Epekto ng pagsasabatas ng karapatan sa pagsagot

N.B. – This was published in the March 6-12, 2009 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://www.pinoyweekly.org/cms/2009/03/epekto-ng-pagsasabatas-ng-karapatan-sa-pagsagot.

Ang panukalang Right of Reply na inaprubahan sa Senado at kasalukuyang pinag-aaralan sa Kamara de Representante ay umani ng napakaraming batikos mula sa mga mamamahayag.

Ano kaya ang konteksto ng pagtutol sa Senate Bill No. 2150 at House Bill No. 3306 na ang awtor ay sina Sen. Aquilino Pimentel at Rep. Monico Puentevella? Para sa isang ordinaryong mamamayang hindi masyadong naiintindihan ang nilalaman ng panukalang batas, maaari niyang isiping umaayon sa kanyang interes ang pagkakaroon ng isang Right of Reply Law.

Sino nga ba naman ang ayaw sa pagbibigay ng pantay na espasyo o airtime para sagutin ang anumang paratang sa kanya? Hindi ba’t magandang oportunidad ito para sa sinumang binatikos para puwersahin ang isang organisasyong pang-midya na isapubliko ang kanyang sagot (Sec. 2 ng SB 2150)? Hindi ba’t lalong mas mainam na hindi maaaring baguhin ang sagot mo ng organisasyong pang-midya, maliban na lang kung libelous ang iyong pahayag (Sec. 6 ng SB 2150)?

Kung nagtatrabaho ka sa midya, malalaman mong imposibleng ipatupad ito lalo na sa sitwasyong ang isang isyu ay maraming sangkot na partido.

Kung ang isang artikulo’y bumatikos sa isang institusyong maraming opisyal (lalo na sa gobyernong napakalaki ng burukrasya!) at lahat sila’y tinamaan ng naiulat na kritisismo, paano na lang makapagbibigay ng pantay na espasyo sa lahat sa kanila? Mauubos, at baka nga kukulangin pa, ang buong isyu ng isang publikasyong print at online o programa sa telebisyon at radyo para lang bigyan ng diumanong karapatan ang lahat na maisapubliko ang kanilang sagot.

At paano na lang ang kung sa pagsagot ng mga opisyal na ito’y may binatikos sila’t gusto ring sagutin ang mga paratang? Malinaw na magiging walang katapusang debate ang mangyayari sa midya at hindi mabibigyan ng sapat na atensiyon ang iba pang isyung kinakaharap ng Pilipinas.

Nang naimbitahan ako sa Senado noong 2005, ipinaliwanag ko na ang tinuran ko noong editorial nightmare sa pagpapatupad ng isang Right of Reply Law. Ang pagtutol ng maraming mamamahayag at organisasyong pang-midya noong panahong iyon ay nagtulak sa Senado para huwag ipasa ang panukalang batas na ito. Akala ko noo’y magiging wakas na ito ng isyu, pero nakakagulat ang mga pinakahuling pangyayari dahil naging mabilis ang pag-apruba ng Senado at tila may sapat nang numero para ipasa ito sa Kamara.

Sa bandang huli, nais ng mga nasa kapangyarihan na huwag iulat ng midya ang mga kontrobersiyang maaaring umani ng batikos mula sa iba’t ibang partido. Sa halip na maging kritikal, ineengganyo ang midya na iulat lang ang mga ”positibo.” Sa pamamagitan kasi sa pag-iwas sa mga ”negatibo” (sa pamantayan ng mga nasa kapangyarihan), hindi na kakailanganin pa ang pagbibigay ng pantay na espasyo at airtime sa sinumang tao o institusyon.

Madaling sabihin ng mga pulitikong tulad nina Pimentel at Puentevella na isinasaalang-alang nila ang kapakanan ng mga taong binabatikos ng midya o biktima ng iresponsableng pamamahayag. Tanggap namang maraming pagkukulang ang midya at may mga pagkakataong nakasasama ang kanilang pag-uulat dahil sa maling datos at pagsusuri sa mga nangyayari sa lipunan.

