot ng lakas mula sa mamamayan kundi sa pagyabong ng isipan habang iniilawan ang tinatahak na daan.

Sa nag-iisang malaking parol na pinag-uugatan ng mga kandila, kapansin-pansin ang simbolo ng ating pagkakaisa.

Sama-sama tayong mag-ingay para baguhin ang lipunan; sama-sama nating buuin ang isang mapagpalayang midya sa tulong ng impormasyong makatotohanan; sama-sama nating tahakin ang tunay na kalayaan.

Pasundayag, Maskom!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.