Ilang bagay na kailangang malaman sa Labor Force Survey

N.B. – This was published in the September 25-October 1, 2009 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/ilang-bagay-na-kailangang-malaman-sa-labor-force-survey/.

Naniniwala ka bang 2.9 milyong katao lang ang walang trabaho samantalang 35.5 milyon ang may trabaho? Saan kaya hinugot ng pamahalaan ang mga datos na ito?

Ayon sa Labor Force Survey (LFS) noong Hulyo 2009 (na inilabas ng National Statistics Office (NSO) noong Setyembre 15), 92.4 porsiyento ng mga nasa lakas paggawa (labor force) ay may trabaho samantalang 7.6 porsiyento ang walang trabaho. Marami pang estadistika ang inilahad sa dalawang-pahinang press release ng NSO pero hindi nito ipinaliwanag kung paano nakompyut ang mahahalagang datos na ito.

Kung may isang bagay na mahalagang malaman ng mambabasa tungkol sa LFS, ito ay ang depenisyon ng terminong “may trabaho” (employed). Malalaman mo ito sa Technical Notes on the Labor Force Survey (LFS).

Ang LFS ay isinasagawa ng pamahalaan sa 41,000 kabahayan (households) sa buong Pilipinas apat na beses sa isang taon – tuwing Enero, Abril, Hulyo at Oktubre. Para maisakonteksto ang bilang ng kabahayang ginagamit sa LFS, kailangang malamang sa pinakahuling datos ng NSO ay umaabot sa 14.9 milyon ang mga okupadong bahay.

Tulad ng iba pang survey, may mga tanong para sa sinumang maabutan sa bahay. Suriin natin ang apat na tanong na nakasulat sa wikang Ingles (naka-bold ang mahahalagang punto):

  1. “Did____ do any work at all even for only one hour during the past week?” This question is asked to identify the employed persons. “Work at all” for purposes of this survey means that a person reported to his place of work and performed his duties/activities for at least one hour during the reference week. If a person reported that he did some work, not counting chores around the house, he is still considered in the employed category although most of his time was devoted to household chores. All persons not identified by the above question as employed are asked the following questions.
  2. “Although ____ did not work, did ____ have a job or business during the past week?” Some persons may not have work at all during the past week but may actually have jobs or businesses which they are temporarily not reporting to, as in the following cases: an employee on strike; a person temporarily laid off due to non-economic reasons like machine breakdown; a person with a new job to begin within two weeks from the date of interview; regular and temporary teachers, excluding substitutes, during summer vacation who still receive pay and who expect to go back to their jobs in the next school year. These persons are considered employed even though they are not actually at work.
  3. “Did ____ look for work at any time during the past week?” This question is asked to determine who among those who had no job/business had really done something to look for work. If a person looked for work, he or she is classified as unemployed, otherwise, the next question asked is to determine whether a person should be classified as unemployed or not in the labor force.
  4. “Why did ____ not look for work?” This question seeks to determine if the main reason for not looking for work is valid (see definition of unemployed) in which case the person is considered unemployed. If the answer to this question is schooling, housekeeping, too young/old or retired/permanent disability or other reasons not considered valid, then the person is excluded from the labor force.

Ano naman ang ibig sabihin ng trabaho para sa pamahalaan? Mainam na basahing mabuti ang depenisyong ito (muli, naka-bold ang mahahalagang punto):

“Work means something a person does during the past week, for pay in cash or in kind, in any establishment, office, farm, private home or for profit or without pay on a family farm or enterprise. It also includes what a farm operator or member of the operator’s family does on the farm operated by another household on exchange labor arrangement.

“In addition to the above, any activity that a person does during the past week in relation to minor activities in home gardening, raising of crops, fruits, hogs, poultry etc., fishing for home consumption and manufacturing for own use are also considered work. However, there must be some harvest in the case of home gardening, raising of crops, fruits and nuts and gathering of wild fruits and vegetables; animals disposed of (sold, consumed, bartered or given away) or some catch in fishing in order that these activities will be considered work.”

Simple lang ang implikasyon nito. Ang isang nanay na magtatanim na lang ng kamote para may maipakain sa mga anak ay may trabaho pala, kung ang pagtatanim niya ay umaabot ng isang oras sa loob ng isang linggo. Gayundin ang kaso ng isang anak na inutusang mag-alaga ng manok o mangisda.

Sa kontekstong ito, posibleng maraming “may trabaho” sa loob ng isang pamilya kahit na ang tatay lang ang nakakakuha ng suweldo mula sa kanyang trabaho. At kung babalikan ang naunang paliwanag hinggil sa mga tanong sa LFS, kasama pa rin sa bilang ng mga may trabaho ang mga manggagawang nagwewelga!

Malinaw sa pamantayan ng pamahalaan na ang isang tao ay employed kung siya ay nagtrabaho kahit isang oras lang sa loob ng isang linggo. Dagdag pa rito, nakasaad sa Technical Notes na may trabaho ang isang taong nagsagawa ng “work without pay on the farm or business enterprise operated by a member of the same household related by blood, marriage or adoption.” Halimbawa, kung ang anak ng isang magsasaka ay tumulong sa pagtatanim ng palay, “may trabaho” siya kahit na hindi siya binayaran.

Ito ang magpapaliwanag kung bakit kasama sa klasipikasyon ng mga may trabaho ang Unpaid Family Workers (10.8 porsiyento), bukod pa sa Own-Account Workers (33.9 porsiyento) at Wage and Salary Workers (55.3 porsiyento). Bagama’t malaking bahagdan ang mga may regular na suweldo – iba pang usapin kung sapat ba ang kanilang kinikita sa pangangailangan ng pamilya – nakababahala pa rin ang sitwasyong umaabot sa 44.7 porsiyento ang kailangang makipagsapalaran dahil sa kawalan ng oportunidad na magkaroon ng regular o kontraktwal na trabaho, kundi man makontento na lang sa pagtulong sa kamag-anak (kahit walang bayad) sa anumang trabahong mayroon ang huli.

Kaya huwag ka na ring magulat kung umabot noong Hulyo 2009 sa 19.8 porsiyento ang underemployment rate o ang tantos ng mga taong nais madagdagan ang oras ng kanilang trabaho, magkaroon ng iba pang mapagkakakitaan o makakuha ng bagong trabahong may mas maraming oras.

Ayon sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), dumarami ang bilang ng mga taong araw-araw na umaalis ng Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa. Kung noong 2007 ay umabot sa 2,952 ang umaalis araw-araw, tumaas ito sa 3,377 noong nakaraang taon.

Hindi tuloy nakakagulat na ang opisyal na bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) ay 1,464,295 noong 2008. Kung maganda ang kalagayan ng empleyo sa Pilipinas, hindi naman mapipilitang umalis ang napakaraming mamamayan para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Sadyang mahirap paniwalaan ang mga datos na galing sa isang pamahalaang mahirap pagkatiwalaan. Kahit na hindi maiiwasang gamitin ang mga opisyal na estadistika sa ating pagsusuri ng nangyayari sa ating lipunan, mainam na maging kritikal sa mga ito at parating isiping mapagpasya pa rin ang nakikita ng ating mga mata.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.