Pero anong klaseng solusyon sa seryosong problema sa midya ang inihahapag sa kasalukuyan? Kailangang tandaang ang anumang pagsasabatas ng isang karapatan ay maaaring sumikil dito sa huling pagsusuri.

Sa isang lipunang malinaw na walang pagkakapantay-pantay sa usapin ng yaman at kapangyarihan, lalong mawawalan ng boses ang ordinaryong mamamayan kung ang mga nasa kapangyarihan ay gagawa ng mga mapanlikhang paraan para maging laman ng mga balita.

Kailangang tandaang magkakaroon ng eleksiyon sa 2010 at ito ang panahong kailangang pag-usapan ang mahahalagang isyu. Ang anumang malalim na pagtalakay sa mga ito ay maaaring magresulta sa pagbatikos sa ilang indibiwal at grupo. Kung may Right of Reply Law, posibleng iiwasan ng mga organisasyong pang-midya ang pag-uulat ng mga ito para hindi masaklaw ng puwersadong pagbibigay ng pantay na espasyo’t airtime sa mga binatikos sa ulat.

Hindi ba’t napakasaya ng sitwasyong mananahimik na ang midya sa pagbabatikos? Sino kaya ang makikinabang kung sakaling mangyari ang sitwasyong ito, salamat sa Right of Reply Law? Ngayon, alam mo na kung bakit minamadali ang pagsasabatas nito.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

2 thoughts on “Epekto ng pagsasabatas ng karapatan sa pagsagot”

  1. Hi Sir;

    I’m Rosalyn Mae Sto Domingo from the College of Mass Communication, UPD. On Behalf of our 11th Department Extension Research Project presentation entitled: IMPRESS10N: Impact of Media Presence on the 2010 National Elections,” I would like to invite you to our public presentation on March 14, at the Media Center, UP CMC.

    In line with this, we sent you the whole invitation, with the press release to the email address you posted. We hope you can look into it. =) And if ever you were not able to receive it, please feel free to contact us.

    We hope you will find our invitation worth your time. Thank you! =)

    Here are our contact details:

    Rosalyn: (0916) 2437-992
    [email protected]

    11th DERP: [email protected]
    URL: http://11thderp.multiply.com/

    Reply: Thank you for the invitation but I am already on special detail at Hannam University in South Korea. Good luck on the 11th DERP presentation. I hope you also used as reference the two studies we did on media coverage of the 2004 and 2007 national elections published by CMFR.

  2. I really like the bill because it will limit the abuse of Press People. However, like other power given to people. it is still subject to abuse.

    There must be a check done to help prevent abuse. Press now cannot be used easily to attack people. You will be obligated to get the person involved his/her side of the story.

    This bill in no-way stops FREE PRESS. It just gives a way for some sort of balance coverage for both side of the story.

    Long live to freedom of expression, but long live to rights to defend one’s self as well.

    Proud Pinoy,

    http://www.daxlight.com/

    Reply: Thank you for your honest opinion.

    I can understand the collective frustration brought about by irresponsible reporting, not to mention the tempting offer provided by imposing through legislation the need to get the other side of the story. But we should remember that journalists are already obligated to get the other side of the story as this is part of the standards that are upheld. Of course, one can always argue that there are many irresponsible journalists in our midst, and there is absolutely no debate with that.

    The fact that self-regulation is flawed at the moment does not mean that we should now resort to government regulation through congressional legislation. We should instead try our best to strengthen self-regulation by re-training journalists and strengthening audience involvement by, among others, making them aware of the functions of institutions like the PPI and the KBP and organizing media advocacy groups which are sorely lacking in the country.

    The balanced coverage you are hoping for cannot be achieved under the RORB for precisely the same reason that you cited: It is prone to abuse by those in power to get their share of media mileage, especially now that elections are expected to be held next year.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.